Chapter Three: Si Wesley

1.2K 17 2
                                    

Ang mga karanasan ni Carlo sa kanyang bestfriend na si Kyle, at sa kanyang kapatid na si Kuya
Jake ay ilan lamang sa mga experience n'ya sa
kanyang paglaki.

Thirteen years old palang siya noon at hindi n'ya pa gaaong na e-explore ang kaniyang sexuality.

Pero habang tumatagal, hindi na nagawa pang itago ni Carlo ang pagiging bading.

Lalo na noong high school siya.

Hindi n'ya makakalimutan ang araw na na-meet n'ya ang kanyang new bestfriend sa high school.

First day of classes noon, at s'yempre naïve pa si Carlo, nang biglang kinausap siya ng katabi n'yang lalaki.

Payat ito at nakasuot ng masikip na purple shirt at tila nag-blush ng makapal sa pisngi.

"Hi!" bati ng lalaking may mapulang pisngi. "What's your name?"

"My name is Carlo..."

"I'm Genesis pala," pakilala ng lalaki. "But you can call me Sis!"

Inisip ni Carlo kung bading nga si Genesis pero ayaw n'ya itong tanungin at baka ma-offend s'ya.

Sumunod ay isang napaka-awkward na silence.

Napansin ito ni Genesis kaya nauna na itong nagsalita.

"Um, in case you wanna ask," biglang sabi ni Sis. "Im gay!"

Hindi alam ni Carlo kung ano ang susunod na sasabihin at humanga ito sa pagpapaka-totoo ng katabi.

Pero kung gusto n'ya talagang magpakatotoo gaya ni Sis, ngayon na n'ya dapat simulan.

"Umm...I'm gay, too!" pag-aamin ni Carlo, medyo mahina nga lang.

"OMG, finally, may na-meet na rin akong gaya ko!" nakangiting sabi ni Sis.

"Umm, actually, I'm a bit malandi na gay ah," babala nito.

"You know what, actually malandi rin ako!" a naman ni Carlo.

Sa wakas, nabawasan na rin ang takot na baka wala siyang maging ka-close ngayong

aminado na si Carlo na bading nga siya.

Masayang nag-kwentuhan ang dalawang bagong magkaibigan nang

bigla nilang mapansin ang mga bago nilang kaklase.

Sa mamahaling private school i-enroll si Carlo ng kanyang Mommy Pricilla.

Doon din nag-aaral ang kanayng Kuya Jake kung saan fourth year

na ito ngayon. Kaya as expected, pabonggahan talaga.

Maraming babae sa klase ni ngunit mas marami ang mga lalaki, at

lubos naman siyang natuwa doon.

May mga lalaking akala mo fourth year na dahil sa itsura, may mukhang nerd, may mga mukhang kalabaw,
at meron rin yung
sadyang maiingay pero pangit naman ang itsura.

Ngunit ang nangingibabaw sa kanilang lahat ay si Wesley.

Daig pa ang mga leading man sa sobrang guwapo

Matangkad, maputi, maganda ang mata, manininpis ang labi at isa pa, mukhang mayaman talaga
base sa kanyang pananamit at kilos.

Hindi nagsasalita si Wesley at nakikinig lang ito sa kanyang ear phones.

Palagay ni Carlo ay suplado si Wesley pero hindi nya maiwasang pagmasdan ang gwapong kaklase.

Kaya nang si Wesley na ang nagpakilala, halos lahat ata natahimik, pati ang mga babae nilang kaklase.

Ang Buhay ni CarloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon