Inside his room, nakahiga si Carlo sa kama. He felt weak and yet the feeling of restlessness overpowered him.
But most of all, he felt like going down. Like he just lost a fight.
Nagring muli ang kanyang cellphone. It was Sis.
"Friend, I'll be there in about half an hour? May pinuntahan lang ako sandali ha," sabi nito kay Carlo.
Halata ang concern sa boses nito.
"Okay lang," sabi ni Carlo.
He was about to hang up the phone ngunit nasabi nitong, "Sis, salamat ha."
"Okay lang, ano ka ba. Antayin mo lang ako ha," sabi ni Sis. Natapos ang tawag.
Bumangon si Carlo. Kinuha niya ang kanyang bagpack saka nilabas ang mga laman nitong gamit.
Sunod ay kumuha siya ng ilang kapirasong damit mula sa kanyang aparador.
Hindi niya alam kung bakit niya kailangan umalis. He just felt like doing so. Like acting on impulse.
Nagbihis siya ng damit, at lumabas na papuntang sala. There, he waited.
Habang naghihintay siya, he thought of so many things. Pero most of all, he thought of Vince.
If this is really the end for us, then maybe I should just accept it, sabi niya sa sarili.
There was no point denying it. Eto na siguro ang biggest fight nila.
And worst of all, pakiramdam niya siya pa ang agrabiyado, na siya pa ang mali.
Nagtext si Sis. "Parating na ako in ten minutes."
And so he waited.
Then he heard a sound of a car outside. Siguro, si Sis na iyon, isip ni Carlo.
He got his bag pack at saka binuksan ang pinto. Lumabas siya sa may garahe.
Pero laking gulat niya, to find that it was Vince.
"Bakit nasa labas ka?," malamig nitong tanong kay Carlo habang pababa siya ng kotse.
Hindi pa nakakasagot si Carlo nang bigla namang bumusina ang isang kotseng paparating.
Kotse iyon ni Sis. So much for good timing, bulong nito sa sarili.
-------------------------------
Napamura si Carlo sa isip-isip niya. Sinensyasan niya si Sis ng 'sandali lang.'
But Genesis missed it. Bumaba na siya kaagad mula sa kotse saka pumasok sa loob ng perimeter ng bahay.
"Carlo, let's go na?"
"Yeah..." sabi ni Carlo. Vince was looking him eye to eye. His general expression was hard to see in the darkness.
Pilit iniwasan ni Carlo ang nang-iinit na mata ni Vince.
"Yeah, tara..." sabi nito kay Sis. Naglakad siya papunta sa kaibigan.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Vince. It was Genesis who answered.
"Carlo called me at doon daw siya makikitulog sa amin," Genesis said confidently.
But it seemed na false confident lang iyon. Sa mukha kasi ni Sis ay bakas ang takot nito kay Vince.
Paano ba naman, sa aura palang ni Vince, mai-intimidate ka na.
Patuloy na tinitigan ni Vince si Carlo. His eyes, questioning him intensely.
"Sandali lang, aalis ka?" tanong ni Vince kay Carlo.
"Yah. I need some time on my own," mahinang sabi ni Carlo.