Chapter 19 LOSING

451 5 0
                                    

Enrollment. Isang nakakatamad na enrollment sa isang mainit na araw.

Every year, napapansin ni Carlo na paunti ng paunti ang mga nage-enrol sa paglipas ng bawat taon. Lalo na sa batch nila.

Nakalahati ang batch nila since first year. He wasn't shocked at all. Mahirap talaga ang course.

Lalo na kung wala kang inspirasyon sa pag-aaral, sorry ka. Buti siya meron...

si Vince...

Incoming fourth year na siya. One more year. One more crucial year. And then he can finally work. Be finally free...

...with Vince.

But today, he was getting impatient. Ang tagal ni Vince.

Ang usapan nila, maaga silang magpapa-enrol para makapag general cleaning pa sila ng bahay nila.

Alas diyes na, wala pa si Vince. Hindi nito sinasagot ang mga tawag ni Carlo.

He tried to call him once more.

"The number you are calling is out of coverage area," sabi ng female operator.

"Pucha," sabi ni Carlo.

He proceeded with his enrolment. Madali naman ang proseso. Pero nanghihinayang lang siya na hindi niya kasama si Vince.

Kagabi lang ay magkausap pa sila sa phone. Ang liwanag ng usapan, maaga silang magkikita.

Its so unlike of Vince. Hindi naman pwedeng malate lang ng gising si Vince.

There's something going on...

Something...wrong...

After lunch na nakauwi si Carlo sa kanilang bahay. Wala pa din si Vince. He tried to call him once more.

"The number you are calling is out of coverage area," sabi ng female operator.

Nabato ni Carlo ang kanyang cellphione sa kama.

Siya rin ay napahiga sa kama, sa sobrang pagod ng pagkakatayo sa enrolment kanina.

Still, he was thinking about Vince...he closed his eyes...and fell asleep.

--------------------------

Pag gising ni Carlo ay narealize nyang di pa pala siya nakapagpalit ng damit niya. Nakabukas ang ilaw sa sala. Malamang may tao doon.

Bumangon kaagad siya and he went straight sa sala. And tama ang hinala niya, it was Vince.

It was his first time to see him again since hinatid niya ito sa bahay nila. Vince looked sad. Umupo si Carlo sa tabi niya.

"Vince, andyan ka na pala," sabi ni Carlo sa kanya.

Inakbayan ni Vince si Carlo. He pushed Carlo's head on his shoulders. Napasandal si Carlo sa balikat ni Vince.

"Sarap ng tulog mo kanina ah," sabi ni Vince.

"Ah, napagod ako sa enrollment," sagot ni Carlo. He noticed that there were a couple of canned beers sa gilid ng sofa.

"Umiinom ka?," sabi ni Carlo.

Hindi sumagot si Vince. After emptying the contents of the can he was holding, kumuha ulit siya ng isa.

"Ahm, nag-enrol ka na ba?" tanong ni Carlo.

Vince shook his head. He took another swig of the beer. Saka siya sumagot.

"Wala akong pang-enrol, Caloy," sabi niya.

"Hah? E diba lagi ka namang fully paid every sem? Bakit nadelay ba ang padala ngayon?"

Ang Buhay ni CarloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon