𝑪𝒍𝒂𝒊𝒗𝒐𝒏 𝑷𝒂𝒏𝒆 𝑮𝒍𝒂𝒅𝒊𝒖𝒔
...
"Hi! I'm Runeia Deil Garnet, nice to meet you!" Nakangiting pagpapakilala niya habang nakalahad ang kamay sa harap ko.
"Ahh, shake hands? Hehe." Alanganin pang pag ngiti nito ngunit kinunutan ko lang siya ng noo kaya dahan-dahan niya nang ibinaba ang kamay.
Napailing na lamang ako at nilagpasan siya. Narinig ko pa ang pagtawag niya pero hindi na ako nag-abala pa na lumingon.
"Ts. Nasaan na ba kasi 'yon? Nawawala na yata ako." Bulong ko.
Nasa gubat ako dahil hindi ko rin alam. Naglalakad lang naman ako sa dalampasigan nang makita ko sa dulo nito ang mga matatayog at mayayabong na mga halaman at puno na hindi ko akalaing malawak na gubat pala. Kaya ito, naliligaw na ako.
At 'yong babae naman? I don't know her.
"Nawawala ka ano?"
Gulat akong napatingin sa likod-Only to find out that it's the girl named Runeia and she's smiling like a weirdo?
"What do you want?" Inis kong tanong sa kaniya.
Napangiwi ako nang lumawak lalo ang pagkaka ngiti niya.
"Just tell me your name hehe." Sagot niya.
What for?
I checked her out. Hindi naman siya mukhang taong gubat. White dress, slippers and hmm a white headband. She's a beauty. Pero kung gabi ko siya nakita, malamang kanina pa ako nag tatakbo rito dahil mapagkakamalan ko siyang white lady. Heck! She's white as snow plus na puro puti rin ang suot niya.
"Ituro mo ang daan palabas sa gubat na ito at sasabihin ko ang pangalan ko." Seryosong utos ko para manahimik na at umalis na siya.
As if naman na alam niya, eh mukhang hindi naman siya taga rito kaya baka naliligaw din siya. Pero hindi ko inaasahan ang magiging sagot niya.
"Sure!"
What?
"Hindi ka ba naliligaw?" Naguguluhan kong tanong. Umiling naman siya na lalong ikinataka ko. "Eh anong ginagawa mo rito?"
Tumaas-baba ang balikat niya.
"Nagpapahangin. Ano, tulungan na ba kita? Hahahaha!" Tumawa pa siya na parang nakakatawa ang gagawin niya. Hindi ko na tuloy alam kung seryoso ba siya o ano.
At saka nagpapahangin? Sa gubat? She's still smiling na parang may gagawin siyang masama. Maybe I can find the way out on my own.
"Okay, you can go now. I don't need your help." I frankly said and continued walking.
"Tanda-tanda mo na naliligaw ka pa. Pangiiiittttt!"
Ano?!
Napahinto ako rito at hindi maiwasang panlakihan siya ng mata.
"Ano? 19 lang ako, bata. At saka, pangit? You must be hallucinating... White lady." Binulong ko ang huling sinabi pero mukhang narinig niya dahil lumaki rin ang mga mata nito.
"Maarte ka! Umalis ka na nga rito!" Inis na sigaw niya at halata na rin ang pagkainis dahil sa namumulang mukha.
"Kanina ko pa gustong umalis dito." Sagot ko na lamang at naglakad ulit.
"Edi ituturo ko na sayo ang daan!"
"Stop shouting, katabi mo lang ako."
"Lumalayo ka na sa labasan! Ituturo ko na ang daan palabas!"
BINABASA MO ANG
Crazy Love
Mystery / Thriller"𝙃𝙪𝙨𝙩𝙞𝙨𝙮𝙖 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙥𝙖𝙜𝙢𝙖𝙢𝙖𝙝𝙖𝙡 𝙣𝙖 𝙣𝙖𝙜𝙩𝙖𝙥𝙤𝙨 𝙨𝙖 𝙠𝙖𝙢𝙖𝙩𝙖𝙮𝙖𝙣." ... 19 years old boy Claivon Pane Gladius met 18 years old Runeia Deil Garnet in the forest. They fell in love with each other and finally decided to...