'In claivon's dream.'
—
𝑪𝒍𝒂𝒊𝒗𝒐𝒏 𝑷𝒂𝒏𝒆 𝑮𝒍𝒂𝒅𝒊𝒖𝒔
...
"Pane?"
"Hmm?"
"Kwentuhan mo naman ako."
Agaran akong napatingin sa kaniya. May mumunting ngiti sa kaniyang labi.
"Ano namang ike-kwento ko?" Tanong ko. Nagkibit-balikat lang siya kaya napanguso ako.
"Wala naman akong make-kwento, napaka boring ng buhay ko e."
"Maganda naman ang mundo hindi ba?" Malumanay niyang tanong na siyang takang kinatango ko. "Pero bakit hindi tayo masaya?"
Natigil naman ako bago bumuntong hininga at tumingin sa napakalawak na mga puno at halaman.
"Napaka random mo talaga. Pero bakit nga ba?" Balik kong tanong at tumawa. Bakit nga ba? "Hindi ko pa alam. Hindi pa natin alam. Gusto mo bang alamin?" Umiling naman siya sa tanong ko na siyang ikinatawa ko lalo.
"Claivon pane!!"
"Nasagot mo na ang tanong mo, Runeia." Nakangiti at seryosong wika ko sa kaniya. Humigop ako ng hangin at malakas itong binuga. "Bakit mo tinatanong ang bagay na alam mong hindi mo kayang tanggapin?"
"Hindi ko kasi maintindihan-"
"Ako rin."
"Pane!"
Natawa ako lalo. Napatingin ako sa lupang inuupuan ko bago pumulot ng batong kasing laki ng palad ko at ibinigay sa kaniya. Tinaasan niya lang ako ng kilay kaya ako na ang kumuha ng kamay niya at inilagay ang bato sa palad niya mismo. Umayos naman ako ng upo bago nagsalita.
"Alam mo, hindi naman pinaganda ang mundo para sumaya ang tao... " Pagsasalita ko habang nakatanaw sa dulo ng gubat. "Pinaganda ang mundo para sa mga tao, hayop, insekto, halaman, at kung ano-ano pa. Ayun lang. Ang kasiyahan mo hindi mabibigay ng kung sino man, bukod sa sarili mo." Dagdag ko pa bago ngumiti ng malaki.
"Kung hindi ka masaya ngayon, hayaan mo baka bukas, sa susunod na bukas, o sa mga susunod na susunod na bukas, maging masaya ka rin. Hindi sa kalungkutan matatapos ang buhay mo."
Sabi nga sa mga nababasa kong libro, 'Ending is the best part'. Indeed.
Nagtaka ako nang wala akong naririnig na komento galing sa kaniya kaya taka akong napatingin sa kaniya. Nakatulala ito sa akin.
"Gwapo ba?" Ngising tanong ko. Sinimangutan niya naman ako at pinakita ang batong hawak pa rin pala niya hahah.
"Para saan 'to?" Taka niyang tanong na siyang pinagkibit balikat ko lang. "Anong-Walangya ka talaga!"
"Akin na nga." Kinuha ko ang batong ibabato niya na dapat. Pinagkatitigan ko ito at dahan-dahang hinimas.
Hindi marunong maka appreciate ng bato itong babaeng buko na 'to, hmp.
"Ang creepy mo." Biglang wika niya kaya natawa ako. Nakatingin pala siya.
"Gusto mo ba... Magkwento ako tungkol sa akin?" Dahan-dahan kong tanong habang patuloy sa paghimas ng batong hawak ko.
Hindi siya nagsalita kaya natawa ako. Silent means 'yes' talaga pag dating sa kaniya.
"Apat kaming magkakapatid. Si kuya Even ang panganay, si kuya Veign ang pangalawa, si ate Oizys ang pangatlo, at ako ang bunso." Ngiting pagsisimula ko habang inaaalala ang mga kapatid ko. "The oldest one is 27 and the youngest is 20, which is me. Hindi kami close sa isa't isa pero masasabi ko namang pamilya kami? Hahaha."
BINABASA MO ANG
Crazy Love
Mystery / Thriller"𝙃𝙪𝙨𝙩𝙞𝙨𝙮𝙖 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙥𝙖𝙜𝙢𝙖𝙢𝙖𝙝𝙖𝙡 𝙣𝙖 𝙣𝙖𝙜𝙩𝙖𝙥𝙤𝙨 𝙨𝙖 𝙠𝙖𝙢𝙖𝙩𝙖𝙮𝙖𝙣." ... 19 years old boy Claivon Pane Gladius met 18 years old Runeia Deil Garnet in the forest. They fell in love with each other and finally decided to...