CL11: Awakened

16 0 0
                                    

𝑪𝒍𝒂𝒊𝒗𝒐𝒏 𝑷𝒂𝒏𝒆 𝑮𝒍𝒂𝒅𝒊𝒖𝒔

...

"Umiiyak ka..." Mahinang wika ko.

Umiwas siya ng tingin at mahinang tumawa. May pinagmanahan talaga 'to e.

"N-namimiss ko lang si ma'am Runeia boss hahaha." Natahimik naman ako sa naging sagot niya. "Namimiss ko lang siya..." Pag-uulit niya pa bago ngumiti ng matamis. Napangiti ako.

"Nasa kabilang kwarto lang siya, Leo. Bisitahin mo at paniguradong magtatampo na 'yon dahil hindi mo kinakausap at dinadalaw." Ngiting wika ko. Mahina kong tinapik ang balikat nya bago siya tanguan.

Gusto kong malaman niya na, okay lang, puntahan niya kahit anong oras dahil kailangan rin siya at alam kong kailangan niya rin.

Ngunit imbes na tumawa at ngumiti kagaya ng palagi nitong ginagawa, umiwas ako ng tingin nang makitang mas lalong lumungkot ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.

Hindi ko gusto ang nakikita kong mga emosyon sa mga mata niya. Punong-puno ng lungkot at awa na parang may ipinapahiwatig. Alam ko... ramdam ko kung gaano niya pinipigilan ang lumuha pero mukhang hindi niya kaya.

'H-huwag kang umiyak, Leo...' Piping wika ko sa isip nang maramdam ang pag yuko nito.

Hind rin nagtagal, naririnig ko na ang mahihinang pag hikbi nito na parang ayaw niyang marinig at malaman ko na umiiyak siya. Naninikip ang dibdib kong pakinggan ang pag iyak niya.

Ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya kaya hindi na ako nakatiis at niyakap na siya ng mahigpit. Naging dahilan naman ito upang lumakas lalo ang pag-iyak niya.

'Hindi ko pinaiyak ang anak natin Beatrice hah.'

"Tumahan ka na, Leo. Hindi niya magugustuhan na umiiyak ka imbes na kausapin mo siya." Bulong ko rito habang nananatili siyang yakap.

Ngunit hindi pa rin siya tumigil at mas lalong umiyak kaya hindi ko na rin napigilan ang sariling lumuha.

Kasalanan ko...

"P-patawad. Patawad hindi ko siya naalagaan. P-patawad... napabayaan kita. Patawad... Leo... anak." Nagsisisi ako. Marami akong pinagsisisihan. Marami akong sinirang pangako. At alam kong hindi ko na maibabalik lahat. Pero hanggat buhay pa siya, babaguhin ko pa lahat.

'Lumaban ka mahal. Para sa akin, para sa anak natin, para sa atin. Pakiusap...'

Naging sunod-sunod na rin ang pagluha ko nang maramdaman ang pagyakap niya pabalik.

Patawad...

Leord Rhyell Garnet is the adopted child of Runeia. Bago pa lang kami magkakilala ni Beatrice, meron na siyang Leo. He was adopted when he was 9 at nakilala ko siya nang mag 11 na siya.

Sabi sa akin ni Neya, nakita niya si Leo sa bangin na 'yon mismo. Hindi ito umiiyak at nakaupo lang raw habang nakatulala. Sabi niya pa, sobrang rungis at sobrang payat daw ni Leo pero walang ibang sugat bukod sa dumudugong tuhod at nanghihina lang. Noong nilapitan niya raw ito at tinanong kung anong pangalan niya, nagulat daw agad siya dahil niyakap siya agad ni Leo at masayang masayang binigkas ang salitang, 'Mama'. Ayaw rin bumitaw ni Leo kaya wala na siyang nagawa at isinama na lang agad sa bahay nila at doon kausapin pagkatapos pakainin at bihisan.

Noong una, hindi nagsasalita si Leo at palaging nakatitig lang kay Runeia habang patuloy at masayang inuulit-ulit ang salitang, 'Mama', kaya hindi niya rin malaman-laman kung ano nga ba ang pangalan nito. At dahil doon, si Neya na mismo ang nagdesisyon kung ano ang pangalan. Leo ang napili niya dahil buwan daw ng agosto nakita si Leo at natuwa lang siya sa Leord at Rhyell kaya ayan.

'Ang talino talaga ng asawa ko.'

Tuwang tuwa naman daw si Leo at gustong-gustong inuulit nang malaman niya ang pangalan niya kaya doon na narealize ni Runeia na wala talagang pangalan si Leo, at Mama lang ang alam sabihin. Bukod pa doon, nakakaintindi naman daw si Leo agad.

Sinubukan nilang hanapin ang pamilya ni Leo pero dahil isa rin sa dahilan na umiiyak si Leo pag iniiwan siya ng asawa ko, hindi na nila natuloy ang paghahanap at hinintay na lang kung may maghahanap. Lumipas na ang linggo, buwan, at mag iisang taon na ay wala pa rin naghahanap. At dahil napamahal na rin si Neya kay Leo, napagpasyahan niyang ampunin na lang, na agad namang pinayagan ni tatay (tatay ni Neya).

Sa isang taong pananatili ni Leo, tinuring na siya ng asawa ko na anak at ina naman para kay Leo. Mama pa rin ang tawag nito sa kaniya. Tinuruan niya ng kung ano-ano si Leo hanggang sa kung ano ano na nga talaga ang natutuhan niya at ito na siya ngayon... Isang iyakin pero matapang na lalaki.

"Ako na naman pagagalitan ng mama mo pag nalaman niyang umiiyak ka." Natatawang wika ko bago mahinang tinapik ang likod nito.

Tinawanan pa ako nito at nagpunas ng luha bago humiwalay sa yakap. Tinitigan ko siya at nginitian.

Mama naman talaga ang tawag niya kay Runeia. Pero simula no'ng nag 14 siya, sabi niya magtatrabaho daw siya sa akin. Para magkaroon ng pera at matuto ng mga bagay-bagay. Tatawagin niya akong boss at ma'am Runeia naman sa mama niya kasi girlfriend ko raw ito at malapit lang naman daw sa salitang mama. Tinuring namin siyang anak ng asawa ko kahit na 19 pa lang ako at 18 siya. Mas nagkaroon kami ng dahilan magkita.

"Magtago ka na boss hahah." Napasimangot ako sa sinabi niya. Nang-asar pa, iyakin naman.

Ako lagi ang pinagagalitan ni Runeia pag umiiyak si Leo dahil pumayag daw akong magtrabaho sa akin si Leo. Aba! Eh anong magagawa ko? Pag 'di ako pumayag, umiiyak din si Leo at ako na naman ang masisisi. Pag nakikita niyang umiiyak, ako palagi ang sinisisi. Ang duga.

"Boss, una na ako. Marami pa tayong gagawin. Magpagaling ka riyan." Ngiting paalam niya na siyang kinatango ko. Sumaludo pa ito bago tuluyang umalis kaya wala na akong nagawa kundi sumaludo pabalik.

Malungkot akong napangiti habang nananatiling nakatayo at nakatanaw sa pintong nilabasan niya.

Leo...

Para akong nagising bigla kanina no'ng nakita ko ang luha niya. Para akong nagising sa reyalidad kung saan naririnig ko ang sakit at lungkot ng anak namin habang sunod-sunod ang pag luha. Reyalidad na may responsibilidad pa nga pala ako bilang ama, bukod sa asawa. Nakalimutan ko. Nakalimutan kong hindi lang din pala ako ang pamilya ni Runeia. Hindi lang ako ang nasasaktan ngayon. Hindi lang ako ang nangungulila. Andito rin si Leo...

'Ito na 'yung 9 years old nating anak mahal, 19 na. Niloloko at pinapaiyak na ako pero iyakin pa rin naman. Dati ako ang nagpapaiyak jan pero ngayon ikaw na. Lagot ka. Tumapang na lalo siya at mas lalong gumwapo. Kaunti na lang at lalagpasan na ako, mga isang Milyong ligo pa. Mukha rin namang maganda ang pagpapalaki natin, lalo na ang pagpapalaki mo. Bilisan mo na gumaling at gumising ka na, hindi ko kakayaning makita si Leo na palaging malungkot... Pasensya na, mahal, nakalimutan ko si Leo. Hindi ko na alam ang gagawin ko at pakiramdam ko mababaliw na ako pag hindi ka pa gumising jan. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal ko kayo.'

...

(*﹏*;)

Thank you! ꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡

Warning: This story contains mature scenes and words.

"ᵁⁿᵈᵉʳˢᵗᵃⁿᵈⁱⁿᵍ ᵗʰᵉ ᶜʰᵃʳᵃᶜᵗᵉʳˢ ᶜᵃⁿ ʰᵉˡᵖ ʸᵒᵘ ᵗᵒ ᵘⁿᵈᵉʳˢᵗᵃⁿᵈ ᵗʰᵉ ʷʰᵒˡᵉ ˢᵗᵒʳʸ."

Crazy Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon