𝑪𝒍𝒂𝒊𝒗𝒐𝒏 𝑷𝒂𝒏𝒆 𝑮𝒍𝒂𝒅𝒊𝒖𝒔
...
"Andito ka na naman."
Agad akong napatingin sa likod ko. She's the girl whom I've met 3 days ago, sa tingin ko? Imbes na sumagot, nagkibit balikat lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad.
Naramdaman ko ang pag habol niya.
"Hoy! Ang bait-bait mo noong nakalabas ka rito sa gubat tapos bumalik ka na naman at masungit ka na naman!" Sigaw niya pa.
Lihim naman akong natawa sa narinig. Nag away na naman kami ng mga magulang ko, at hindi ko rin alam bakit dito ako dinala ng mga paa ko kahit na alam kong maliligaw ako. But luckily, she's here again.
"People changed." I mockingly said, still not facing her.
"Hala siya, dami mong alam. Ang bilis mo naman magbago e tatlong araw pa lang nakalipas. Nababaliw ka na." Natawa ulit ako.
"You have the guts to come here hah. Unang kita ko pa lang talaga sayo alam ko nang isa kang sakit sa ulo! " Sigaw niya na naman.
Huminto na ako at humarap sa kaniya. Nakataas pa ang kilay nito at may naghahamong tingin.
"Oh, ano hah! May angal ka ba?" Ibang klase.
Umiling ako pero inirapan niya na lang ako at nauna na.
Naging masungit din yata siya?
"Oy! Wait up!"
"Oy mo mukha mo! 'Wag mo 'kong sundan!" Sigaw niya
Ano ba ang ginawa ko? At saka bakit ako naman naghahabol?
"What?! Anong ginawa ko?" Sigaw ko rin pabalik at pinantayan ang lakad-takbong ginagawa niya.
Tumigil siya sa paglalakad at inis niya akong tinignan kaya hindi ko maiwasang matawa.
"Bakit ka tumatawa? Baliw ka ba hah?!"
Napaayos na ako ng sarili at mahinang umubo-ubo dahil sa sinabi niya. Masyado ka nang masaya, Aurelius.
"I just want to ask you a little favor, if you don't mind." Nahihiyang panimula ko. Kunot ang noo niya kaya bago pa siya magsalita, inunahan ko na. "May bangin kang tinutukoy noon 'di ba?"
Tumaas ulit ang kilay niya. "Why? Doon mo binabalak tumalon? Sure."
"Hah?" Gulat kong tanong.
Nagkibit balikat lang siya at naglakad na naman. What the hell?
"Oy!!
"It's Runeia!"
"Runeia!" Sigaw ko ulit.
"What?!" Inis siyang humarap sa akin. "Para kang tanga, ang gulo gulo mo."
"What made you think na tatalon ako roon?" Seryosong tanong ko at hindi pinansin ang naiinis niyang mukha.
Tumaas ang kilay nito at napa 'ano' pa bago dahan-dahang tumawa at pabiro pa akong hinampas sa braso. "Binibiro ka lang, okay? Masyado mo namang sineseryoso."
Huminga ako ng malalim. I'm being sensitive again.
"Don't joke like that, you're giving me idea." I said, at naunang maglakad kahit hindi ko alam saan ang daan.
Narinig ko pa ang pag- 'ano' nya.
"You're not serious, aren't you?!" Sigaw niya.
I just shrugged. Who knows?
"Wait up!"
Patuloy lang siya sa pagtatanong pero hindi ko na talaga siya pinapansin hanggang sa makapunta kami sa bangin.
BINABASA MO ANG
Crazy Love
Misterio / Suspenso"𝙃𝙪𝙨𝙩𝙞𝙨𝙮𝙖 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙥𝙖𝙜𝙢𝙖𝙢𝙖𝙝𝙖𝙡 𝙣𝙖 𝙣𝙖𝙜𝙩𝙖𝙥𝙤𝙨 𝙨𝙖 𝙠𝙖𝙢𝙖𝙩𝙖𝙮𝙖𝙣." ... 19 years old boy Claivon Pane Gladius met 18 years old Runeia Deil Garnet in the forest. They fell in love with each other and finally decided to...