𝑪𝒍𝒂𝒊𝒗𝒐𝒏 𝑷𝒂𝒏𝒆 𝑮𝒍𝒂𝒅𝒊𝒖𝒔
...
Pinagsisisihan ko na nga talagang umalis ng hospital.
"LEORD RHYELL!!" Malakas na sigaw ko nang makita itong nakatayo malapit sa bangin. Gulat naman siyang napalingon agad.
Hinila ko siya agad palayo sa bangin nang nakalapit ako, at agad binigyan ng isang suntok. Halata ang gulat niya kaya hindi agad siya nakaiwas ulit sa pangalawang suntok.
"B-boss??" Puno ng pagtataka at tanong ang mukha niya kaya hindi ko ulit napigilan na suntukin siya.
Galit na galit ako ngayon. Gusto kong magpakamatay.
"P-pinag-Pinagkatiwalaan kita, L-leord... Pinagkatiwalaan ka namin..." Nanginginig na wika ko sa kaniya.
Kinuha ko ang baril sa holster na dala ko. Nagulat naman siya, akala niya siguro itututok ko sa kaniya. Agad kong tinanggal ang magazine nito at kinuha isa-isa ang mga bala. Isa-isa ko rin hinagis ang mga bala sa bangin hanggang sa baril na lang ang natira, na agad ko rin naman sinunod na inihagis.
"Tinapon ko kasi walang mapaglagyan ang galit ko, Leord. Baka maputok ko lang sa mga ulo natin." Diretsong wika ko nang makita ang gulat na gulat na itsura niya.
"B-boss—Anong, anong nangyayari?" Taka niyang tanong habang unti-unting tumatayo.
Umatras ako nang kaunti dahil baka hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko.
Tumalim ang tingin ko sa kaniya. "Iyan din ang tanong ko... Anong nangyari? May nagawa ba ako? May dapat ba akong malaman?" Diretso at sunod-sunod kong tanong sa kaniya.
Nakatitig ako sa mga mata niya kaya kitang-kita ko kung paano unti-unting lumaki ang mga ito hanggang sa hindi na mapakali, kasabay ng unti-unting panginginig ng mga kamay niya. Kinakabahan siya.
"Sabihin mo, Leo, may dapat ba akong malaman?" Ulit ko pang tanong. "MERON BA?!"
Umiwas siya ng tingin at matapang na sumagot. "Wala."
Bumagsak ang balikat ko at pagod siyang tinignan.
"Wala?" Ulit kong tanong sa sinabi niya. Agad siyang umiling kaya hindi ko na naman naiwasang suntukin siya.
"Bukod sa akin, ginagawa mo rin tanga ang mama mo!" Galit na sigaw ko bago siya suntukin ulit.
Hindi siya umiiwas o tumitingin man lang sa akin. Hinahayaan niya akong suntukin siya na parang wala ng halaga ang buhay niya.
Pabalya ko siyang binitawan at malamig na tinignan. Napatitig naman ako bigla. Punong-puno na ng dugo ang mukha niya dahil sa putok na labi nito at sugat sa pisngi. Hinagis ko na lamang sa kaniya ang panyo na nasa bulsa ko para naman makilala ko pa ang mukha niya.
Agad itong nagulat pero kinuha rin ang panyo.
Huminga ako ng malalim at sinubukang ikalma ang sarili.
"Pa-paano—" Inilingan ko ang tangka niyang sasabihin.
"Paano ko nalaman? Kaya pala parang may kulang palagi sa mga impormasyon na binibigay mo. Kaya pala palagi kong nakikita ang pagka aligaga mo sa tuwing inuutusan kita alamin ano nga ba talaga kinamatay niya at ano nga ba talaga dahilan niya para tumalon sa bangin na yon." Nakatingin lang ako sa kaniya habang nagsasalita.
Iba't ibang emosyon ang lumabas da mga mata niya. Takot, pagsisisi, at lungkot. Mga emosyon na nagpapatunay sa nalaman ko.
"So, totoo nga." Malamig na wika ko. Hindi iyong tanong, kundi confirmation.
BINABASA MO ANG
Crazy Love
Misterio / Suspenso"𝙃𝙪𝙨𝙩𝙞𝙨𝙮𝙖 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙥𝙖𝙜𝙢𝙖𝙢𝙖𝙝𝙖𝙡 𝙣𝙖 𝙣𝙖𝙜𝙩𝙖𝙥𝙤𝙨 𝙨𝙖 𝙠𝙖𝙢𝙖𝙩𝙖𝙮𝙖𝙣." ... 19 years old boy Claivon Pane Gladius met 18 years old Runeia Deil Garnet in the forest. They fell in love with each other and finally decided to...