𝑪𝒍𝒂𝒊𝒗𝒐𝒏 𝑷𝒂𝒏𝒆 𝑮𝒍𝒂𝒅𝒊𝒖𝒔
...
I'm fucked up.
I'm looking right now at the peaceful face of my little brother, who's now probably living his best life beside my wife.
"You moron, inunahan mo pa ako." I cursed him.
Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses ko siyang namura dahil sa ginawa niya.
I want to cry. Gusto ko magwala. Gusto kong sundan sila. Pero hindi ko pa magawa. Hindi na kinaya ni Leo. Siguro, malamang, nakayakap na 'yon sa asawa ko, umiiyak at nagsusumbong. Ako na naman ang masama sa kwento niya, haist.
"Siguro Tito Clai, inaasar na kayo ni Rhyell ngayon. Bully kasi 'yon e." Natawa agad ako sa taong tumabi bigla sa akin.
Tinignan ko ang mukha nito at mas lalo pa akong tumawa nang makita ang namamaga nitong ilong at mamula-mulang mata.
"Bully ka rin, tito clai." Nakangusong wika niya. Napangiti ako sa batang Dash na nasa tabi ko.
"Leo will always be proud na may kaibigan siyang kagaya n'yo." May pagmamalaking wika ko.
Pero imbes na ngumiti at magmayabang kagaya ng palagi nitong ginagawa, dahan-dahang bumaba ang tingin niya kay Leo.
Hindi ko alam pero nakikitaan ko siya ng galit at lungkot. Saradong-sarado ang mga kamay nito.
Alam kong pare-parehas kaming galit ngayon dahil hindi ko alam kung bakit niya kailangang gawin 'yon. Kung gusto niya pala sumunod sa mama niya dapat sinabi niya sa akin para nagbarilan na lang kami.
"Hindi rin. Kung proud siya, Tito, hindi niya dapat kami iniwan..." Agad akong napatingin dahil sa sinabi niya. Tuloy-tuloy ang paglaglag ng luha nito habang matiim ang tingin kay Leo.
"H-hindi, hindi niya dapat g-gi-ginawa 'yon... Dapat andito siya, n-naka-nakangiti at t-tumatawa sa atin..." Garalgal ang boses na dagdag niya. Huminga ako ng malalim at malungkot na bumuga ng hangin.
Umiiyak ito at alam ko kung gaano kasakit ang nararamdaman niya.
"S-sabi niya Tito, susunod siya sa bakasyon namin. Nagpaalam ba siya sa inyo? Mukhang hindi 'no... Ayaw niya kayong iwan. Sabi niya, kailangan mo pa raw siya. Sabi nga namin, isama ka e. Pero matigas siya. Tigas ng bungo mo Rhyell..." Umiling-iling pa ito habang patuloy ang pag punas sa luha.
Wala akong alam sa bakasyon nila pero paniguradong papayagan ko agad si Leo kung magpaalam man siya. Kaso mukhang nagmana talaga siya kay Neya.
"Tinawagan niya kami, Tito, for the first time hahaha... Ayon pala m-mamamaalam na ang tarantado."
Agad akong napatingin sa bagong dating na nagsalita. Tumingin ito kay Dash at tinapik ang balikat nito."Magandang gabi, Tito Clai. Nakikiramay kami." Malungkot lang akong napangiti sa batang Yoni at binati rin ito pabalik.
"Pasensya na Tito kung gabi na kami nakapunta..." Wika pa niya.
Agad naman akong umiling sa sinabi niya. "Walang kaso sa akin iyon." Mahalaga andito sila.
Tinignan ko ang itsura nito, at kagaya ng batang dash ay namumula rin ang mga mata nito.
Tinapik ko ang balikat ng dalawang bata at tinignan si Leo.
"N-napaka un-unfair ng pangit na 'to, Tito Clai..." Rinig kong wika ng batang Yoni habang sumisinghot-singhot pa. Agad naman akong natawa sa pang-aasar niya.
"Tinatanong namin siya noon, tito, kung, kung alam mo na ahaha, kung balak niya ba magkapamilya, kahit na alam namin hindi pa rin ito nakakamove on sa ex girlfriend niyang naglaho bigla pero tawa at batok lang ang isinasagot niya sa amin... Ayon pala, kahit ang pagtanda ay wala rin siyang plano." Dagdag na pa ni Yoni.
BINABASA MO ANG
Crazy Love
Mystery / Thriller"𝙃𝙪𝙨𝙩𝙞𝙨𝙮𝙖 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙥𝙖𝙜𝙢𝙖𝙢𝙖𝙝𝙖𝙡 𝙣𝙖 𝙣𝙖𝙜𝙩𝙖𝙥𝙤𝙨 𝙨𝙖 𝙠𝙖𝙢𝙖𝙩𝙖𝙮𝙖𝙣." ... 19 years old boy Claivon Pane Gladius met 18 years old Runeia Deil Garnet in the forest. They fell in love with each other and finally decided to...