CL30: Runeia Deil Garnet- Gladius

8 0 0
                                    

This is a flashback. The day of Claivon and Runeia's wedding.

---
Third POV
...

The most awaited day of his life has finally come. Sino ba mag aakala na ang babaeng sumulpot lang sa gitna ng kagubatan ay magiging asawa na niya, after 9 years.

He didn't expect everything to happened. Lalo na sa pamilyang pinagmulan niya. Akala niya tatanda siya kung saan magulang lang ang kasama, habang naghihintayan kung sino sa kanila ang mauunang mawawala.

The ending of the story of Claivon Pane and Runeia Deil is finally coming. The happy ending is about to come.

"Boss? Excited ka na 'no? Yieee oh, ang laki-laki ng ngiti" Kinikilig na asar ni Leo sa nananahimik nitong boss.

Natawa naman ang isa pero agad din sumama ang tingin.

"Kinakabahan na nga ako e. Bakit ang tagal ng oras? P-paano kung, kung hindi na siya umattend? Paano kung magbago ang isip niya bigla?" Sunod-sunod na tanong niya. Halatang kinakabahan.

Tumawa naman si Leo na lalong ikinasama ng tingin ni Claivon

"HAHAHAH! Atat lang boss? Hindi makapaghintay?" Tumingin ito sa relo niya at mahinang tumawa. "May 30 minutes ka pa naman, malay mo maisipan niya na umalis. " Pang-aasar nito.

Agad naman kinabahan ang boss niya. "Isa Leord, hah." May pagbabantang tono nito.

Agad itinaas ni Leo ang kamay, ani mo'y sumusuko, pero patuloy pa rin ang pagtawa nito.

Napahinga naman ng malalim si Claivon at nanghihinang napaupo sa higaan. Hindi niya na pinatulan si Leo dahil alam naman niyang nagbibiro lang ito, sadyang kinakabahan lang talaga siya kaya naiinis siya. Tawang tawa naman si Leo sa nakikita niyang reaction ng boss niya.

Ngayon lang niya nakikita ang sobrang kabadong mukha ng boss niya. Kinakabahan lang ito tuwing galit ang kasintahan or may tampuhan sila. Pero pag dating sa trabaho, kahit na nag-aagaw buhay na ang pasyente ay kalmado pa rin ito.

"Nakita ko si mama kanina, boss, at grabeeeeee napakagandang tunay." May pagmamalaking wika ni Leo.

Ang laki-laki ng ngiti nito kahit na hindi pa naman talaga niya nakikita ang mama niya, pero naiimagine niya ang itsura nito dahil alam niyang mas mangingibaw ang itsura nito sa suot na puting gown.

"Stop it, Leo..." Namumulang saway ni Claivon sa nakatulalang Leo. "Napakadaldal mo talaga." Dagdag pa niya.

Parehas silang naiisip ang itsura ng babaeng mahal na mahal nila kaya hindi rin nila maiwasang pamulahan ng sobra.

"Daldal daw, kunwaring nagagalit pero nakangiti rin HAHAHAHA!" Pang aasar na naman ni Leo upang magising ang inaasar niyang halatang nakatulala na rin.

Bumalik naman ang masamang tingin nito kay Leo dahil sa patuloy na pang-aasar.

"Aaminin mo na lang kasi boss na kinikilig ka talaga."

"Why would I? Palagi naman akong kinikilig sa kaniya. Ikasal man o hindi, asawa ko naman na talaga siya." Mayabang na sagot nito. Agad naman umasim ang mukha ni Leo at nagkunwaring nasusuka.

"Asus! Napaka korni mo, boss!"

Natawa na lang din si Claivon dahil narealize niya mismo ang sariling sinabi niya.

'Asawa ko. Napaka-gandang pakinggan." Nakangiting wika niya sa isip.

Nagising lang ulit ito nang biglang sinundot ni Leo ang tagiliran niya.

"Aba! HAHAHA! Hanggang ngayon nagd-daydream pa rin. Shame on you, boss, shame on you." Pang-aasar na naman nito habang nakaduro pa sa mukha ng boss niya.

Crazy Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon