𝑪𝒍𝒂𝒊𝒗𝒐𝒏 𝑷𝒂𝒏𝒆 𝑮𝒍𝒂𝒅𝒊𝒖𝒔
...
"So?? Kailan kayo aalis?" Naiinip kong tanong.
Tinignan ko si Leo at tinuro ang pinto. Agad niya naman naintindihan at binuksan agad ang pinto.
"The door is now open, you may now leave." Wika ko sa mahinahong boses.
Naging gulat na naman ang mukha ng nanay ko at dali-daling pinunasan ang mga luha. Tinignan ko ang tatay ko na nakatingin lang sa nanay ko na nagpupunas ng mukha.
Napailing na lang ako sa pagmamahal niya. Magpapakabaliw siya para sa nanay ko.
"Hindi ka pa ba tapos?" Inip kong tanong. Agad naman akong sinamaan ng tingin ng tatay ko pero tinignan ko lang siya ng diretso. "Hindi pa ba kayo nagsasawa?"
"Son..."
"Sawang-sawa na ako. Aalis ako sa gusto ko, at hindi niyo 'ko mapapasama sa inyo." Pagsabat ko.
Napangisi ako nang may maalala bigla.
"Alam ko na paano kayo mapapaalis." Parang baliw na wika ko at sinenyasan agad si Leo.
Hindi niya agad nakuha ang pinaparating ko kaya napairap agad ako.
"Boss naman!" Parang bata.
"Kuhain mo ang USB na palagi kong pinapadala at pinapatago sayo." Utos ko. Lumiwanag naman ang mukha nito at dali-daling tumalikod.
Hinayaan ko siyang hanapin muna dahil siya lang naman nakakaalam kung saan nakalagay. Nginisian ko ang mga magulang ko at pabirong tinaasan ng kilay para malaman nila na masaya ako sa ibibigay kong USB sa kanila.
Tinanggap ko ang inabot agad na USB ni Leo at pinaabot na rin ang laptop.
"Sa USB na 'to makikita kung gaano kayo kabaliw sa mga anak ninyo. Gusto n'yo ba mapanood?" Ngiting tanong ko.
Sumeryoso naman bigla ang mukha ng tatay ko habang halata ang pagkalito ng nanay ko. Natawa ako lalo.
"Ako na magdedecide para sa inyo-"
"Itigil mo na Claivon Pane!" Galit na pigil ng tatay ko sa tangkang pagpasok ko ng USB.
Yumuko naman ako at nagkunwaring malungkot.
"Ayaw n'yo ba na makita ang mga anak n'yo ulit?" Malungkot na tanong ko.
Ang mga kapatid ko...
"Anong, a-anong mayroon diyan, Pane?" Dahan-dahang tanong ng nanay ko kaya dahan-dahan din umangat ang ulo ko.
Nawalan ng emosyon ang mga mata ko at dahan-dahan ulit na tinagilid ang ulo na waring nag-iisip, habang nakatingin pa rin sa kaniya.
"Ito?" Inosente kong tanong sabay taas ng USB. Nginisian ko siya at iwinagyway mismo sa harap niya. "Nandito ang mga minamahal mong anak."
Nagulat siya pero hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin at agad na pinasok ang USB sa laptop. Agad kong pinindot ang file na may nakalagay na...
'My perfect little happiness, Evenly Bliss Gladius'.
"Let's watch, shall we?"
"PANE!" Napangisi na lang ako dahil sa sigaw ng tatay ko.
Tinangka niya pang kuhain ang Laptop pero pinigilan na siya ng nanay ko. Syempre, pangalan ng minamahal niyang panganay ang nandirito.
Napangisi ako lalo.
***
"Ma! Pakawalan n'yo na ako! Nakikiusap ako!" Sigaw ng taong nasa video.
BINABASA MO ANG
Crazy Love
Tajemnica / Thriller"𝙃𝙪𝙨𝙩𝙞𝙨𝙮𝙖 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙥𝙖𝙜𝙢𝙖𝙢𝙖𝙝𝙖𝙡 𝙣𝙖 𝙣𝙖𝙜𝙩𝙖𝙥𝙤𝙨 𝙨𝙖 𝙠𝙖𝙢𝙖𝙩𝙖𝙮𝙖𝙣." ... 19 years old boy Claivon Pane Gladius met 18 years old Runeia Deil Garnet in the forest. They fell in love with each other and finally decided to...