CL1: Tragic ending

48 2 0
                                    

𝑪𝒍𝒂𝒊𝒗𝒐𝒏 𝑷𝒂𝒏𝒆 𝑮𝒍𝒂𝒅𝒊𝒖𝒔

ꜱᴛᴀʀᴛ

"W-Wife..."

Dinig na dinig na ang ingay ng paligid ngunit nananatili pa rin akong nakaluhod at nakatulala dahil sa bilis ng mga pangyayari.

Ikakasal pa kami. Alam kong nananaginip lang ako. Pero napayuko rin ako at kalaunan ay natawa.

Masamang panaginip 'to. It was supposed to be a happy ending for us.

"Boss? tara n-" I glared at him, wondering what the fuck he is saying.

"What?! Find my wife! She's not yet dead until you find her body!,!" Malakas na sigaw ko. Sunod-sunod naman ang naging tango nito.

"Find her alive or dead!"

Panaginip nga ba?

Sa hindi ko malamang dahilan ay napaluha ako bigla. Bakit ako umiiyak? Panaginip lang 'to.

Panaginip.

Panaginip.

Panaginip.

Natawa na naman ako.

"Panaginip? Sinong niloloko mo?" Tanong ko sa sarili.

Tumatawa-tawa ako sa hindi ko ulit malamang dahilan. Ngunit napatulala na na naman at nagsimula ulit lumuha. Wala na akong pake kung makita nila akong miserable ngayon.

I just want my... My wife.

My wife!

She's not dead.

I stood up and stood at the edge of the cliff.

"Wife! Can you hear me?! Runeia Deil Garnet-Gladius!" Buong lakas kong isinigaw ang buong pangalan niya, umaasang may sisigaw pabalik. "Runeia Deil Garnet-Gladius!"

I called her again and again with my surname at the end. Kahit hindi pa natutuloy ang kasal, alam kong siya ang magiging dahilan para hindi ko kasuklaman ang apelyidong 'yan.

She doesn't deserve anything of this. It's all my fault. She jumped off in this cliff... because of me. Because of me... Bakit siya pa? Kung ... kung wala naman siyang kasalanan? Bakit?

Ahhh!! Alam ko na.

Natawa na naman ako.

May biglang mga ala-alang gustong bumalik sa isip ko. Para na siguro akong baliw dito. Pero anong pake nila? Hindi naman luha nila ang ibinabagsak ko.

Flashback...

"Minahal kita... pero anong ginawa mo? Anong ginawa mo?! Sinira mo 'ko! Tangina ka! Sinira mo 'ko!" Dinuro-duro niya pa ako but I stayed emotionless.

"Hindi ko na kasalanan 'yan, Runeia. Sinabi ko na sayo na, I don't like you. Ginamit lang kita at ikaw naman si tanga, nagpagamit. May mahal akong iba at pag sinabi kong iba, halata naman na hindi ikaw iyon." Seryosong wika ko na natawa rin dahil sa huling sinabi.

Pagak siyang tumawa pero dahan-dahan din nagseryoso.

"Tandaan mo 'to, Claivon... I'll be your worst fucking nightmare. Ako..." Turo niya sa sarili. "...Ang karma mo, Claivon Pane Gladius. Ako."

At bago ko pa siya mahawakan... Nakatalon na siya.

End of flashback...

Naalala ko pa lahat. Akala ko magiging maganda ang ending namin. But looks like the ending that I've been dreaming of won't come.

Crazy Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon