CL16: Never Enough

6 0 0
                                    

𝑪𝒍𝒂𝒊𝒗𝒐𝒏 𝑷𝒂𝒏𝒆 𝑮𝒍𝒂𝒅𝒊𝒖𝒔

...

Nang magising na ako at mahimasmasan, pinili ko munang manatili ng ilang oras pa sa kuwarto at hintayin na lang dumating si Leo.

Bumalik sa ala-ala ko lahat ng mga narinig at nasaksihan ko kanina. Sanay na sanay na ako sa mga scenario na 'yon pero parang iba ang pakiramdam ngayon. Siguro dahil isa na rin ako sa kanila?

Bilang doctor, kailangan marunong ka mag set aside ng emosyon lalo na sa mga pamilyang magmamakaawa at magwawala sa harap mo. Pero ngayon parang mas naintindihan ko na kung bakit gano'n na lamang ang ikinikilos nila na halos isisi na nila lahat sa doctor at umaasang gagawa ng himala ang doctor.

Naiintindihan ko na...

Pero mas hindi ko naiintindihan ang batang si rain. Hindi ko inaasahang mangyayari 'yon.

"Boss."

Agad akong napatingin sa taong kumatok. Hindi ako nagsalita o gumawa ng ingay at hinintay na lamang na pumasok siya.

"Boss... Ahm, s-so-sorry po..." Bungad niya agad nang makapasok siya.

I signaled him to take a seat na mabilis niya rin namang ginawa. Halatang kabado siya dahil paulit-ulit niyang hinihimas ang pulso niya, na alam na alam namin ni Neya pag kinakabahan siya. Napahinga ako ng malalim.

"Hindi ako galit, Leo." Panimula ko. Agad siyang napatingin sa akin at ngumiti ng malaki pero inilingan ko siya. "Pero hindi rin ako masaya." Bumagsak bigla ang tingin niya na lalong ikinailing ko.

"Sorry na po boss..." Mahinang wika niya. Nagtaka naman ako.

"Bakit nagsosorry ka?"

"Kasi... kasi nangingielam ako sa desisyon mo."

Ahhh. Napangiti ako.

"Kaya nga kasama kita kasi kailangan ko rin ng gabay mo. Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit pumayag ako na magtrabaho ka sa akin, leord? Kahit na halos sapukin na ako ng mama mo pumayag pa rin ako. Alam mo kung bakit?" Malumanay kong tanong sa kaniya. Umiling naman siya kaya mas lalo akomg napangiti.

"Nakakatakot ka ngumiti—Ay! Sorry, sorry boss!" Ayan nakuha niyang ugali sa mama niya talaga, lait kung lait talaga.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at kinuha na lang ako cellphone sa lamesa na hindi ko pa talaga nabubuksan. Inabot ko sa kaniya at nginitian.

"Kasi matalino ka. Naniniwala ka sa kaalaman mo at magaling kang mag obserba ng mga bagay, na siyang kinakukulangan ko." Ngiti ko rito.

"Boss..."

"Ngayon dahil sa sobrang galing mo, ikaw na tumanggap ng trabaho riyan dahil noong nakaraan pa tunog nang tunog 'yan."

"Boss??"

"Huwag mo 'kong boss bossin jan, ayoko muna pa lang malaman kung anong nangyayari sa labas."

"Boss!!"

Nginitian ko siya ng matamis. "May sasabihin ka ba Leord Rhyell Garnet Gladius?"

"B-boss..."

"Isa pa." Banta ko habang nakangiti pa rin.

"Bo—Heheheh." Nakuha niya rin ang ganitong ugali ng mama niya, na kahit anong sitwasyon, masaya pa rin talaga siya.

Tsk!

"Sige na Leord, pakibantayan ang mama mo at bibisita ako mamaya sa kaniya."

Hindi ko na siya pinagsalita at hinila na agad palabas ng pinto.

"Napakasama mo!" At humirit pa siya sa labas.

Well, parusa niya 'yon sa mga sinabi at ginawa niya. Alam kong tama naman lahat ng sinabi niya pero may parusa pa rin siya.

Gladius things, you won't understand.

Humiga na lamang ako at hindi na inalala pa ang mga nakita ko kanina. Rain... Hindi ko na maintindihan at mukhang hindi ko na talaga maiintindihan.

Gusto ko sanang matulog kaso alam kong bababangungutin lang din ako kaya napagpasyahan ko na lang magsulat, kagaya nang palagi kong ginagawa habang nandirito kami.

DAY 9

It's been so long, my love. Leo was so tough. Muntik na ako pumalakpak sa sinabi niya kanina dahil napaka mature mag isip. Pero sorry mahal ko kung hindi ko kayang ibigay ang gusto ni Leo... O marahil ang gusto mo rin. Pero pag nagising ka, babatukan ko talaga ang batang 'yon, promise isa lang mahal hahaha. Buhay pa ako at naghihintay at patuloy na maghihintay sayo. Gawin mo lahat para makapag pahinga, hindi ako nagmamadali, mahal. Miss na miss ka na namin. I love you.

I Sighed. 9 days without her feels like hell.

Sinarado ko na ang notebook at nilagay ulit sa ilalim ng unan ko. Ito ang unang-unang naisip na gawin ko, ang isulat ang nangyayari sa araw ko habang hinihintay na gumising siya.

Napagpasyahan ko na lamang na puntahan ang kwarto ng asawa ko at paniguradong nagtatampo na 'yon kasi hindi ko pa kinakausap.

Pagkalabas ko ng kuwarto, agad akong napatingin sa paligid. Andito pa rin pala ang mga bodyguard na puro body lang. Tsk.

Hindi ko na lamang pinansin at dumiretso na lang sa kwarto ng asawa ko. Bubuksan ko na sana ang pinto nang makita kong nakaawang ng kaunti ang pinto. Agad akong tumigil at galit na tumingin sa paligid.

Malayo ang mga bodyguard sa kwartong ito. Sino ang pumasok at hindi man lang sinarado?

"Ma... I miss you... "

Nagulat ako at mabilis na napasilip sa siwang ng pinto.

Leo...

Nakatalikod siya sa pinto kaya hindi niya ako napapansin na unti-unting pumapasok. Pero hindi 'to si Leord. Hindi niya hahayaang—

"M-ma... Please, please... I'm so, so tired."

Hindi niya hahayaang maging mahina siya... Hindi niya ako naramdaman?

Leo...

Patuloy ang pagbaba at angat ng balikat niya habang nakayuko at nakahawak sa kamay ni Neya.

"Hindi ko na alam gagawin ko... I don't know where or where should I start. Natatakot po ako. Ayaw, ayaw kong masaktan si papa... N-natatakot na po ako, mama."

Natatakot?

"You are our strength. We both need our strength. P-pa-parehas na po kaming walang lakas, mama... Natatakot na po ako... "

Leo...

Hindi ko na kinaya pa ang nakikita ko kay Leo at dahan-dahan na lang na lumabas.

"Hindi ko po alam kung paano sasabihin kay papa na—"

Napahinto ako sa labas. Kung paano sasabihin na napapagod na siya? Nagsasawa na ba siya? At natatakot saan?

Hindi ko na alam.

Hindi ko ulit alam kung paanong nakaya ko pa maglakad papasok sa kuwarto pero isa lang ang alam ko...

Nasaktan ko na naman si Leo.

Mahina akong napasabunot sa buhok at napayuko. Bakit nga ba nangyari 'to? Anong naging mali? Ginag@go na lang ba ako ng mundo?

Gusto kong magwala pero hindi ko na namalayang unti-unti nang bumagsak ang katawan ko at tuluyan nang nilamon ng pagod, sakit, at lungkot.

Tang!na.

...

:<<<

Thank you! ꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡
Warning: This story contains mature scenes and words.

"ᵁⁿᵈᵉʳˢᵗᵃⁿᵈⁱⁿᵍ ᵗʰᵉ ᶜʰᵃʳᵃᶜᵗᵉʳˢ ᶜᵃⁿ ʰᵉˡᵖ ʸᵒᵘ ᵗᵒ ᵘⁿᵈᵉʳˢᵗᵃⁿᵈ ᵗʰᵉ ʷʰᵒˡᵉ ˢᵗᵒʳʸ."

Crazy Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon