CL22: Neglected

9 0 0
                                    

𝑳𝒆𝒐𝒓𝒅 𝑹𝒉𝒚𝒆𝒍𝒍 𝑮𝒂𝒓𝒏𝒆𝒕

...

It's been a week at wala pa rin senyales na magigising na si boss. Kagaya ko, palaging nandirito rin ang mga magulang niya. Walang palya ang pag bisita nila. At alam kong hindi matutuwa si boss pag nalaman niya.

"H-he's crying again, hon..."

Agad akong napatingin sa pwesto ni boss nang marinig ko ang sinabi ng nanay niya. Nilapitan ko pa ito para makumpirma. At tama nga, umiiyak na naman siya.

Halos palagi siyang umiiyak at sigurado akong mga kapatid niya at si Ma'am Runeia ang napapanaginipan niya. Parang binabangungot si boss minsan noon at pag tinatanong namin siya kung ano ang napapanaginipan niya, ang sabi niya mga kapatid niya.

Hindi ko alam kung anong kwento sa mga kapatid niya pero ang alam ko lang ay patay na ang mga ito.

Paulit-ulit na pinunasan ng nanay niya ang mukha ni boss dahil paulit-ulit din ang pagtulo ng luha ng mga ito. Umiwas na ako ng tingin kay boss at tinignan na lang ang nanay niyang umiiyak na rin.

Nagulat lang ako nang bigla itong tumingin sa akin, at malungkot na ngumiti.

"You know what, Leo? Pane is my fourth child. He's very kind, sweet, intelligent and... very brave." Ngiting wika niya. "Well, they all are." Dagdag niya pa.

I slightly nodded.

"Pane endured it all. He stayed in our side even though he knew everything... Stayed and still respect us even though we don't deserve anything." She's crying again.

Nararamdaman ko ang pagmamahal ng isang ina. She's in pain too. Her husband hugs her but she continue to talk.

"His brothers and sister were already dead and he witnessed all of that." I'm shocked dahil sa sinabi niya pero hindi ko pinakita 'yon. Hindi ko ineexpect na ioopen niya ang bagay na 'yan.

"Our children was our treasure. No matter what happen, we'll forever treasure them." Tumango-tango pa siya na parang may narealize rin.

Tinignan niya ako na may determinasyon at tapang. Hindi ko gusto ang tingin na 'yan.

"Sorry, Leo. We'll take Pane by hook or by crook." Nagulat ako lalo dahil dito.

Agad kong tinignan si Mr. Gladius dahil sa sinabi ng asawa niya.

"S-sir, sir, you know Sir Pane, he won't like that idea." I almost plead with him to stop his wife. Tinignan niya naman ako at sasagot na sana nang biglang nagsalita ang asawa niya.

"I'm telling you, Alcheus, stop me and you'll see... "

Nawalan na lang ako ng pag asa nang makita ang takot sa mata ni Mr. Gladius. Inilingan ako nito, sinasabing, 'wag na ako makielam pa.

PAANO?!

"Sorry Mr. and Mrs. Gladius, I need to stop you." Iling ko sa kanilang dalawa.

I signaled the security outside to be alert. At alam kong napansin 'yon ng mag-asawa. Sumignal din ang asawa nito, at naramdaman ko na lamang ang nakatutok na sniper sa akin.

Totoo nga ang sinabi ni boss, nakakatawa ang mga magulang niya.

"You both are selfish. Walang ginawa si boss sa inyong masama kahit na alam niya ang lahat! Totoo at tiniis niya ang lahat kasi akala niya magbabago pa kayo, pero mukhang ngayon lang nagkamali si boss... Wala na kayong pag asa---Huwag kayong gagalaw! At magkakamatayan tayo rito!" Napasigaw na ako nang makita kong muntik na nilang igalaw ang kama ni boss.

Naging sunod-sunod ang pag kasa ng mga baril at bawat isang nasa loob at labas, may nakatutok na baril.

"Ano ka ba ng anak ko? Wala kang karapatan ngayon. Baka nga dahil lang sa'yo kaya hindi kami magawang balikan ng anak namin." Matapang na bintang ni Mrs. Gladius.

Crazy Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon