CL10: Hunters

9 0 0
                                    

𝑪𝒍𝒂𝒊𝒗𝒐𝒏 𝑷𝒂𝒏𝒆 𝑮𝒍𝒂𝒅𝒊𝒖𝒔

...

"Anong balita sa paglipat ng asawa ko sa kabilang kwarto?" Seryosong tanong ko sa doctor na nasa harap ko.

"P-pwede na ho ilipat si ma'am sa tabi nitong kwartong ito." Napatango ako. Mabuti naman.

I'm currently eating here in the bed nang biglang pumasok itong doctor dahil kailangan niya raw ako imonitor. Mukhang oras na para icheck kung buhay pa yata ako.

"Pero sir?" Alanganing pagtawag niya. Binigyan ko lang siya ng nagtatanong na tingin na siyang ikina buntong hininga niya bago yumuko. Laki naman ng problema nito.

"May ihihiling lang sana ako regarding sa case ni ma'am..." Tumango ako nang nag angat siya ng tingin. "P-pwede ba na walang papasok na ibang tao sa kwarto niya bukod sayo, kay sir Leo, at sa akin? Ano m-masyado kasing komplikado ang sitwasyon niya kaya dapat iyong a-ano pinagkakatiwalaang tao lang."

I really have no plan na magpapasok ng kung sino-sino sa kwartong iyan. Ano ba akala ng doctor na 'to? Kahit na nakakainis ang puro ano niya at ang sinabi niya, hindi na lamang ako nagkomento at tumango na lamang ulit.

"Salamat, sir." Yuko niya bago nagpaalam lumabas.

Nakasalubong niya pa si Leo papasok at nagtanguan sa isa't isa. Iling-iling na lang akong sumubo ng pagkain.

It's already afternoon na halata naman sa liwanag na nakikita ko sa labas. Kaninang umaga pa ako gising at bumalik na sa kwarto ko kaya alam kong kanina pa rin wala si Leo. Kararating niya lang ngayon. Hindi ko alam kung saan galing 'yan pero mukha siyang pagod na pagod lalo na gusot-gusot pa ang suot nitong damit.

Nakatalikod ito sa akin. Pinanood ko lang siyang dumiretso sa lamesa at aligagang inilapag ang mga dala-dala niyang pagkain. Mukhang hindi niya ako napansin.

"Leo-"

"Ay Ma'am Runeia!"

Sumama ang tingin ko rito. Dahan-dahan siyang humarap sa pwesto ko na may kabadong mukha.

"B-boss... K-kanina ka pa?" Kabadong tanong niya na akala mo nahuli sa akto.

Hindi ako nagsalita. Nilagay ko muna sa gilid ang maliit na lamesang gamit ko, bago siya pinalapit sa harap ko. Tinignan ko siya ng seryoso bago nagtanong.

"Iniisip mo ba ang asawa ko?" Walang emosyong tanong ko. Nagulat naman ito at nag iwas agad ng tingin. "Leo." Pagtawag ko ulit.

"P-po?"

"Sagutin mo."

Humarap siya sakin at tumawa ng alanganin.

"Ha ha ha ito naman si boss e." Pakamot kamot siyang tumawa. "Naisigaw ko lang pangalan ni ma'am kasi ano...a-ahm ano."

"Ano?" Naiinip kong tanong.

"Ay! N-nakita ko kasing nag aayos na sila riyan sa kabilang kwarto... Ahm kaya naalala kong para kay ma'am Runeia 'yon. Ayan tama boss promise." Tinignan niya pa ako na parang nagsasabing paniwalaan ko siya habang nakasaludo.

Umiling na lamang ako at pinagsawalang bahala. Kung itatanong ko pa kung saan siya galing at bakit siya aligaga, malamang mauubusan na kami ng oras pagusapan ang dapat kanina pa napag-usapan.

Tumayo na ako at umupo sa sofa malapit lang sa higaan ko. Inutusan ko naman siyang tignan kung may tao ba sa labas kahit na alam kong andoon talaga ang mga nagbabantay sa aking mga lalaking na kahapon pa sunod nang sunod. I also told him to lock the door.

"May ginawa ka na bang mga hakbang?" Diretsong tanong ko sa kaniya pag kaupo niya.

Umiling naman siya kaya napatango ako. Mabuti. He knows na hindi siya pwedeng gumalaw hanggat wala akong utos. Alam ko namang magaling si Leo. Pero he respect my decision and command pag dating sa mga seryosong bagay.

Crazy Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon