CL29: Obsessed

5 0 0
                                    

𝑪𝒍𝒂𝒊𝒗𝒐𝒏 𝑷𝒂𝒏𝒆 𝑮𝒍𝒂𝒅𝒊𝒖𝒔

...

Paagkaalis na pagkaalis nila, agad akong bumalikwas ng tayo at nag ayos. Sinilip ko pa kung nakalayo na ba sila bago inayos ang mga gamit ko at inilagay sa bag na dadalhin ko.

I'm not planning to leave. I just want to unwind. Pupunta muna ako sa grandparents ko na sobrang tanda na rin pero buhay pa rin. Sa nopales. Kung saan nagumpisa lahat. Sobrang malapit ang loob ko sa magulang ng ama ko kaya kahit na kasuklam-suklam ang lugar na 'yon, paulit ulit ko pa rin itong pinupuntahan noon.

Pero 5 years na simula noong pumunta ako, at wala na rin akong balita sa kanila. Pero alam ko namang buhay pa rin ang mga ito.

At kung tatanungin nyo man kung alam nila ang nangyayari sa pamilya namin, malamang alam din nila. Ang lola ko ay bedridden na pero nagiging makakalimutin na siya kahit nakakausap ko pa siya noon. Si lolo naman malakas pa rin pero kailangan niya ng gabay sa tuwing maglalakad. Alam nila ang nangyayari dahil pinababantayan niya rin ako simula noong nakita nilang nakakalabas na ako ng bahay na 'yon. Baka raw may gawin sa akin ang mga magulang ko at hindi na raw sila papayag.

Gustong-gusto nila kami kuhain sa mga magulang namin noon, noong nalaman nilang hindi kami pwede lunabas ng bahay. Pero wala rin silang magawa.

Hindi nman gaano kalayuan ang nopales dito kaya mabilis lang din akong nakarating.

"A-apo, apo, i-ikaw ba 'yan??" May kagaspangan ang boses ni lolo dahil sa katandaan, pero ngiti-ngiti pa rin ako nitong niyakap ng mahigpit na parang sobra niya akong namiss.

Natawa naman agad ako.

"Lo, kumusta? Mukhang sagana ka sa gulay at ang lakas-lakas mo pa rin." Ngiting pagbibiro ko.

Napangiti lalo ito bago tignan ang kabuoan ko. Sinipat sipat niya pa ang katawan ko na parang may hinahanap.

"Sinasaktan ka pa rin ba nila?" Nagaalalang tanong niya habang patuloy sa pag sipat.

Umiling ako sa kaniya, at doon lang siya huminto. Alalang-alala ang tingin niya, na malungkot kong ikinangiti.

Ito ang nagustuhan ko kela lolo. Alam nila agad ang pakiramdam ko.

Tinitigan ko siya bago dahan-dahan napalunok. "L-lo..." Mahinang bulong ko.

Lumamlam naman ang tingin nito kaya wala na akong dalawang pag iisip na yumakap ng mahigpit at humagulgol ng malakas sa kaniya.

Himahagod nito ang likod ko habang patuloy ang paghagulgol ko sa balikat niya.

"Lo-lolo... W-wa-wala, wala na po si, si N-neya..." Humahagulgol na wika ko rito. Naramdaman kong natigilan siya kaya mas lalong bumuhos ang mga luha ko.

Paulit-ulit kong sinabi ang mga katagang 'yon na may sakit at paghihinagpis, habang nakayakap kay lolo.

"S-si, si, si L-leord din... 'y-yung kapatid ko..." Mahinang dagdag ko kaya naramdaman ko lalo ang paninigas niya.

"S-si, si Leord?" Paulit-ulit akong tumango sa tanong niya.

Alam niyang totoong apo niya si Leo. Gaya ng sabi ko, alam nila ang lahat.

"Lolo..." Tinignan ko siya at nakita kong umiiyak na rin ito kaya napayuko na lamang ako.

"H-hindi mo... Ka-kasalanan..." Rinig kong wika niya.

Umangat ang ulo ko at nakitang nakangiti ito sa akin, na nagpaiyak lang lalo sa akin

"H-hi-hindi ko po naalagaan s-si, si Leord, lo... S-sorry po." Paulit-ulit akong humingi ng tawad dito pero tawa lang ang isinasagot niya.

Crazy Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon