CL3: Eternally alive

24 0 0
                                    

𝑪𝒍𝒂𝒊𝒗𝒐𝒏 𝑷𝒂𝒏𝒆 𝑮𝒍𝒂𝒅𝒊𝒖𝒔

...

Nauubusan na ako ng pag-asa.

"Boss-"

"Nakita mo ba siya?" Agad kong tanong pero iling lang ang naging sagot niya.

Nakakapang hina.

Binuksan ko na ang isang kwarto... umaasang nandirito siya. Pero gaya sa mga nauna, wala rin.

Nakakabaliw.

Napailing na lamang ako.

"Bumalik na tayo sa kwarto." Seryosong wika ko at tumalikod na para bumalik. "Saan n'yo siya dinala?"

"Sa may-" Sasagot na sana siya nang bigla akong napahinto.

"Boss-" I raised my hand, signaling him to stop.

Bigla ulit may dumaang malamig na hangin sa gilid ko pero may kasama na itong...

"Mahal..." Bulong...

Para akong nahipnotismo sa uri ng pagkaka bulong niya.

Runeia...

Unti-unting namanhid ang katawan ko. Ang lahat ng mga ala-ala ay isa-isa na namang nagsibalikan na parang nakalimutan ko bigla lahat ng iyon.

"Andito na ako, mahal ko." Sunod-sunod na nagsituluan ang mga luha ko dahil pa sa narinig. "Mahal ko..." Ang malambing niyang boses ay naririnig ko.

Totoo ba 'to?

Dahan-dahan kong sinundan ang bulong at napatapat ako sa dulong pinto na hindi ko na pinag aksayahang buksan kanina kasi madilim pero mukhang mali ako ng desisyon. Dahan-dahan ko itong binuksan.

"Andito na ako..."

Nanlamig ako. Maaliwalas ang kwarto pero isang napaka gandang babae ang bumungad ang kapansin-pansin. Nakahiga ito at maraming naka kabit na mga apparatus sa katawan niya.

Runeia...

Nagtataka kong tinignan si Leo na nag-iwas lang ng tingin at parang takot na takot mapatingin sa akin.

"How dare you hide my wife." Madiing wika ko.

I'm disappointed.

Dahan dahan akong naglakad papunta sa kaniya at maingat na hinawakan ang kamay niya.

"Love? Love, I'm here." Malambing kong bulong.

She looks like a sleeping beauty. Do I have to kiss her to wake her up? I hoped so.

"Love, hindi mo man lang tinapos ang kasal natin." Nagtatampong bulong ko pa habang pinupugpog ng halik ang kamay niya.

She likes it whenever I kiss her hand.

"What happened to her? Anong sabi ng mga doctor? When she will wake up?" Mahina at sunod-sunod kong tanong kay Leo.

Nagtaka naman ako nang wala akong naririnig na sagot kaya napalingon ako sa kaniya. At lalo pa akong nagtaka nang makitang nasa pinto pa rin siya, nakayuko at nanginginig.

Tinawag ko pa ulit siya pero parang hindi niya ako naririnig kaya sa inis ko, ako na ang lumapit sa kanya kesa sumigaw dahil bawal ang maingay dito.

"Leo..." Gulat siyang napatingin sa akin. Kinunutan ko naman siya ng noo. "Ano ba nangyayari sayo? Parang may nanakot sayo hah? Nanginginig ka."

" B-boss..." Napatingin siya sa asawa ko at nanginginig niya itong tinuro.

Mahina kong tinapik ang daliri niya at inis siyang tinignan.

Crazy Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon