CL12: Peace

11 0 0
                                    

𝑪𝒍𝒂𝒊𝒗𝒐𝒏 𝑷𝒂𝒏𝒆 𝑮𝒍𝒂𝒅𝒊𝒖𝒔

...

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Leo, dumiretso na ako rito sa tabing kwarto. Dito ko balak matulog ulit. Inaasahan ko pa ngang dito didiretso si Leo dahil baka gusto niya magkaroon sila ng oras, pero wala siya.

Nakaupo ako sa kanang pwesto ng asawa ko habang maingat na hawak ang kamay nito. Hinalikan ko ito ng tatlong beses bago idikit sa pisngi ko. Napapikit ako dahil sa pakiramdam.

"As usual, madam, ikaw at ikaw pa rin ang tinitibok ng puso at utak ko." Natatawang bulong ko.

Kung naririnig niya ako, kukurutin niya ang pisngi ko at mang-aasar. Manang-mana sa kaniya si Leo.

"Alam mo mahal, lumalaki na si Leo. Kanina nakausap ko siya. Akala ko nga makikita ko ang batang umiiyak palagi at tatakbo para yumakap sa atin pero mukhang di natin namalayang lumalaki na pala siya." Pagke-kwento ko habang nakatitig sa kamay na hawak ko. "Hindi siya tumakbo at umiyak papunta sa akin, na palagi niyang ginawa, ako ang nanghila sa kaniya. Akalain mong malaki na ang unang anak natin?"

Napangiti ako lalo habang inaalala kung paano tumakbo ang batang Leo sa amin, sa tuwing nakikita niya kami. Kung paano siya tumakbo habang umiiyak, kung paano siya tumakbo habang tumatawa, kung paano siya tumakbo habang natatakot. Kahit anong mangyari, sa huli, hindi niya nakakalimutang tumakbo papunta sa amin para yumakap at magkwento.

Hindi ko alam paano ko nakalimutan ang batang nagbibigay saya sa amin. Napabuntong hininga ako at malungkot na tumingin sa kaniya.

"Ang ganda mo, mahal." Na Wika ko bigla. Ito 'yung mukhang hindi pagsasawaang titigan. Mababaliw yata ako pag isang araw hindi ko na makita ang mukhang 'to.

"Patawad ulit, mahal... Nakalimutan ko si Leo sa sobrang pagkadurog sa nangyari sa mismong araw ng kasal natin." Paulit-ulit ko na namang hinalikan ang kamay niya dahil pakiramdam ko sobrang laki ng kasalanan ko at inis na inis na siya sa akin.

Hindi ko na talaga alam ang gagawin. Gusto kong pagbayarin lahat pero sino? Paano? Bakit? Hindi ko na alam sino ang may kasalanan. Ako ba? Sila? Kami? Gustuhin ko mang tumalon sa mismong bangin na 'yun para matapos na, pero hindi. Hindi pwede. May kasalanan din ako. Ano nga ba talaga ang totoong nangyari? Hindi ko na alam. Ang alam ko lang... Ang kamatayan ko ay ang huling mangyayari.

Napahinto ako nang may marinig na katok. Maingat kong binaba ang kamay ng asawa ko bago pagbuksan ang taong kumakatok.

Si Leo pala. Pinakita nito ang dalang mga pagkain at masayang ngumiti.

"Ala sais na boss."

Tinanguan ko lang siya bago pinapasok at i-lock ang pinto. Napagkasunduan namin na may tao man o wala sa kwartong ito bukod sa asawa ko, palagi pa rin nakasarado ito. Walang nakakaalam kundi kaming tatlo lang, maski ang mga magulang ko ay walang alam. Ang kwartong ito ay dulong bahagi na ng 4th floor kaya walang mag tatangkang pumasok.

"Sabayan mo akong kumain, Leo. Parang napakalungkot kumain mag-isa sa ganitong panahon." Wika ko nang makitang nakaupo lang siya sa gilid habang may kinakalikot sa telepono niya.

Agad siyang tumingin sa akin at paulit-ulit na tumango. Akala ko pipilitin pa e.

"Hindi na ako papapilit boss, gutom na gutom na ako e." Pagrereklamo niya habang kumukuha ng pagkain.

Nagtaka naman ako rito. "Bakit hindi ka pa kumakain? 'Wag mo sabihing hindi ka nakakakain?" Inis kong tanong sa kaniya at pinaglagyan na siya ng mga pagkain sa plato niya.

Marami siyang dalang pagkain at malaki ang palaging dulong kwarto bawat palapag ng hospital na 'to, hindi na nakakapagtakang may mga gamit.

"Nakakakain naman boss pero marami lang akong inasikaso kanina kaya ngayon pa lang din ako kakain." Nginitian pa ako nito bago sumubo.

Crazy Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon