Chapter 16 - Planned

138 12 0
                                    

"Sinabi sa akin ni Kuya Shard na binigyan ka na niya ng modules."

Dalawa lang kami ni Crest ang narito ngayon. Nagulat nga ako kasi umagang-umaga ay narito siya.

"Oo. Ikaw na raw ang magtuturo sa akin kung paano gamitin," sabi ko.

Ipinakita ko sa kaniya 'yung device ko kaya inilabas na rin niya ang kaniya. Doon ko lang din napansing may pangalan pala sa ilalim na parte.

"First of all, kailangang i-insert 'yung chip," sabi niya at dinemo niya.

Pinanood ko kung paano niya inilagay at kung anong direkyon ng chip. Baka kasi mamaya ay hindi mabasa kung maling direksyon ang pagkaka-insert.

"May nag-iisang button diyan. Iyon ang pundutin mo." Dinemo niya ulit iyon.

Nagulat ako nang may nagproject na hologram sa hangin na nanggaling sa device na maliit.

Ginawa ko na rin iyon at meron ngang hologram. Ang galing! Wala naman kasingmmga ganito sa mundong kinalakihan ko kaya normal naman sigurong magulat at mamangha ng isang katulad ko.

"Diyan nakaproject ang subjects natin. Mamili ka lang ng subject. Pipindutin mo lang sa hologram ang napili mo," sabi niya.

Ginawa ko naman iyon at ang History ang unang nakakuha ng atensyon ko. Nakita kong may mga files doon na pwede kong mapindot.

"If may ipapasa ka namang file or kahit ano, pindutin mo lang 'yung assignment file na in-assign sa iyo tapos may makikita kang 'add.' Doon mo ngayon i-iinput 'yung file ng assignment mo. Then submit."

Pinakita niya sa akin ang isang past assignment niya para lang makita ko kung paano ang gagawin. Bawat pindot niya sa hologram ay na-aamaze ako. Ang galing ng gumawa nito.

Nang matapos na niya ang business niya rito ay nagpaalam na siya dahil may klase pa sila. "Uhm, may pagkain diyan. Kumain ka na lang."

Tinanguan ko na lang siya at nagpasalamat bago siya lumabas. Itinabi ko na rin muna 'yung device dahil wala pa naman akong balak gumawa ng modules.

Bigla na lang pumasok sa isip ko 'yung libro tungkol sa Titans. Napatanong lang ako bigla kung ano ang dahilan kung bakit iyon nasa restricted section. Gusto ko tuloy iyong kunin.

Tumayo na ako para tingnan 'yung pagkain na dinala ni Crest. Wala namang sinabi 'yung doktor na bawal sa akin dahil wala naman akong sakit. Physical injuries lang.

Ako na 'yung nagtanggal nung support sa kamay kong nasweruhan para makakain ako. Ayaw kong galawin 'yung bali ko.

Nagsimula na akong kumain at hindi naman ako natagalan. Bukod sa masarap ang binigay nila, nagugutom na rin kasi ako. Parang lumakas akong kumain. Nakakainis.

"You should've waited for me."

Napatingin ako kay Doctor Vein na kapapasok lang. Hindi ko talaga siya nararamdaman, I don't know why.

"Kaya ko na po," sabi ko na lang. Paubos ko na rin lang. "Uhm, tinanggal ko po pala 'yung ano," sabi ko ulit at itinuro 'yung pang suporta. Hindi ko alam kung anong term ang dapat na ginagamit, eh.

"It's okay. Just don't move too much para hindi magbackflow 'yung dugo," sabi niya sa akin.

Ipinagpatuloy ko lang ang pagkain hanggang sa maubos ko iyon. Pagkatapos ko ay itinapon ko na ang pinagkainan ko sa basura bago tumingin kay Doctor Vein.

Nagsasalin na ulit siya ng gamot. "The President will be the one to administer your medications starting tomorrow. He wants to make sure na hindi natin dinadaya ang pag-inom mo."

The Halfblooded WarriorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon