"Ngayong week mo pa lang pala makukumpleto ang buong klase, 'no?"
Tinawanan nila ako dahil sa sinabi ni Cosma. Napaisip na rin tuloy ang iba tsaka sila sumangayon kay Cosma. Tama naman siya.
Unang week ko rito ay ang pagstay ko sa Med Cen. Pangalawa at pangatlong week ay ang Welcoming Event at fourth week ko ay ngayon.
"Paano ba ang klase sa Combat?" Tanong ko.
"Depende sa trip ni Sir. Last week kasi ay duel. Noong nakaraang linggo naman ay lahat kami laban sa kaniya," sagot ni Gray.
Papunta kasi kami sa training grounds, which is sa bandang gitna ng buong academy. Iyon daw ang pinakamaluwang na space rito sabi nila, eh.
Hindi pa naman ako nakakapunta roon kaya nagulat ako noong makita ko ang sinasabi nilang training grounds. Pinalibutan iyon ng mga buildings at open area din para magamit namin ang talents namin.
May designated area din daw ang mga Masters at iyon na siguro ang empty space na nakikita ko. Ang dami ring estudyante rito at may mga kasama silang teachers.
"May klase sila?" Tanong ko kay Crest. Siya kasi ang kasabay ko sa paglakad.
"Wala. Baka kailangan lang nila ng bantay. MWF lang ang klase rito," sagot niya.
Pumunta kami sa bakanteng space at nagulat ako nang may pumalibot na kung ano sa area namin. Nakikita pa rin naman namin ang nasa labas pero parang may forcefield na nabuo pagpasok namin.
"Lahat din pala ng narito ay pwede nating gamitin. Just be careful," sabi naman ni Path.
Sobrang lawak ng pwesto namin at may kaniya-kaniyang weapon area ang nagsilitawan. May archery, may shooting range, may mga dummies na pwede namin pagpractice'an.
May isang table rin sa tabi na puro weapons and nasa ibabaw. Kinuha ko ang bow at mga ilang arrows lang.
Alam ko noon ay may gusto akong itry. May mga napapanood kasi ako sa movies na dalawa o tatlong arrows ang tinitira niya at the same time. Iyon sana ang gusto kong matutunan, pero walang magtuturo sa akin.
Tiningnan ko ang mga kasama ko at nagkaniya-kaniya na sila roon. Si Path na na gumagawa ng drills gamit ang arnis, sina Cosma, Acero, at Crest na may kaharap na tag-iisang dummy at nakikipagsuntukan, sina Gray at Wreck na nagwa-one on one gamit ang stick, si Blank na naroon sa shooting range.
Tinuloy ko na lang ang archery at tumira muna ng tatlong beses. Kailangan ko munang gamayin at balansehin ito bago ako mag-imbento kung paano ang position at pagkakahawak ko sa dalawang arrows mamaya.
Posible pa rin ba iyon? Parang sa movies lang iyon nangyayari. Kasi kung alam ni Mama na may ganoon ay ituturo niya na rin iyon sa akin, pero hindi niya itinuro.
"Crest!" Tawag ko.
Napahinto naman siya sa ginagawa niya at nilapitan ako. "What?" Tanong niya habang pinupunasan ang sarili niya.
"Is it possible to shoot two arrows at once?" Tanong ko sa kaniya.
"I don't know. Try it," sagot niya.
Pinuntahan ko muna ang targets at niretrieve ko ang mga arrows na naroon. Nakakadistract kasi. Ayaw kong nakakakita ng arrows sa target ko, naiirita ako.
Pagbalik ko ay naroon lang si Crest at hinihintay yata ako sa gagawin ko. Kumuha lang ako ng dalawa at nag-aim na.
Pagkabitiw ko ng string ay sumakto ang isa sa gitna habang ang isa naman ay nasa tabi lang non, malaki rin ang pagitan nila. Napaiwas na lang tuloy ako ng tingin dahil ang layo non sa gusto kong mangyari. Akala ko ay parehong sa gitna tatama.
BINABASA MO ANG
The Halfblooded Warrior
Teen FictionShield, a simple-looking girl but a tough one inside. Transferred to an extraordinary school called Twilight Academy. Be with her and and unlock the secrets of her mysterious family.