Chapter 60 - Teacher

65 8 1
                                    

"Good morning, Ma'am Siren! May I excuse Miss Shield?"

Napatingin kaming lahat sa pintuan at nakitang naroon si Kuya Jugs, 'yung Secretary ng student council dito. Hindi kami allowed na mga Masters na sumali sa student councils dahil alam naman ng lahat ng busy kami.

"Dismissal na nila, but why?" Tanong sa kaniya ni Ma'am Siren.

"Pinapatawag lang po ni Ma'am East," sagot naman niya.

Tumingin lang ako kay Ma'am para hintayin ang sasabihin niya. Pwede naman na akong umalis kasi dismissal na pero ayaw ko namang maging bastos.

"Okay. Labas na guys!"

Nagpaalam na ako at nauna nang lumabas. Hinihintay kasi ako ni Kuya Jugs. Nakakahiya naman kung hinihintay niya pa ako.

Bakit naman ako kakailanganin ni Ma'am East? Hindi pa naman namin binabalik 'yung books kaya imposibleng sasabihin niya sa akin kung ano ang parusa. Tsaka isa pa, kung parusa man ang pag-uusapan namin, bakit ako lang ang ipinatawag niya?

"Miss Shield, ilang taon ka na po? Parang ang bata niyo pa po kasi compared sa ibang kasama mo," tanong niya bigla.

"Sixteen lang ako, kuya," sabi ko sa kaniya.

"Ang bata mo pa po pala," sabi niya sa akin.

Nginitian ko na lang siya dahil hindi ko na rin naman kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko talaga alam kung paano makipag-usap sa iba. Kaya siguro boring akong kausap.

Nang makarating kami sa Headmaster's Office ay iniwan na rin ako ni kuya. Kumatok muna ako bago pumasok.

"Ma'am? Good morning po," bati ko sa kaniya.

"Good morning. Have a seat," sabi naman niya at itinuro 'yung upuan sa harap ng table niya.

Siya naman ang may kailangan sa akin dito kaya hihintayin ko na lang kung ano ang sasabihin niya sa akin. Hindi ko rin naman alam kung bakit ako nandito.

"Ma'am Pollen will be going on a mission for 2 weeks. Since we have received a request letter from the Medical Center for some changes on your schedule, we have decided to assign you to be her substitute," paninimula niya.

Huh? Ako? Magtuturo? Seryoso ba sila sa desisyon nila? Walang matututunan sa akin ang mga estudyante!

"What does she teach po?" Tanong ko na lang. Baka sakaling alam ko kung ano man ang itinuturo ni Ma'am Pollen.

"Archery," sagot niya.

Okay? So, bakit ako?

Hindi naman siguro dahil sa performance ko noong Welcoming Event. Aminado naman akong marunong ako, pero hindi ko forte ang pagtuturo!

"Pero paano po ang sched ko?" Tanong ko ulit. Baka hindi kayanin ng oras ko.

"I have a revised one here. Sabihin mo na lang sa akin kung okay na para ma-confirm ko na."

Sinabi niyang pwede kong silipin 'yung nasa computer niya kaya pumunta na ako sa pwesto niya. Iyon ang class schedule ko.

Hindi niya ginalaw ang oras ko sa mga lecture classes ko gaya ng Chemistry, Technology at History. Ang mga oras ko naman sa P.E at Combat ay ginawang isang oras lang. Mas maaga akong ma-didismiss sa klase.

Iyon nga lang, didiretso naman ako sa klase na tuturuan ko. Archery 2; Room 109. Ang klaseng iyan ay sumakto sa sched ko after ng mga klase ko sa P.E.

Monday, 4 PM to 6 PM. Friday, 8:30 AM to 10:30 AM ang teaching hours ko.

Hindi na rin naman masama. At least sa ganitong sched ko ay may mga breaks ako at medyo hawak ko ang oras dahil ako naman ang magiging teacher.

"Okay na po," sabi ko kay Ma'am.

The Halfblooded WarriorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon