Nagising ako at una kong nakita sina Acero at Blank na papasok sa kwarto. May dala silang tatlong styro na lagayan ng pagkain.
Ramdam ko pa ang pamumugto ng mga mata ko. Nakatulog na pala ako kaiiyak. Hinawi ko ang mga hibla ng buhok kong nakatakip sa mukha ko tsaka biglaang umupo, na kaagad kong pinagsisihan.
Nahilo ako pagkaupo ko. Parang naalog din utak ko dahil sa ginawa kong iyon. Napahawak tuloy ako sa ulo ko tsaka napapikit.
"Hello. Gigisingin ka pa lang sana namin para kumain ng dinner. Sinabi sa amin ni Ma'am Siren na hindi ka pa kumakain kaya hindi ka nila mapainom ng gamot," sabi ni Blank at inilapag ang styro sa bed table tsaka iyon iniharap sa akin.
"Ayaw kong kumain," sabi ko at marahang inilayo sa akin ang table. May gulong naman iyon kaya hindi matatapon ang kung ano mang nakapatong.
"Bakit?" Tanong niya.
"Wala. Ayaw ko lang," sabi ko.
"Hindi pwede, gagi!"
Sinamaan ko lang siya ng tingin dahil sa totoo lang ay naiirita na ako. Parang ayaw ko munang makita ang kahit na sino. Ayaw ko munang makakita ng tao.
Umupo naman si Acero sa upuan na nasa tabi ng bed. Nakacross-arms siya habang nakatingin sa akin.
Tumingin din tuloy ako sa kaniya habang nakakunot-noo. "Ano?"
"Bakit ayaw mong kumain?" Tanong niya habang nakataas ang isang kilay.
Inirapan ko siya at hindi na pinansin. I know that I'm being toxic right now, and I know that I need to do something to this trait of mine. I can't really think straight whenever I'm in a bad mood.
I can feel a hint of guilt. 'Yung reactions kasi nila! Parang nagulat silang may ganito pala akong side.
"Makakaalis na kayo. Ilayo niyo sa akin 'yang pagkain, baka itapon ko lang 'yan," pagtataboy ko sa kanila.
Pinanood ko lang sila na halatang napipilitang umalis. Tumingin pa nga sila sa akin bago sila lumabas.
My anger issues are really something. Magso-sorry na lang ako sa kanila kapag naging okay na ako. Alam kong mali ako, pero hindi ko talaga kayang ibaba ang pride ko para sa kanila.
Pinilit ko na lang matulog kahit na ang totoo ay gutom na gutom na ako. Papanindigan ko ito kahit anong mangyari.
.
Nagising ako at gabi na. Parang hating gabi na. Nilibot ko na rin ang paningin ko at nakitang walang nagbabantay sa akin.
Kaya ko namang tumayo at maglakad dahil nagawa ko iyon kaninang uminom ako ng gamot. Kinuha ko 'yung dextrose ko at inilipat iyon. Sinabit ko iyon sa may sabitan na may gulong.
Pumunta ako sa tapat pinto tsaka iyon binuksan. Pagsilip ko ay wala namang doctors at nurses na nag-iikot. Pwede naman na siguro akong makatakas dito.
Sinilip ko na rin ang bintana kanina at hindi naman sa second floor ang kwarto kung nasaan ako kaya pwede akong dumaan doon.
Kung ganito rin lang pala ang parusa ko ay mas gugustuhin ko na lang umuwi. Si Mama na lang ang bahala sa akin at babalik na lang ako rito para harapin kung anong parusa ang ibibigay nila.
Tinanggal ko ang swero ko pati ang mga tape na nilagay nila sa kamay ko. 'Yung bali ko naman ay hindi ko pa ginagalaw. Wala na akong balak galawin pa iyon.
Tumayo na ako at tumingin muli sa bintana. Bubuksan ko pa lang sana iyon pero binitawan ko kaagad ang handle nang biglang bumukas ang pinto.
Shit! Hindi ko man lang naramdaman ang presensya niya!
BINABASA MO ANG
The Halfblooded Warrior
Teen FictionShield, a simple-looking girl but a tough one inside. Transferred to an extraordinary school called Twilight Academy. Be with her and and unlock the secrets of her mysterious family.