"Ay! Mommy, gusto ko 'yan! Magandang idea 'yan!"
Tinawanan ko lang si Repulse dahil kahit ako ay parang gusto ko rin ng kapatid. Halatang gusto rin ni Repulse dahil wala pa ngang baby, na-eexcite na siya.
"Biro lang! Ikaw, Xyne, ah!" Sabi ni Mommy sa kaniya.
"Gusto ko rin, Mi!" Sabi ko.
"Ay, hindi! Walang baby!" Sabi lang ni Mommy at pumunta roon kina Ma'am Siren, tumabi sa sofa.
"Gusto ko po ng baby boy! Dad, baby boy naman!" Pangungulit ni Repulse.
"Wala!" Sabi lang ulit ni Mommy.
Niloloko-loko lang siya roon nina Ma'am Siren at Ma'am Variant. Kahit nga rin sina Mama at Tita Eclask ay tinutukso na siya. Hindi ko nga alam kung seryoso sila o hindi dahil hindi pa nga naaayos 'yong sa amin ni Repulse. May ibang tao pang galit sa amin sa academy noon, bago ako umalis.
"Ngiti mo, Babe, ah? Gusto mo?"
Napatingin tuloy ako kay Sir Raven na nakangiti lang doon. Natutuwa siya kasi kita ang pamumula ni Mommy doon habang sinasapak sina Ma'am Siren.
"Why not?" Sagot lang ni Dad kaya sumali na rin si Repulse sa tuksuhan nila roon.
"Go, Daddy! Galingan mo po!" Sabi niya pa.
Tumatawa na lang kami ni Mama rito dahil kinikilig si Mommy. Ngiti niya, abot hanggang tenga niya na, eh. Hindi na niya malabanan ang kilig niya.
"Hay nako! Tigil-tigilan niyo 'ko!" Pilit na sabi niya pero nagtago rin kaagad sa likod ni Ma'am Variant dahil hindi niya pa kayang magseryoso.
Napatigil kaming lahat dahil may biglang kumatok. Bumukas iyon at si Doctor Lori lang pala. Sumilip lang siya at mukhang hinahanap pa si Mommy.
"Defense, nandito ang Sentinels," sabi ni Doc.
Tuluyan niya pang ibinukas ang pinto at nakita namin doon sina Kuya Danger, Ma'am Anon, Kuya Gold, Ate Silent at Ate Clutch. Akala ko kumpleto sila. Anyway, anong ginagawa nila rito?
"Pasok kayo," sabi lang ni Mommy.
"Hello!"
"Ate!" Tumakbo pa si Ate Silent papunta kay Mommy tsaka siya niyakap. "Na-miss kita!"
Niyakap lang din siya ni Mommy tsaka sila nagkamustahan doon. Close talaga sila ni Mommy. Pero bata pa naman yata sila noon, paano sila naging close si Mommy?
"Oh?" Rinig kong sabi ni Ma'am Anon. Nagulat pa ako dahil nasa tabi ko na pala siya.
"Po?" Tanong ko lang.
Mas nahihiya pa ako sa kaniya kaysa sa Titans, sa totoo lang. Baka siguro dahil mas nauna niya akong nakilala kaya medyo may alam siya sa mga pinaggagagawa ko.
Tiningnan niya lang ang kalagayan ko tsaka niya ako iniwan. Naroon na siya kina Mommy at sumali na sa usapan nila.
Dahil nga minsan ay parang ang gandang alamin kung gaano sila ka-close ni Mommy, nakinig ako sa usapan nila. Hindi naman siguro masama dahil maiingay naman sila at nasa iisang kwarto lang naman kami.
"Sina Ice at Viper?"
"Si Viper, pagod. Kauuwi lang niya galing sa mission," sagot ni Kuya Danger.
"Asan 'yong isa?"
"Nagkita-kita na naman sila nina Ate List. Napapadalas na 'yong meeting ng magto-tropang 'yon. Ano na namang bang sinabi mo sa kanila, 'te?" Sabi ni Ma'am Anon.
Napakunot-noo na lang tuloy ako dahil para siyang nagtatampo pero wala siyang magawa. Anong meron sa kanila ni Sir Ice? Bakit ganoon siya mag-react?
"Secret," pang-aasar pa ni Mommy. Inirapan lang siya ni Ma'am Anon at binigyan pa siya ng masamang tingin. "Sungit mo!"
BINABASA MO ANG
The Halfblooded Warrior
Teen FictionShield, a simple-looking girl but a tough one inside. Transferred to an extraordinary school called Twilight Academy. Be with her and and unlock the secrets of her mysterious family.