Chapter 90 - Used

10 5 0
                                    

"Hey, wake up."

Agad akong napamulat at sinalubong pa iyon ng pagkirot sa ulo ko. Nakakulong ako. Ramdam ko rin na parang may kakaiba sa 'kin, hindi ko lang masabi kung ano.

Anong ginawa nila sa 'kin?!

"What the fuck did you do to me?" Lakas-loob na tanong ko.

Hindi naman ako nakakaramdam ng panghihina. Hindi rin naman ako nakakaramdam ng kahit na anong sakit, bukod sa sakit ng ulo kaninang paggising ko.

"Sirain mo ang rehas gamit ang talent mo," sabi ng isa, refusing to answer my question.

Nagulat na lang ako dahil naramdaman ko ang sarili kong sinusunod ang sinabi niya. Agad kong pinigilan ang sarili ko pero ang kapalit non ay ang muling pagsakit ng ulo ko.

"All you have to do is to follow what we say and you won't get hurt," sabi ng babae.

"Let's try this again, shall we?" sabi nung nag-utos kanina. "Subukan mong sirain ang rehas."

Kahit na labag sa loob ko ay sinunod ko na lang sila. Hindi rin kasi biro ang sakit ng ulo na naramdaman ko kaning pumalag ako.

Ginawa ko ang sinasabi nila at pinatamaan ko ng shields ang rehas. Hindi ko iyon nasira pero sa sobrang lakas ng impact ay halos mabingi na ako sa pagtama ng shield ko sa rehas. Sumakit pa nga tenga ko dahil sa tunog.

Kapag sinusunod ko ang ipinapagawa nila ay hindi ako nakakaramdam ng sakit sa ulo. Kapag hindi ko sinunod ay sobrang sakit ng ulo ko.

How can they even possibly do that? Anong ginawa nila sa 'kin?!

Ang huling naaalala ko lang ay pagka-teleport namin ay kinaladkad nila ako papunta rito sa kulungan. Sa gate kasi ng academy ng Sinisters kami napunta noong pinindot nila ang teleportation device.

Napag-alaman ko rin na kay Ma'am Siren pala iyong device. Kinuha iyon ng nakalaban niyang soldier tsaka nila ipina-modify sa mga techs nila.

"We're good to go!" Anunsyo nung babae. "Tell everyone that we're going to attack in about 30 minutes!" sabi niya sa ibang Sinisters na narito.

Tumingin naman 'yong dalawa sa 'kin, parang nag-iisip pa kung ano ang gagawin sa 'kin. Kinakabahan ako. Gusto kong lumaban pero hindi ayaw kong isugal ang sarili ko.

Sa ngayon ay hindi naman nila ako sinasaktan. Gusto lang nila akong pakinabangan.

Hangga't sinusunod ko ang mga gusto nilang gawin ko, nasisiguro kong makakabalik pa ako sa Virtuous, nang buhay.

Binuksan ng lalaki ang pinto ng selda kaya natakot ako. Hindi naman siya pumasok kaya hindi rin ako gumalaw sa pwesto ko.

"Lumabas ka riyan at ihahatid ka na nila sa isang kwarto. Naroon na ang isusuot mo para maipakitang isa ka na sa 'min," sabi niya.

Ito na naman ang pakiramdam na susunod ako sa kanila. Talagang nagkukusa ang katawan kong sumunod. Tsaka lang hihina ang pakiramdam na iyon kapag nilabanan ko.

Lumabas ako at may dalawang guwardiya sa magkabilang gilid ko at 'yong babae sa harap ko, na siyang sinusundan ko ngayon papunta sa isang kwarto raw, kung saan ako magbibihis.

Hindi rin naman kami lumabas dito sa dungeon nila dahil may isang room kung saan kami nagtungo. Binuksan lang iyon ng babae kaya pumasok na ako. Hindi rin naman sila sumunod kaya medyo nakaginhawa ako.

"Bilisan mo ang pagbihis. Hihintayin ka namin dito pagkatapos mo," sabi lang ng babae. Sinarahan na nila ako at rinig ko ang pag-lock nila mula sa labas.

Nakita ko naman kaagad ang sinasabi nilang isusuot ko. Combat suit pa rin siya, pero kulay itim na. Mas maraming proteksyon ito kaysa sa combat suit ko kanina kaya siguradong mas mabigat itong isuot.

The Halfblooded WarriorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon