Chapter 84 - On Top

103 7 1
                                    

"Dad, I said I'm fine."

Kanina niya pa ako pinipilit kumain kahit na katatapos ko lang. Puro pagkain ang binibigay niya sa 'kin. Pinapataba niya na ako nang wala sa oras.

"You just got out from surgery. You need to eat more," pamimilit niya ulit. Ngayon ay binibigyan niya naman ako ng prutas, apple na ini-slice niya kanina.

Busog na ako! Pero wala naman akong magagawa kung inaalok niya ako. Hindi naman siguro mabigat sa tiyan 'yang mansanas.

"They said that I can get out of here after observation. I can go back to training after that," sabi ko.

"Yeah, sure. Whatever makes you feel better," sabi niya at hinayaan na lang ako.

Hinintay niyang maubos ko ang ibinigay niya bago niya ako layuan. Akala ko nga ay pagkain na naman ang dala niya pagbalik niya sa pwesto ko, pero mabuti naman at tubig na.

"Dad, soft drinks," pagbibiro ko. Tinaasan niya lang ako ng isang kilay tsaka umiling.

Sakto rin naman ang pagpasok ni Tita Tifanny kaya natuwa ako. Sa wakas, may magpipigil na kay Dad sa sunod-sunod na pagpapakain sa 'kin!

"I bought you something," sabi ni Tita.

Napaface-palm na lang ako noong nakita ko kung ano ang tinutukoy niya. Pagkain na naman! Ganoon na ba ako kapayat sa paningin nila at kailangan nila ako patabain?

"Tita naman, kanina pa ako kain nang kain," reklamo ko.

"So? Kain ka ulit," sabi niya at inilapag niya 'yon sa side table. "Ano bang nangyari?"

"Papunta na ako sa office ni Ma'am East kanina. Bigla akong hinarang nung babae, sinasabi na ako raw ang dahilan kung bakit nagkagulo 'yong tatay niya at ng team niya. Hindi ko naman po alam na anak pala 'yon ni Alpha Ban," pagkukwento ko.

Iyon lang naman ang alam kong nangyari. Kung alam ko lang na anak 'yon ni Alpha Ban kanina, sana pinalagan ko na habang maaga pa. Namumuro na sa 'kin pamilya niya. Kahit si Mommy, na wala rito, ay nadadamay pa.

"Alam mo ba kung anong ginawa ng kapatid mo kanina?" Sabi ni Tita at tumabi sa 'kin. "Nagsumbong siya sa nanay niyo habang nasa operating room ka," pagtutuloy niya.

Ang tanga naman! Kapag lumala ang gulo, labas na ako roon. Imbis na expulsion na lang ang mangyayari, eh. Na kanino kaya ang desisyon na 'yon? Sinabi na ni Unit Four kanina na expelled na siya, eh. Baka kailangan pang dumaan non kay Ma'am East.

May narinig naman akong kumatok kaya napatingin ako sa pinto. Pumasok si Repulse at tiningnan lang kami, isa-isa. Ano na naman bang trip nito?

"Dad, anong mangyayari sa anak ni Alpha Ban?" Tanong niya kaagad.

"Probably, expelled. But it's up to the victim to decide," sabi ni Dad at tumingin sa 'kin.

"Shield, 'wag mong ipapa-expel 'yon. Gusto ko siyang makita, araw-araw," sabi ni Repulse at mukhang excited pa siya dahil sa tono ng pagkakasabi niya. "Ayaw din naman siyang ma-expel ni Alpha Ban," dagdag niya pa.

"Tama ka na. Kakawawain mo lang siya rito," saway ko sa kaniya.

Ako ang natatakot para sa babae 'pag hindi pa siya aalis dito. Hindi siya titigilan ni Repulse. Nakita ko pa naman kung gaano niya panggigilan 'yong babae. Mahirap na, baka mapasama pa siya 'pag sumobra.

"KJ mo naman. Hindi ko siya aanuhin," pangungumbinsi niya.

Sinamaan ko lang siya ng tingin bago ilipat kay Dad ang tingin ko. "Papansin talaga. Dad, paglinisin mo kaya 'to ng buong cafeteria? Maganda 'yon!"

The Halfblooded WarriorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon