Chapter 64 - Newest Member

66 6 0
                                    

"Good morning!"

Pumasok si Ma'am Siren na may hawak na potion. Nakalagay iyon sa malaking potion bottle at kulay green ang nasa loob. Bumubula-bula pa iyon kaya medyo nakakadiring tingnan.

"Good morning, Ma'am!" Bati namin sa kaniya.

Tumingin muna siya sa amin, inilibot niya ang paningin niya na para bang may hinahanap. Nagtataka na ang boys, habang kaming mga nakakaalam naman ay patay-malisya.

Hinahanap niya si Repulse. Imposible naman kasing hindi niya alam na may bago kaming miyembro.

Ang akin naman kasi noon ay alam niya talagang bago ako. Iba lang ang sinabi niya dahil nagulat siya nang makita ako, na kamukha ko si Mommy.

Talagang itinago namin si Repulse sa kahit kanino pagkatapos naming mag-shopping last week. Monday pa naman daw kasi ang first day niya sabi ni Ma'am East. Thursday, Friday, Saturday, and Sunday ay hindi namin kasabay kumain ang boys.

Bumibili na lang kami ng pagkain namin tsaka kami kumakain sa dorm. Noong una ay kinukwestyon kami ng boys. Ang sinasagot lang naman namin ay may pinag-uusapan kaming girl stuffs.

"Pinatawag kaming teachers niyo sa Headmaster's Office. May bago raw kayong kasama..." parang hindi siguradong sabi niya.

"Sino po?" Tanong ni Cosma.

"What do you mean?" Kunot-noong tanong ni Ma'am.

"Meron po?" Tanong naman ni Wreck.

'Tong dalawang 'to talaga! Halata naman sila masyado! Kahit si Path nga ay napa-face palm na lang.

Mukhang wala rin namang kaalam-alam 'yong iba kahit na halatado na sina Wreck at Cosma. Parang wala lang sa iba, pero ang iba ay nagtataka na rin.

"Girls? Didn't you meet her already?" Tanong sa amin ni Ma'am.

"Hindi pa po," sagot ni Path. Umiling lang din naman kami ni Cosma.

"Sino po ba?" Tanong ni Crest.

"Her name's Alexyn Solviarre. Her code name's Repulse," sagot ni Ma'am.

May inilabas pa siya sa relo niyang papel. Iyon yata 'yong listahan ng mga estudyante niya, o ng Masters.

"Saglit nga. I-dodouble check ko na lang sa office."

Bumaba na si Ma'am sa parang mini-stage na nasa harapan at dumiretso na sa pintuan. Nakatingin pa rin siya sa papel na hawak niya at hindi na kami pinansin pa.

"Shield, what are you doing outside?" Rinig naming sabi ni Ma'am Variant. Alam ko ang boses ni Ma'am Variant, eh.

Bigla namang sumilip si Ma'am Variant dito sa classroom habang hawak si Repulse sa balikat. Bale, pareho silang nakasilip ngayon.

"Siren, did you send her out?" Tanong niya kay Ma'am.

Napahinto pa nga si Ma'am at napatingin sa kanilang dalawa. "What? No! She was just right there— what?"

Shocked siya habang unti-unting ibinaba ang daliri niyang nakaturo sa direksyon ko. Gusto ko tuloy tumawa, pinipigilan ko lang.

Ganito ba talaga sila kapag may nakikitang kambal? O talagang nagugulat lang sila dahil may isa na namang kamukha si Mommy?

"Good morning po. My name is Repulse, 16 years old. My talent is Repulsion po," pagpapakilala ni Repulse sa sarili niya para maagaw ang atensyon ni Ma'am Siren sa akin.

"How did that happen?" Tanong ni Ma'am Variant.

"My mother's Eclask, Ma'am. She was the one who raised me po," simpleng sagot ni Repulse sa dalawang Titans.

The Halfblooded WarriorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon