"Lex, the Lethals and Titans will be paying us a visit!"
Halos mapatayo na ako sa higaan ko nang marinig ko iyon kay Tito. Nasa baba kasi siya kaya talagang isinigaw niya iyon.
"Piso, last game ko muna," paalam ko sa ka-team kong kalaro ko ngayon.
"Sige."
Bakit ngayon lang sinabi?! Tsaka si Repulse, hindi man lang nagsabi! Isa na ito sa mga surprise visits na pinakaayaw ko.
Pagkatapos ng laro ko ay iniwan ko na ang phone ko roon at bumaba para hanapin si Tito. Pagkababa ko ay agad kong naamoy na may niluluto siya kaya sa kusina na ako dumiretso.
"Tito, kailan pa sinabi sa 'yo?" Tanong ko agad at sinilip ang niluluto niya.
May pa-tempura pa siya! Ang daming crabs and lobsters ngayon dito sa kusina. Gagawin niya yata 'yong mga pinapanood niya kagabi na putahe. 'Yong mga kainan na may nakahilerang seafoods sa lamesa tapos bubuhusan ng sauce.
"Kanina lang. Si Mommy mo ang nagsabi," sagot niya.
Pati si Mommy ay hindi nagsabi sa 'kin? Pwede naman nila akong i-inform para mai-prepare ko pa ang sarili ko. Halos isang buwan na rin ang lumipas noong umalis ako roon. Matagal ko rin silang hindi nakita.
"You can stay in your room if you feel uncomfortable. I can take care of them." Napansin siguro ni Tito ang pagtahimik ko.
"I'm fine, Tito," sagot ko lang at tinanong na kung ano ang maitutulong ko.
Distraction lang muna siguro ang kailangan ko. Titingnan ko muna kung ready na akong makihalubilo sa kanila. Hindi ko naman kasi masasabi kung ready na ako o hindi pa kung hindi ko pa sila makikita.
Pagkatapos kong tumulong kay Tito sa kusina ay inutusan na niya akong mag-set up doon sa lamesang inilabas niya, sa likod. Maganda roon dahil kitang-kita namin ang dagat. Presko rin.
Naglagay na ako ng plastic wrapper at foil para ang magbuhos na lang ang gagawin ni Tito mamaya. Pati 'yong mga upuan ay inayos ko na rin para diretso kain na mamaya. Mas na-eexcite pa ako sa pagkain kaysa sa pagdating ng mga bisita namin.
Pagkatapos ng ginagawa ko ay sinabi ni Tito na siya na raw muna sa kusina kaya sa sala na ako dumiretso. Manonood na muna ako.
Anong panonoorin ko? Syempre, Harry Potter ulit. Walang katapusang Harry Potter sa pamamahay na 'to.
Ano naman ngayon?
.
"Pahinga muna, Tito," sabi ko at tumabi.
Umupo naman siya sa tabi ko at nakinood na rin. Hindi na rin naman siya nagreklamo noong nakita niya kung ano ang pinapanood. Alam niya namang iyon ang isa sa mga inuulit-ulit kong movies kapag wala akong magawa.
Noong natapos na ang movie ay saktong may bumusina sa labas. Sinilip ko sila mula sa bintana at may nakita lang akong coaster doon. Sila na yata iyon.
Si Tito na ang tumayo para pagbuksan sila ng gate. Maluwang naman ang garahe, kasya ang sasakyan nila roon. Ako naman ay umakyat na muna para magpalit lang ng damit.
Naghilamos at nagsuklay na rin ako para magmukha naman akong tao kahit papaano. Bisita pa rin sila kahit anong gawin ko. Kailangan ko silang pakisamahan, whether I like it or not.
Rinig ko na rin naman ang ingay nila sa baba. Wala nang atrasan ito. Kahit na kinakabahan ako sa kung ano man ang pwede kong maramdaman mamaya ay kailangan kong kontrolin ang sarili ko.
"Lex?" Rinig kong sabi ni Tito bago kumatok.
Pinagbuksan ko naman siya ng pinto at nagulat ako dahil hindi lang pa siya ang naroon. Meron din si Repulse.
BINABASA MO ANG
The Halfblooded Warrior
Teen FictionShield, a simple-looking girl but a tough one inside. Transferred to an extraordinary school called Twilight Academy. Be with her and and unlock the secrets of her mysterious family.