"Mamayang tanghali. Masyadong halata kapag gabi."
Kinuha ko na 'yung invisibility potion na hindi bawas at inilagay ko iyon sa watch. Tinulungan ako nina Path para i-setup iyon. Exclusively for Masters lang daw pala ang watch na ito.
Hindi ko alam kung bakit madaling araw nagising ang dalawang kasama ko kaya ginising nila ako. Wala tuloy akong choice kundi ang bumangon dahil kanina pa nila pinapaalala 'yung gagawin namin mamaya.
Gusto rin daw pala nilang hiramin 'yung librong kukunin ko dahil curious sila kung anong nilalaman ng librong iyon. Matagal na raw nilang gustong basahin since tinitingala ng karamihan ang Titans.
"Tara sa coffee shop," aya ni Path.
Hindi naman na kami tumanggi ni Cosma dahil gusto rin naman namin kumain doon. 'Yung coffee shop kung saan kami nagmeeting noon para sa event ang pinuntahan namin.
Pagpasok namin ay nakita kaagad kong namataan si Tito Hurt na kasama si Doctor Vein. Kumakain silang magkasama.
Hindi ko muna sila pinansin dahil mukhang busy naman silang nag-uusap. Nagtataka lang ako kung bakit sila magkasama nang ganito kaaga.
Dumiretso si Path sa cashier pagkatapos naming sabihin ni Cosma ang order namin. Siya na ang pinag-order namin dahil siya naman ang nag-aya. Wala rin lang siyang magagawa.
Umupo na lang kami sa isang table na medyo malayo sa pwesto nina Tito pero kita pa rin naman namin sila. Kanina pa nga nakatitig sa kaniya si Cosma, kulang nalang ay maghugis puso na ang mata niya.
"Hoy, anong ginagawa mo rito?!" Tanong ni Tito nang magkaeye-to-eye contact kami. Napatingin din tuloy si Doc Vein tsaka kumaway sa amin.
"Hi din, Tito," sabi ko sa kaniya.
Nakita kong may sinabi siya kay Doc Vein bago siya tumayo at maglakad palapit sa amin. Mahina niya akong binatukan kaya napatingin ako nang masama sa kaniya. Rinig ko pa ang pagtawa ni Cosma.
"Bakit?" Asar na tanong ko.
"Nilalagnat ka?"
"Hindi," sagot ko.
"Bakit sabi ni Vein na binigyan ka niya ng paracetamol?" Tanong niya ulit.
"Parang lalagnatin kasi ako kahapon, Tito, kaya pumunta ako sa kaniya. Pero wala naman po," Pag-eexplain ko.
"Malaman ko lang na ginawa mo 'yung sinasabi ni Vein sa akin kanina, malilintikan ka sa 'kin," sabi niya na tinawanan ko lang.
Hula ko ay ang pagpapalabas kay Defense ang tinutukoy niya. Napag-uusapan pala nila ako. Ano na naman kaya ang iba pang nalaman niyang ginagawa ko?
"Si Cosma nga po pala tsaka si Path," pagpapakilala ko sa dalawang kasama ko. Sakto kasi ang pagdating ni Path.
"Hi!" Sabi ni Tito sa kanila.
"Hello po, Kuya Hurt!" Bati nilang dalawa. Nagpipigil ng kilig pareho.
"Bakit nga po pala kayo magkasama ni Doc? Girlfriend mo?" Tanong ko at itinaas-baba ang kilay ko para tuksuhin siya.
"Baliw, hindi! May pinag-uusapan lang kaming importante," sabi niya.
Nagpaalam na rin siya at babalikan pa raw niya si Doc. Tumingin naman ako kay Doc at nakitang nakatingin lang siya sa amin, hinihintay niya siguro si Tito Hurt.
"Girl, hindi raw niya girlfriend si Doc!"
Nag-apir pa sila at pinipigilan nila ang ngiti nilang abot tenga. Pumapadyak na nga rin sila at namumula.
"Itsura niyo," tumatawang sabi ko.
Tumingin ako sa gawi nina Tito at mukhang seryoso talaga ang usapan nila. Mukha na nga silang professionals na sinosolusyonan ang problema.
BINABASA MO ANG
The Halfblooded Warrior
Teen FictionShield, a simple-looking girl but a tough one inside. Transferred to an extraordinary school called Twilight Academy. Be with her and and unlock the secrets of her mysterious family.