"Alam mo? May napapansin ako."
Napatingin kami ni Cosma kay Path. Gumagawa kasi kami ng assignment namin ngayon sa Technology dito sa library. Kaming girls lang din ang narito kasi may pinuntahan ang boys, hindi na nagsabi sa amin kung saan.
"Ano?" Tanong namin ni Cosma.
"Si Sir Raven. Parang ang laki ng responsibilidad niya sa 'yo," sabi niya at itinuro ako.
"Oo nga. Pansin ko rin 'yan," sabi naman ni Cosma.
Napapansin na nila. Ang tagal naman nilang mapansin, or ngayon lang sila nagsabi. Hindi ko tuloy alam kung anong sasabihin ko.
"Hmm? Paano?" Tanong ko na lang.
Tumingin muna ako sa paligid para masigurado kong walang chismoso't chismosa. Baka mamaya ay pagpyestahan na naman ang buhay ko.
"Kasi tuwing may nangyayari sa 'yo, lagi siyang meron, o 'di kaya isa sa Titans. Noong na-kidnap ka ng mga Sinisters, siya ang naunang na-alerto, imbis na kaming mga kasama mo ang kausapin niya, dumiretso kaagad siya sa Titans. Magkakasama kaya sila noon, nakakatakot sila!" Mahinang sabi ni Cosma.
Bigla tuloy akong na-curious sa kung anong itsura nila noon. Bihira lang akong makakita ng Masters na kumpleto. Huling kita ko yata ay noong mission namin sa kabilang mundo, kasama ang Titans.
"Tsaka pati noong nagtagal ka sa Med Cen, 'di ba? Si Sir Raven ang parang pinaka-concerned. Narinig pa naming pinagbawalan ka niyang umuwi sa bahay niyo."
Kunot-noo tuloy akong napatingin kay Path dahil sa sinabi niyang 'yon. Sa Med Cen lang 'yon nangyari, ah?! Paano niya nalaman 'yon?
"Hoy, paano nakarating sa inyo 'yon?"
"Na-kwento ng nurses sa 'min noong binisita ka namin, kaso tulog ka, eh."
Baka ito 'yong time na dinalhan ako nina Blank ng pagkain. Hindi ko na matandaan. Basta ang alam ko lang noon ay 'yon 'yong time na hindi ako kumain sa sobrang sama ng loob ko kay Sir Raven.
"May pamilya na ba talaga si Sir Raven? Asawa ba, meron?" Tanong ko sa kanila.
Hindi ko na kasi alam kung kanino pa ako magtatanong tungkol dito. Hindi ko na rin naman masyadong nakikita ang Titans maliban kina Ma'am Siren, Sir Grim at Sir Night na teachers namin.
Hindi na rin naman ako masyado sa Med Cen kaya masasabi kong medyo tumino na ako. Ang huling dalaw ko pa roon ay noong sinalinan ako ng dugo.
"Ang alam lang namin ay may pamilya siya, pero wala naman yatang nakaka-alam kung sino sila," sagot lang ni Cosma.
Sino kayang nakakaalam non maliban sa Titans at kina Tita List? Si Tito Bry sana, pero hindi ko pa naman siya nakikita. Ang tagal na niyang walang paramdam!
"Sabi ni Tita List noon na pamilyado na si Sir. Hindi naman na niya nasabi sa akin kung sino ang asawa niya," sabi ko.
Napatigil na nga kami sa paggawa ng assignment namin dahil sa totoo lang, ang hirap mag-research nang walang phone o kahit laptop man lang!
Wala kasi silang laptops at phones dito. Sa sobrang advance ng technology rito, iyon ang hindi nila kayang paganahin sa mundong ito.
May computers naman kami rito, pero for the officials and authorities lang. If ever na gusto namin, pwede naman kaming bumili, pero masyadong mahal.
Nakita ko naman na ang computer lab namin dito at masasabi kong worth it naman ang at least 2 million points para sa isang pc. Kung gusto mo pang i-customize o pa-upgrade ay dagdag points na naman ang babayaran.
BINABASA MO ANG
The Halfblooded Warrior
Teen FictionShield, a simple-looking girl but a tough one inside. Transferred to an extraordinary school called Twilight Academy. Be with her and and unlock the secrets of her mysterious family.