"Let's go inside."
Narito kasi kami sa tapat ng isang coffee shop at dito na namin hinintay ang iba pang batches. Kumpleto na rin naman kami at huling dumating ang mga Vixens, 'yung batch na kasunod namin.
Sa lahat ng mga dumating na teams pagktapos nung nangyari ay talagang pinagtinginan ako na para bang may kasalanan ako sa kanila. Dinidistract din naman ako kaagad nina Path kaya okay na rin iyon.
Sumunod kami kay Sir Raven na umakyat sa second floor. Pag-akyat namin ay nakita namin ang maraming tables at may nakalagay na team names sa ibabaw ng lamesa.
Pumunta na kami sa kaniya-kaniya naming mga pwesto. Lumapit na kami sa table namin at uupo na sana ako pero pinigilan ako ni Crest.
"Dito ka na lang," sabi niya at itinuro ang upuan na hawak niya. "Para kahit titigan ka nila buong araw ay hindi mo sila makikita," dagdag niya.
"Thank you," sabi ko at nginitian siya.
Talagang pinaupo niya ako roon para talagang nakatalikod ako sa lahat ng teams. They still care for me kahit na nalaman nilang may dugo akong Sinister.
"Hindi ko talaga maintindihan kung anong gustong iparating ng mga Alphas," biglang sabi ni Gray na sinangayunan ng ibang kasama namin.
Pinanlakihan ko lang siyang mata para itigil na niya ang topic na iyon dahil baka marinig kami. Magkakalapit lang naman kasi ang tables namin at six batches ang imbitado.
Hindi na nila ininvite pa ang mga mas nauna pa dahil may mga edad na sila. Hanggang nood na lang daw sila ngayong taon.
"Kahit nga 'yung mga Icon maiingay din. Ang pangit ng batch nila, mga tsismoso't tsismosa," gatong pa ni Cosma.
"I know. Kanina pa sila, nakakairita," sabi naman ni Path.
Napapikit na lang tuloy ako at napa-facepalm. Lumingon ako para sana tingnan kung may mga nakikinig pero hindi ko na lang pala sana ginawa.
"Kaya ka nga pinaupo riyan para hindi mo makita ang mga pagmumukha nila. Bakit ka lumingon?" Sabi ni Acero sa akin na parang pinapagalitan ako dahil sa tono ng boses niya.
"Gusto ko lang namang tingnan kung may nakikinig," rason ko.
Nagulat na lang ako nang pitikin ako ni Crest sa noo dahil siya ang katabi ko ngayon, ang isa ay si Cosma.
"Masakit 'yon! Anong ginawa ko?" Reklamo ko sa kaniya habang nakahawak sa noo ko.
Sinamaan niya lang ako ng tingin at hindi na sinagot ang tanong ko. Suplado. Tumingin pa siya sa likod at ibinalik din agad ang tingin sa table namin na para bang nababadtrip.
"Like, ano bang iniisip nila para pilitin nilang ipaalam sa atin ang ugnayan nila ni Defense. Anong gusto nilang mangyari?" Sabi ni Path na halatang naiinis.
"Akala siguro nila big deal. Hindi na tayo mga bata para maging immature sa lahat ng bagay!" Sabi ni Cosma.
Nagulat din ako kanina. Wala sila sa lugar para sabihin sa kahit na sino ang tunay na pagkatao ko. Kahit timing man lang sana kung hindi siya makapaghintay sa tamang panahon.
"Baka gusto nilang magagalit tayo kay Shield kasi anak siya ni Defense," sabi ni Acero at umiling.
"Kung magagalit man tayo, bakit kay Shield? Sira ulo ba sila?" Sabi ni Path.
"Lower your voices," saway ni Crest.
Nagpatuloy lang ang backstabban na nagaganap. Halos murahin na nga nila sila. Sino ba kasi ang mga iyon?
"Akala mo naman may mga napatunayan na. Eh, hindi man lang natin marinig ang team name nila, sa academy man o sa labas," pabulong na sabi ni Path.
Natawa na lang tuloy kami dahil sa sinabi niya. Tama naman siya. Ni hindi ko pa nga alam na may teams pala na Alpha at Icon kung hindi ko pa sila nakita ngayon.
BINABASA MO ANG
The Halfblooded Warrior
Teen FictionShield, a simple-looking girl but a tough one inside. Transferred to an extraordinary school called Twilight Academy. Be with her and and unlock the secrets of her mysterious family.