Chapter 75 - Accident

79 7 0
                                    

Fuck, ang sakit ng ulo ko. Bakit wala ako sa kwarto ko?! Teka, kwarto 'to ni Mommy, ah? Ang alam ko ay doon ako sa kwarto ko dumiretso. Bakit ako narito ngayon?

Dali-dali akong lumabas at bumalik sa kwarto ko. Diretso ligo na ako para mahimasmasan ako. Ang naaalala ko lang naman kagabi ay pagkatapos akong ihatid nina Ate Mega ay dumiretso na ako sa kwarto at natulog.

Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay bumaba na ako. As usual, nasa kusina na naman si Tito, nagluluto ng bacon.

Ang pinagtataka ko lang ay meron dito sina Repulse at Sir Raven. Tumutulong sila sa kusina. Anong ginagawa ng dalawang 'to rito?

"Morning, Lex," bati ni Tito nang makita niya ako.

"Morning, Tito. Bakit po ako nasa kwarto ni Mommy kanina?" Tanong ko.

Dire-diretso lang ako sa kusina at hindi pinansin ang dalawa. Magtitimpla lang naman ako ng kape.

"You almost killed a Sinister while you were drunk, last night. How did you do that?" Tanong ulit ni Tito.

Ano? Anong 'almost killed?!' Tapos Sinister?

Bigla kong naalala 'yong nangyari kagabi. May babae kasing biglang lumitaw galing sa bintana ko. Akala ko akyat-bahay, Sinister na pala.

"Huh? I just slapped her!"

"She doesn't look like she was just 'slapped.' What did you do?"

"I slapped her... what?" Inaalala ko tuloy kung ano pa ang nangyari. Sa sobrang hilo ko kagabi ay hindi ko na rin maalala kung ano ang pinaggagagawa ko.

"Alright. But slapped her with what? Her face has a huge bruise," sabi niya.

Ah! Naalala ko na! Meron kasi akong gamit na laging nasa bag ko. 'Yong brass knuckes. 'Yon 'yong sinusuot na parang bakal sa may kamay mo, panuntok. Basta 'yon.

"Oh! I used my brass knuckles, Tito. It came handy," sagot ko at tumaas-baba ang kilay.

Pagkatimpla ko ng kape ay doon muna ako sa likod. May tambayan ako sa likod ng bahay, eh. Doon ako madalas kapag bored na ako sa kwarto.

Habang nakatambay ako ay chineck ko na rin 'yong GC. Halos 2:30 AM na rin pala sila nakauwi. Nagsend pa si Ate Nomi ng picture nina Ate Cali at Piso na bagsak na sa kama. Mataas naman na ang alcohol tolerance ng iba kaya medyo alam pa nila kung anong nangyayari sa paligid nila.

Mabuti naman at buo pa silang nakauwi. Bilib din ako kay Ate Mega, eh. Nilabanan niya 'yong tukso ni Ate Nomi na uminom nang marami. Alam niyang sa kaniya nakasalalay ang pag-uwi namin, eh.

"Boy, tara court!"

Ang aga-aga, laro ang nasa isip. Pero, okay lang naman. Matagal na akong walang physical activity na ginagawa.

Tiningnan ko lang siya at nakabihis na siya ng panlaro. Ang bilis namang magbihis nito.

"Laro badminton," sabi niya at pinakita sa akin sa dalawang raketa. May hawak na rin siyang shuttlecock.

Sinabihan ko siyang uubusin ko muna itong kape at magbibihis din ako. Na-miss ko ring maglaro. Wala naman kasi akong ma-ayang kalaro dito.

Sinamahan niya lang ako sa tambayan at paminsan-minsang dinadaldal. Sa ngayon ay normal conversation lang about life. Hindi pa niya ipinapasok ang topic tungkol sa family namin.

Naubos ko na ang kape kaya pumasok na ulit ako sa bahay para hugasan ang tasa ko. Inaya na rin naman akong kumain ni Tito pero sinabi kong mamaya na lang ako kakain, sabay na lang kami ni Repulse pagkatapos maglaro. Hindi naman siguro kami magtatagal doon.

The Halfblooded WarriorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon