"Are you okay?"
Kanina ko pa nararamdaman ang sakit ng puson ko. Anong petsa na nga ba ulit?! Napaka-wrong timing naman nitong dugo ko!
"Sir, pwede po bang mag-stop sa gas station?" Medyo makapal na tanong ko.
Alam kong hindi pa nagi-start, pero nararamdaman kong magkakaroon na ako maya-maya. Wala pa naman akong baon na pads, which was my mistake.
"Yeah, why?" Tanong niya.
Paano ko ba ito sasabihin? Nahihiya ako! Maiintindihan naman siguro niya ako. Hindi lang naman ako ang babaeng nakasama niya buong buhay niya.
"Red days po," mahinang sabi ko.
Hindi na nga ako makatingin sa kaniya dahil sa hiya. Hindi ko alam kung paano siya magre-react. Hinihintay ko na lang ang sasabihin niya.
"Oh, right," sabi niya lang kaya napatingin agad ako sa kaniya. "Do you want me to buy you pads?" Tanong niya pa.
Feeling ko ay namumula na ako sa sobrang hiya. Kung outgoing lang siguro ako ay binibiro ko na si Sir, kanina pa.
Paano kaya ginagawa iyon nina Cosma at Path, pati nina Kean at Wreck? Talagang extrovert lang ba sila? May mga introvert namang kayang makipagbiruan sa iba, pero nakaka-intimidate kasi si Sir Raven.
"Ako na po," sabi ko na lang. Meron naman silang sanitary pads sa convenience store ng mga gas stations.
Napatingin na lang ako sa daan at umaasang may malapit na gas station. Pagkatapos ng ilang paghihintay ay may nakita na rin kaming gas station kaya kinuha ko na ang bag ko dahil nandoon ang wallet ko.
Nag-park na muna siya sa tabi bago siya tumingin sa akin. "Do you want me to accompany you?"
"Hindi na po," sagot ko.
Hinintay ko lang ang sasabihin niya bago ako lumabas sa sasakyan. Ayaw ko namang may masabi siya sa akin kapag umalis na lang ako kaagad.
"I'll go to the nearest drugstore," sabi niya at binuksan na ang pinto.
Lumabas na rin ako at bigla akong na-conscious sa sarili ko. Tumalikod ako sa sasakyan tsaka lumingon para makita kung may stain ba ako.
Mabuti na lang at wala. Ginawa ko pa talagang salamin ang mamahaling sasakyan ko.
Pero nagtataka ako kung anong kailangan niya sa drugstore. Masakit na ba ulo niya? Wala pa nga akong ginagawa!
"Dito lang po ako sa convenience store," sabi ko at itinuro ang nasa harapan.
Tumango na si Sir kaya nauna na ako. Pagpasok ko ay pumunta ako sa gilid at tama nga ako't naroon ang mga pads. Ang pangit naman kung idi-display nila ang sanitary pads sa harap, 'di ba?
Kumuha na rin ako ng maiinom namin, juice, soft drinks at tubig. Pati na rin mga pagkain na pwedeng mapulot.
Pagkatapos ay pumunta na ako sa cashier at binayaran na ang mga pinulot ko. Humabol pa sa paningin ko ang mga candy na naroon kaya ipinadagdag ko na iyon.
Kinuha ko na ang mga pinamili ko pagkatapos at sakto rin ang pagdating ni Sir kaya hindi na ako mamo-mroblema pa sa paghihintay sa kaniya para lang mabuksan ang sasakyan.
"Sir, restroom lang po muna ako," sabi ko sa kaniya pagkalapag ko sa paanan ng seat ang mga pinamili ko.
"Go," sabi niya lang.
Ibinulsa ko muna ang pad bago ako maglakad papuntang restroom. Mabuti na lang talaga at malinis ang restroom nila. Mabilis kasi akong mandiri, magiging choosy talaga ako, lalo na sa mga cr.
BINABASA MO ANG
The Halfblooded Warrior
Teen FictionShield, a simple-looking girl but a tough one inside. Transferred to an extraordinary school called Twilight Academy. Be with her and and unlock the secrets of her mysterious family.