Chapter 87 - Past

23 5 0
                                    

"How?"

Huh? Hindi pa ba niya kilala si Mommy? I mean, hindi pa ba sila nagkikita sa personal? Pareho silang galing dito sa Twilight Academy, 'di ba?

"She visited a construction site in Canada. She said she's expanding her business, Hiraya Medical Center is being built in Canada," sabi lang ni Mutant Sky. Umupo rin naman siya sa malapit na bench sa 'min.

Pumagilid na rin muna ako dahil nasa gitna ulit ako ng daanan kanina. Ganoon din naman ang ginawa nina Tita Tifanny at Unit Frey.

"Kailan pa siya pumuntang Canada, Pa?" Tanong lang ni Tito.

"Malay ko. Ang alam ko lang, nagkita kami roon sa isang kainan malapit sa site. Akala ko nga patay na siya. Nagulat na lang ako noong may kumakain sa table na nasa harapan ko," pagkukwento niya.

"Paano mo nalamang siya 'yon? 'Di ba umalis ka na bago pa makumpleto ang Titans?" Tanong naman ni Unit Frey.

Oh? Pwede naman pala iyon. So, 'pagka-graduate ba namin ay pwede na rin akong umalis at pumunta sa kabilang mundo?

"Umalis lang ako ng academy at nag-focus sa sarili ko. I'm still familiar to the younger Masters' names," sagot ni Mutant Sky.

"Paano mo nalamang siya iyon? Hindi mo pa naman siya nakita sa personal noon," sabi naman ni Tita.

Ah, okay. Naalala kong Units nga pala ang naging instructors ng Titans. Hindi na sila naabutan pa ng Mutants.

"She initiated the conversation. Hindi ko alam kung pakitang-tao lang ba siya o talagang mataas ang respeto niya sa akin. Pero magaan naman ang loob ko sa kaniya noong nag-usap kami. Hindi ko lang alam kung bakit ayaw niyo siya."

Kilala na siya ni Mommy kahit na hindi pa sila nagkikita. Baka napag-aralan din nila ang Mutants sa History?

Pinag-aaralan nga namin ang mga higher batches ng Masters, eh. Ang huling lesson namin doon ay ang Units.

"Sila lang, Pa," pagdedepensa ni Tito sa sarili niya.

"Right. Gofer ka nga pala niya," sabi ni Mutant Sky at tumawa.

"You can say that," sabi lang ni Tito. "Pa, ihahatid ko muna ito sa dorm nila. Diretso na rin naman ako sa bahay mamaya," paalam niya.

"Yeah, sure," sabi lang ni Mutant Sky at tumingin sa Units. "Where are you both heading?" Tanong niya sa kanila.

"Headquarters, kuya," sagot ni Tita.

"Sabay na ako. Kwentuhan niyo na rin ako para matuwa ako," sabi ni Mutant Sky na tinanguan lang nilang dalawa.

"Bata, diretso pahinga," sabi ni Tita sa 'kin. "Malaman ko lang na gumala ka na naman ngayong araw, kawawa ka sa 'kin sa training," pagbabanta niya pa.

"Opo," sabi ko na lang.

Pinaandar ko na ang wheelchair at sinabayan naman ako ni Tito. Hinatid talaga niya ako hanggang sa dorm namin. Nagpaalam lang din naman siya sa nagbabantay at sinabing ihahatid niya lang ako hanggang sa fourth floor, doon kasi ang dorm namin.

Nag elevator na kaming pareho at doon niya sinabing literal na tatay-tatay'an niya si Mutant Sky. Kung paano niya siya inalagaan kahit na minsanan lang umuwi si Mutant Sky sa bahay nila.

Sinabi nga kasi nila kanina roon na umalis si Mutant Sky noong tapos na ang trabaho niya as an instructor. Umalis lang din siya bago pa mabuo ang Titans. Iyon pala ay lumipat na siya sa kabilang mundo.

Iniwan niya raw ang bahay niya kay Tito. May kasambahay naman daw sila at siya ang kasama niya habang lumalaki siya. Friday to Sunday naman daw umuuwi si Mutant Sky para kay Tito.

The Halfblooded WarriorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon