Chapter 66 - Surprise

53 7 0
                                    

"Sir, sorry po talaga."

Natapos ko nang ikwento sa kaniya ang nangyari sa akin. Hindi ko rin naman pwedeng i-cut ang pagpuslit ko sa forest dahil wala na akong ibang maisip na palusot kung bakit ako nagkasugat.

Meron din naman si Tito na sisita sa akin kapag nagsinungaling ako. Hindi ko rin naman sinama si Repulse sa usapan. Gusto ko silang makitang magulat mamaya. Sigurado naman akong bibisita ang isang 'yon dito.

Speaking of Repulse, rinig ko na ang boses nila Cosma na papalapit sa kwarto ko. Naka-abang lang din sina Sir sa pinto at talagang nakatitig na siya roon. Parang nakakaramdam na yata.

"Ano ulit sabi ni Sir kanina?" Rinig kong sabi ni Cosma habang tumatawa.

"Sabi niya, 'Shield, hanapin mo nga si Repulse,' raw!" Rinig ko namang sagot ni Path.

Wala talagang pinipiling lugar! Kahit ang tawa ni Repulse ay rinig na rinig ko. Hindi ko tuloy alam kung mahihiya ako o ano.

Kunatok muna sila bago nila buksan ang pinto. Huling pumasok si Repulse at muntik pa akong matawa dahil palikod siyang naglakad papasok sa kwarto.

"Good morning, Sir! Good morning, Kuya Hurt!" Bati nila.

Palihim tuloy akong napa-irap at inaabangan ang gagawin ni Repulse. Talagang slow-mo pa siyang umikot at halatang nanti-trip na naman.

"Hello po! Good morning po!" Bati niya. Kumaway pa siya.

Kita ko ang pagkagulat nila Tito at Sir nang makita si Repulse. Napailing lang ako habang nagpipigil ng tawa.

"Get out, Repulse," mahinang sabi ko.

"Anong ginawa ko sa 'yo?" Naka-pameywang na sabi niya.

"Ginugulo mo ang pahinga ko," sabi ko lang. Dinagdagan ko pa iyon ng irap pero tinawanan niya lang ako.

"Huh?"

"What?"

Ngayon lang din nag-react sina Sir kaya hindi na napigilan ni Repulse ang tawa niya. Hindi ko naman siya masabayan kahit na gusto ko dahil nararamdaman kong mas humahapdi 'yong burn ko.

"Ang sakit mo na talaga, Shield! Hindi mo man lang ako nagawang ikwento sa kanila!" Kunwaring nagtatampong sabi niya.

Hindi ko na siya pinansin at tiningnan ko sina Path at Cosma na naroon lang sa gilid, nakatingin kay Tito. Ano ba 'yan?!

Kinuha ko lang ang unan ko tsaka ko binato sa kanila. Nagsisi pa ako kaagad sa ginawa ko dahil parang na-stretch 'yong skin sa bandang burn ko.

Tumingin lang ulit ako sa kanila at nakitang nakatingin na sila sa akin. Mukhang nasalo rin ni Cosma ang unan dahil hawak niya naman iyon.

Lumapit lang siya sa akin tsaka ibinalik ang unan. Nakiupo na rin siya sa bandang paanan ko kaya masama ko siyang tiningnan.

"Gawin mo ulit 'yong introduction mo!" Sabi ni Path kay Repulse.

"Good morning po! I'm Repulse, Shield's sister. And yes po, magkamukha po kami kasi kambal po kami. Hindi ko po alam kung sino ang mas matanda since kailan lang po kami nagkita. Any more questions po?"

Hindi alam kung sino ang mas matanda? Well, ako rin naman. Pero, base sa mga na-kwento sa akin nina Mommy ay feel ko, mas nauna siya sa akin. Or... ewan!

"Who's your mother?" Tanong ni Sir.

Tiningnan ko si Tito na para bang napatulala lang. Halatang hindi niya rin alam ang tungkol kay Repulse.

Gaya nga ng sabi ni Sir Night dati, my mother is full of secrets and her secrets are revealed randomly. Hanga lang ako sa mga nakakaalam na may kapatid ako dahil hindi man lang nag-leak ang information na iyon.

The Halfblooded WarriorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon