Chapter 10 - PE

159 13 0
                                    

"Cosma, bilisan mo! Huwag ka ng mag-ayos diyan dahil paniguradong magugulo rin 'yan!"

Mabilis na natapos ang lunch at ikang minuto na lang ay magsisimula na ang klase namin sa PE. Nagbihis na rin ako, suot ang PE uniform namin.

Hinihintay na lang talaga namin si Cosma para makaalis na kami nang sabay-sabay sa dorm. Tinanong ko pa nga si Path kung iniiwan niya si Cosma, sabi niya naman ay madalas. Ayaw niya kasing ma-late.

Mukhang may kasama na si Cosma na male-late. Sino? Siyempre, ako! Wala pa naman akong pagpapahalaga sa oras. Iyon ang palagi naming pinag-aawayan ni Mama. Lagi akong nale-late sa training kaya mag-aaway muna kami bago niya ako parusahan.

Since maaga pa naman ay napagpasyahan naming hintayin na lang siya. Thirty minutes pa naman bago magsimula ang klase. At isa pa, malapit lang ang PE room dito sa dorm namin. Ang Combat Zone naman ay malapit sa dorm ng boys.

Umupo muna ako sa sala habang si Path ay nagpunta sa kusina. Rinig ko pa ang pagkuha niya ng baso at pagbukas ng ng ref.

"Shield!" Tawag niya sa akin mula sa kusina.

"Oh?"

"Gusto mo juice?"

"Sige."

Umayos lang ako ng upo habang hinihintay ko silang dalawa. Wala naman na yata akong nakalimutan. Nakatali na rin ang buhok ko para hindi iyon sagabal para sa mga posibleng mangyari mamaya.

Naramdaman ko na ang presensya ni Path kaya napatingin ako sa kaniya. May hawak siyang dalawang basong juice at ibinigay sa akin ang isa. Kinuha ko na iyon tsaka nagpasalamat. Ang bagal kasi talaga kumilos ni Cosma. Nadedemonyo tuloy ako para sa mga susunod na araw.

"Nag-aayos ka rin ba?" Tanong niya pagkaupo niya sa sofa na nakapwesto sa harapan ko.

"Hindi masyado. Powder at konting tint lang."

Ayaw ko kasing nagpapakita sa mga tao nang hindi presentable. Isama mo nang kabilang ako sa mga Masters. Nakakahiya naman kung mukha akong sabog na palakad-lakad sa campus.

Ilang minuto pa ay napatingin kaming pareho kay Cosma na lumabas na sa kwarto. Nakahinga pa kami ni Path nang maluwag tsaka ako tumingin sa orasan.

"Tara na. Fifteen minutes," sabi ko sa kanila.

Nauna nang lumabas si Path na sinundan naman namin ni Cosma. Nag-uusap silang dalawa habang ako ay nakasunod lang sa kanila. Hindi ko rin naman sila masabayan kasi hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila.

"Marunong ka bang lumaban, Shield?"

Marunong? Syempre. Ikaw ba naman turuan lumaban pagtapak mong sampung taong gulang. Hindi na nga ako pinasok ni Mama sa karate at taekwondo classes dahil siya na mismo ang nagturo sa akin.

"Hindi masyado. Mahina ang katawan ko. Mabilis lang akong napagod," sabi ko, which is totoo naman.

Isa iyon sa gustong ayusin ni Mama, pero ayaw talagang makisama ng katawan ko. Kadalasan ay nahihimatay na lang ako sa sobrang pagod. Hindi ko naman kayang labanan at ipilit ang kakayahan ng katawan ko.

"Patay tayo riyan," sabi ni Cosma.

"Bakit?"

"Makikita mo mamaya."

The Halfblooded WarriorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon