"And five, six, seven, and switch!"
Last day na ng rehearsals namin ngayon at fina-finalize na lang namin 'yung performace namin as a whole, lahat ng teams.
Buti na lang din pala at nakakasabay ako kasi ang tatalented nilang lahat. Kada-break din namin ay nagpapasama ako kina Blank o Cosma sa canteen para bumili ng tubig. Ang dami ko na ngang boteng naipon sa tabi.
"Very good, Shield! Swabe lang dapat!" Sigaw ng choreographer.
Puro praises ang ginagawa niya sa kung sino ang nakikita niya. Hindi ko nga alam kung tama pa ang nangyayari dahil wala siyang pinapagalitan, kahit isa ay wala. Hindi iyon normal sa isang practice, lalo na sa sayaw.
Nang matapos kami ay nagpalakpakan ang lahat dahil hindi kami nagkamali sa last practice namin. Sinabi na rin naman ng choreo namin na okay na kaya nagpaalam na rin siya.
"Shield," rinig kong tawag ni Acero kaya napatingin ako.
Sinenyasan niya akong lumapit sa kaniya na kaagad ko namang ginawa. Naging close kami after nung unang practice namin para sa intermission number. Hindi ko rin alam kung bakit. Nabawasan na rin naman ang hiya ko sa kaniya.
"Hoy! Maghiwalay nga muna kayong dalawa!" Sita ni Blank sa amin pero hindi namin siya pinansin.
Lumapit pa siya sa amin tsaka hinawakan kami pareho para paghiwalayin kami pero mahina ko lang siyang tinulak palayo. Tinawanan lang din siya ng mga kasama namin, kahit si Acero. Papansin naman kasi!
"Ay, ayaw maghiwalay," parinig pa niya kaya inirapan ko siya bago sumunod kay Acero.
Nasa sulok lang kami at hindi ko pa rin alam kung bakit niya ako tinawag. Hinihintay ko lang ang sasabihin niya habang umiinom ako ng tubig.
"May nadiscover akong book sa library na nasa restricted section din. Pwede mo bang isabay?" Pabulong na sabi niya.
Kumunot lang ang noo ko tsaka ako tumingin sa kaniya. Hindi naman niya ito gagawin kung hindi siya interesado sa libro na sinabi niya.
"Yeah. Title?" Tanong ko.
"All About Sinisters."
Tinaasan ko tuloy siya ng kilay habang nakakunot-noo. Bakit siya interesado sa librong iyon? Pati tuloy ako ay nagiging interesado na.
"Sinong author?" Tanong ko.
"Your mother," sabi niya.
Okay? Interesado na talaga ako. Ano kayang sinulat niya roon tungkol sa Sinisters at gustong ipakuha sa akin ni Acero.
"Huh? Saan mo nalamang may ganon?"
"Nasilip ko sa computer ng librarian."
Oh? Ang lakas naman ng mata nito at nakuha niya pang mabasa ang nasa computer ng librarian. Hindi ko pa naman kasi alam kung saan ang library kaya hindi ko pa alam kung saan pwedeng dumaan-daan.
"Should we call Gray?" Tanong ko.
Pareho naman yata naming hindi alam kung nasaan ang restricted section. Baka mamaya may basement or nakatagong something papunta sa section na iyon.
"Yeah. I think he knows where the restricted section is located," sabi niya.
Tumingin ako sa likod at nakitang nakatingin sila sa amin na para bang binibigyan nila ng malisya ang pag-uusap namin. May paturo-turo pa silang nalalaman.
Kahit ang Alphas at Icons ay nakisabay na rin. Tinigil na rin pala nila ang pagbi-bring up sa usapang Defense. Nakaramdam na siguro silang nakakairita na kapag nanggagaling sa kanila ang kung ano-anong mga salita tungkol sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Halfblooded Warrior
Roman pour AdolescentsShield, a simple-looking girl but a tough one inside. Transferred to an extraordinary school called Twilight Academy. Be with her and and unlock the secrets of her mysterious family.