Chapter 26 - Sports

107 9 0
                                    

"Calling the Icons and the Lethals to please proceed inside the library for your chess game. Thank you!"

Napatingin na lang ako sa mga kasama ko nang marinig ang announcement mula sa speakers na nakapalibot sa buong campus. Napatawa na lang sila bago sila maglakad kaya sumunod na ako.

"Alphas ang champion ng chess last year, 'di ba?" Tanong ni Cosma habang naglalakad kami.

"Oo. Icons ang second place," sabi ni Gray.

"Dalawang lalaki at dalawang babae lang naman ang kailangan doon," sabi ni Wreck.

"Shield, marunong ka ba? Hindi ko kasi maintindihan ang chess kahit ilang beses akong turuan ni Path," sabi ni Cosma.

"Marunong naman kahit papaano," sabi ko.

I play sports. Tinuruan ako nina Mama, Tito Bry at Tito Note kaya alam ko ang mechanics ng karamihan ng games. Particularly, indoor games. Minsanan lang kasi ako sa outdoor games, volleyball lang ang master ko sa outdoor.

"Kasali ka sa chess noong intrams, 'di ba?" Tanong ni Acero.

"Oo."

"Panalo?"

"Champion," sagot ko.

"Iyon naman pala!" Sabi nina Path.

"Hindi naman sila marurunong noon. Ang boys lang ang may magandang laban sa chess tuwing intrams," sabi ko sa kanila.

Totoo naman. Parang namimili na lang sila ng mga marurunog sa chess noon para lang may representative ang section nila. Wala namang strategies na ginagawa.

"Kayo na lang ni Path," sabi ni Cosma na tinanguan ko na lang.

Kinakabahan na ako, bakit ganon? Event lang naman ito pero bitbit ko na ang pangalan ng Lethals. Ayaw ko namang matalo nang walang kalaban-laban.

"Sino sa inyo?" Tanong ni Path sa boys.

"Crest at Acero," sagot ni Wreck.

Pagdating namin sa library ay nakita namin sina Ate Tally at Ate Katana na kalaban ang Alphas. Sa kabilang table ay ang boys ng Vixens at ang boys ng Alphas.

Tinawag na kami at itinuro ang isang table roon at nakapwesto na ang Icons. Sinabi na rin nila kung sino ang makakalaban namin at ang naitapat sa akin ay si Tita Layer.

"Hello, Shield," bati niya pagkaupo ko.

"Hi po, Tita," bati ko rin tsaka ako ngumiti.

Tiningnan ko ang setup namin at ako ang black piece. Wala ring clock sa tabi namin kaya walang pressure.

Sinabihan na rin kaming magsimula na kaya nauna na siyang magmove. Gusto ko na lang matawa sa sarili ko dahil nanlalamig ako.

Sa larong ipinapakita niya sa akin ay masasabi kong malayong mas magaling si Mama sa kaniya kaya kampante akong matatalo ko siya. Ang daling basahin ng mga gusto niyang gawin.

Tumingin ako sa kabilang board kung saan naglalaro si Path. Malapit nang maubos ang pieces niya, mabuti na lang at meron pa siyang queen. Pwede pang mabaliktad ang laro nila.

Tumingin din ako sa board ng boys at halatang malaki ang lamang ni Acero, malapit na nga niyang ma-checkmate ang kalaban niya. Nakikita ko na.

Si Crest naman ay mukhang nag-aalanganin. Matatalo na nga siya dahil may nakita akong butas. Kapag nakita iyon ng kalaban niya ay tapos na ang laban nila.

Ibinalik ko na ang atensyon ko sa laro namin at konti na lang pala ay mananalo na ako. Magandang tapusin ko na ito habang maaga pa. Gusto ko pang manood ng ibang laro.

The Halfblooded WarriorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon