Chapter 33 - Scolded

106 9 1
                                    

"Duguan, ampucha! Anong nangyari sa iyo?"

Iyon kaagad ang bungad nina Path nang makapasok ako sa dorm. Naroon din si Acero pero parang wala siyang pakialam. Nagbabasa lang siya habang kumakain doon sa dining area.

"Nakita ko na siya."

Nagsimula na naman akong maging emosyonal, pero hindi sa malungkot ako. Naiyak ako sa sobrang tuwa.

"Sino? Hoy, bakit ka umiiyak?" Tanong ni Path.

Lalapitan pa nga sana niya ako pero lumayo ako. Duguan pa rin ako kaya hinatid na ako ni Doc Vein hanggang sa dorm para mabawasan ang titigan ng mga nagkalat na schoolmates ko.

"Nakita ko na si Defense," sabi ko sa kanila kaya napatingin sila sa akin.

Gusto nilang kwentuhan ko sila pero sinabi ko lang sa kanilang maliligo muna ako dahil ang lagkit ko na. Kinuha ko na ang towel ko at nagsimula na akong maligo.

Mabuti na lang talaga at may dala akong Ultimate Healing Potion. Kung wala iyon ay sigurado akong matatagalan na naman ako sa Med Cen.

Kamusta na kaya siya? Hindi ko man lang siya nakilala bilang Defense. Nakita ko lang naman siya, pero okay na rin iyon. Naiintindihan ko naman.

Sana okay lang ang siya roon. Mukhang wala naman problema ang Titans sa kaniya. Hindi naman nila siya sinaktan noong naroon pa ako.

Dumiretso na ako sa closet namin para makapagbihis na ako. Lumabas na rin ako at nakita kong naghihintay sila.

"Saan ka ba na naman nagpunta?" Iyon kaagad ang tanong nila. Naalala kong ipinaalam ko nga palang sa gazebo ako pupunta.

Sinimulan ko ang pagkukwento ko sa paglabas ko sa main gate. Nakikinig lang din naman sila at paminsan-minsang nagrereact.

Naaawa nga sila roon sa babaeng nanakit sa akin pero alam naman nila ang ugali ng mga Sinisters. Sinabi nilang walang sinasanto ang kahit na sinong Sinister kaya talagang nakakatakot sila.

"Hindi ka pinagalitan nina Sir?" Tanong ni Cosma.

"Hindi. Dapat hindi," sabi ko.

Dapat talaga hindi. Kundi dahil sa akin ay hindi pa nila makikita si Defense. Hindi nila makukumpirma na buhay pa talaga siya. Hindi pa nila siya makakausap.

Wala na akong P.E uniform. Alam ko namang hindi na matatanggal ang mantsa nito dahil natuyong dugo na. Bibili na lang ako ng bago.

Tinanong ko lang sila kung saan pwedeng bumili pero sabi nilang sasamahan na lang daw nila ako bukas. Gumagabi na rin kasi.

Sa labas na rin kami kakain kasi hindi kami nakapag-grocery kahapon. Bukas ay ang boys na lang daw ang bibili ng groceries namin, bibigyan na lang daw nila sila ng listahan. Sa akin daw kasi sila sasama bukas.

"Sunduin na lang ba natin sila?" Tanong ni Path.

"Ako na ang susundo. Saan ba tayo kakain?" Tanong ni Acero pagkasara niya ng libro.

Napansin kong nasa kalagitnaan na ang bookmark niya. Ang bilis niyang magbasa! Hindi pa ako nakakalayo sa librong 'Titans.' Kailangan ko na rin yatang magbasa-basa dahil alam kong hihiramin din ni Acero ang librong iyon.

"Ayaw ko sa canteen," sabi ni Cosma.

"Doon lang tayo pwedeng kumain. Hindi tayo pwedeng lumabas, week days," sabi ni Path.

Umalis na si Acero kaya ganon din kami. Naglakad na kami papunta sa canteen at nakitang marami-rami na rin ang tao.

Pumunta kami sa bakanteng table na pang-maramihan, 14-seater ito. Ito na rin lang kasi ang available na pang-maramihan kaya dito na lang kami umupo. Kung may maki-table man, eh 'di okay.

The Halfblooded WarriorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon