"Congratulations ulit!"
Binati ulit kami ng mga emcee bago kami bumaba ng stage. Kami ang nakakuha ng pinakamaraming awards. Talagang hinakot namin.
"Ang bigat sa leeg!" Reklamo ni Cosma.
Puro medalya kasi ang suot namin ngayon. Ako rin ang may bitbit ng trophy na napanalunan namin sa volleyball dahil ako naman daw ang parang captain nila roon.
Napagpasyahan naming bumalik na muna sa dorm para ilagay muna ang mga ito roon. Nakasalubong pa namin ang ibang teams na mukhang uuwi rin muna.
Nangangalay na ako. Parang sumasama na nga rin ang pakiramdam ko dahil sa sobrang pagod. Tuloy-tuloy na laro tsaka may sayaw pa. Nadrain ako.
"Susunod na lang ako sa event," sabi ko sa kanila pagpasok namin sa dorm.
"Bawal sa forest!" Sabi kaagad ni Path pagkatapos niyang tanggalin ang mga medalya niya at inilagay iyon sa closet niya.
Inilagay ko na lang din sa closet ang akin. Ang trophy ay iniwan ko sa sala para doon na lang iyon idisplay.
"Sa Med Cen ako," sabi ko lang.
Minsan lang naman ako napunta sa forest at hindi na iyon naulit pa. Tuwing humihiwalay kasi ako sa kanila parang alam na kaagad nila kung saan ako unang pumunta.
"Na naman?" Tanong ni Cosma na kalalabas sa banyo.
"Oo. Saglit lang ako roon," sabi ko at iniwan na sila roon. Baka magtanong pa, eh.
Bumaba na ako at naglakad na patungo sa Med Cen. Rinig ko pa rin ang nakakarinding rewrite the stars na iyan. Hindi ko alam kung bakit ako naririndi sa sariling boses ko pero nahihiwagaan ako sa boses ng iba.
Pagpasok ko sa Med Cen ay nagtungo kaagad ako sa nurses' station para hanapin kung meron ba si Doctor Vein o Doctor Spice.
"Tatawagin ko na lang po si Doctor Vein. Sa waiting area ka po muna," sabi sa akin nung nurse.
"Thank you."
Uupo na sana ako pero may nakita akong tinatakbo ng nurses na babae. Nakita ko na rin si Ma'am Variant na nag-aalala na. Nakita niya rin naman ako kaya nilapitan niya ako.
"What are you doing here?" Tanong niya at tumabi sa akin sa waiting area.
"I'm not feeling well. Magpapacheck-up lang po. Sino po iyon?" Tanong ko. Mukhang down na down kasi talaga si Ma'am Variant.
"That's Getaway, my daughter," sabi niya.
Getaway? Kung hindi ako nagkakamali ay siya ang ipinahanap ni Ma'am Variant sa mga pulis noong nakulong ako sa jail booth. Anak niya pala iyon.
"Ano pong nangyari sa kaniya?" Tanong ko. Mukhang mas bata siya sa akin ng ilang taon.
"Naabutan ko siya sa plaza na naghihingalo na. Sabi ng mga kasama niya ay Sinisters daw," sabi niya.
Sinisters? Sa plaza? Meron nga palang Sinister doon noon pero isa lang naman at kakaiba ang talent niya dahil sa akin lang siya nagpakita noon.
Noong pinabalik na kasi kami sa campus ay malinis na raw ulit ang plaza dahil nawala na sa sensors nila 'yung Sinister. Nakakapagtaka lang kung paano siya nakapasok.
May mga narinig akong yapak na palapit sa amin kaya napatingin ako sa harap. May tatlong babaeng naglalakad palapit. Mukhang kinakabahan pa sila nang tuluyan na silang makalapit.
"Ma'am, sorry po talaga. Hindi po namin kaya 'yung Sinisters na sumugod," sabi nung isa.
Sila pala ang tinutukoy ni Ma'am na kasama ng anak niya. Mukhang napalaban din sila dahil may mga pasa pa silang nakikita.
BINABASA MO ANG
The Halfblooded Warrior
Teen FictionShield, a simple-looking girl but a tough one inside. Transferred to an extraordinary school called Twilight Academy. Be with her and and unlock the secrets of her mysterious family.