"Itinigil na nila ang pagsugod."
Umupo si Ma'am Variant sa tabi ko at tiningnan ang kalagayan ko. Halos kalalabas ko lang din kasi ng Recovery Room kaya medyo masakit pa ang parehong kamay ko.
Tinanggal na rin kasi nila 'yong dalawang bakal sa palapulsuhan ko. Ang sabi sa 'kin ay halos apat na oras ang itinagal ng surgery ko.
"Huwag tayong pakampante. Mga soldiers na lang ang pagbantayin niyo sa lahat ng openings ng academy," sabi lang ni Dad sa kaniya.
Kumuha siya ng orange tsaka iyon binalatan. Akala ko ay para sa kaniya pero nagulat ako noong itinapat niya ang isang piraso sa bibig ko.
"Dad, I'm fine. I can eat by myself," sabi ko sa kaniya.
Hindi talaga!
Hindi ko nga kayang igalaw ang parehong kamay ko. Paano ako makakakain?!
Nahihiya lang talaga ako. Sa akin niya ibinubuhos ang oras niya kahit na parang kailangan na siya sa labas. Although, ayaw ko naman talaga siyang lumabas, lalo na ngayon, dahil delikado.
"How?" Hamon niya.
Sumimangot kaagad ako dahil sinabihan na nila ako kaninang huwag kong ipipilit kung hindi ko talaga kayang igalaw. Baka raw ma-pwersa at baka kung ano pa ang mangyari.
"Hindi ka nga makakakain kung hindi ka susubuan. Busy sina Mommy mo at Phenom Crank," sabi niya ulit.
"Fine," napipilitang sabi ko at kinain na ang orange na isinusubo niya sa 'kin.
Habang pinapakain niya ako ng orange ay nag-uusap din sila ni Ma'am Variant sa harap ko. Tungkol sa mga nangyari sa digmaan ang usapan nila.
Sobrang dami na raw ang nalagas sa 'min. Dinudumog na raw ang academy gate kahit na aware ang lahat na may digmaang nangyayari ngayon. Mga pamilya raw iyon ng mga nasawi, gustong makita ang katawan ng mga iyon.
"That's not on you," mahinang sabi ni Ma'am sa kaniya.
"I know," sabi ni Dad tsaka biglang napakain ng orange.
Hindi ko ma-imagine kung ano ang nararamdaman ni Dad ngayon. Siya ang presidente ng academy kaya feeling ko ay magagalit sa kaniya ang ibang pamilya ng mga namatay.
Ang bigat non para kay Dad. Hindi niya naman kasalanan. Sana ay hindi siya dumating sa point na sisisihin niya ang sarili niya dahil sa mga nangyari sa digmaang ito.
"I know that you know. I'm just reminding you," sabi lang ni Ma'am Variant.
"Thanks," sabi lang ni Dad at halata ang pagbuntong-hininga niya. "Ako na ang haharap sa kanila mamaya. You should go back to your family," sabi niya kay Ma'am.
"My family's safe at the headquarters. Ako na ang haharap sa kanila. Mas kailangan ka ng pamilya mo rito," sabi naman ni Ma'am Variant sa kaniya.
Napatingin lang sa kaniya si Dad at parang hindi pa alam kung ano ang sasabihin. Hindi ko na nga talaga alam kung anong nararamdaman ni Dad ngayon. Hindi ko mabasa sa mukha niya dahil lagi naman siyang mukhang seryoso.
"Thank you," sabi niya kay Ma'am Variant.
"I got your back," sabi lang ni Ma'am Variant sa kaniya tsaka niya mahinang sinuntok ang braso ni Dad. Nagpaalam na rin naman siya dahil aasikasuhin na raw niya 'yong mga nasa gate.
Ipinaubos lang ni Dad ang dalawang orange sa 'kin bago niya muling tanungin kung kamusta na ako. Nagpa-kwento rin siya sa 'kin kanina kung ano ang nangyari sa digmaan. Wala rin naman akong nagawa kundi ang magkwento, kahit na mahirap para sa part ko.
BINABASA MO ANG
The Halfblooded Warrior
JugendliteraturShield, a simple-looking girl but a tough one inside. Transferred to an extraordinary school called Twilight Academy. Be with her and and unlock the secrets of her mysterious family.