Chapter 53 - Video

78 8 0
                                    

[Pinagtitigninan tayo.]

Napairap na lang ako sa sinabi ni Kean. Obvious naman. Naka group video call kasi kami gamit ang phones namin.

May accessory namang binigay si Defense kanina para maikabit namin ang phones namin sa sasakyan at nagbigay din siya para sa mga naka-motor.

Nandito na kasi kami sa diversion road. Paglabas namin ng diversion ay baka kakain muna kami sa isang fastfood chain bago kami maghiwa-hiwalay.

Ang lakas kasi ng trip nga mga nagdi-drive. Magkakasunod kami sa iisang lane kaya mabilis kong mapansing biglang bumabagal ang pagkamamaneho ng mga nakakasabay at nakakasalubong namin para tingnan ang mga sasakyan namin.

Ang porma naman kasi! Ang gaganda pa. Sayang lang at wala pa akong lisensya. Ako na sana ang nagmamaneho nito ngayon.

Biglang pinindot ni Sir ang mute button sa phone kaya napatingin ako sa kaniya. Hindi naman niya in-off 'yung video namin.

"Would you mind telling me what you've read?" Tanong niya na ikinataka ko.

"Po?"

"Titans."

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at napatakip pa ako sa bibig ko dahil sa gulat. Paano niya nalaman iyon?! Na-block ko ang sensors!

"I know you have it," sabi niya lang.

[Hoy, Shield! Okay ka lang?]

[Oo nga. Anong nangyari sa 'yo riyan?]

Hindi ko muna sila pinansin sa call dahil hindi pa rin napo-process sa utak ko ang sinabi ni Sir. Imposible namang malaman niyang ako mismo ang kumuha non! Hindi ako na-detect!

"H-How?"

"I'm the President of the academy. No one can go through me," sabi niya at nakita ko ang saglitan niyang pagngiti.

For real? Nangyayari na ba ito ngayon? Ibig sabihin ba ay palpak ako?

"Am I i-in trouble po?" Kinakabahang tanong ko.

Nakita ko naman ang pagtango niya kaya bumagsak na ang balikat ko. Akala ko pa naman ay natakasan ko na iyon.

"You should be," sabi niya. "You'll be in detention for a week. All of you."

Ngayon pa lang ay iniisip ko na kung paano ang detention. Wala naman kasing detention-detention sa St. Isidore. Naalala ko pa ay ang detention daw ay ikukulong lang naman kami sa isang room.

"Sir, wala na po bang bawas ang one week?" Umaasang tanong ko.

Parang masyadong mahaba ang one week. Sa tinagal-tagal kong nag-aral sa academy ay bilang pa lang sa mga daliri ang mga klaseng pinasukan ko. One week pa lang ang alam kong kumpletong pasok ko.

"Wala na. Mas matagal pa nga dapat kasi matagal nang na sa 'yo ang libro," sabi niya.

Mas lalo tuloy akong nawalan ng pag-asa. Ang alam ko ay napunta ako rito para mag-aral, hindi para makaranas ng kung ano.

"I'm sorry," sabi ko na lang. "Alam din po ba nung librarian?" Tanong ko, nacu-curious ako kung paano niya iyon nalaman.

Imposible naman kasing biglaan na lang niyang alam na nasa akin iyon. Ang dami-daming estudyante sa academy na pwedeng kumuha ng mga libro mula sa restricted section.

"Yes," sabi niya.

Bahagya namang kumunot ang noo ko dahil doon. Ano iyon? Hinayaan niya lang akong makaalis na dala-dala ang mga librong kinuha ko?

"Pero hindi niya po ako sinita."

Pansin kong nag-smirk siya bago tumingin sa akin. "She did that on purpose and reported to me about that incident the following day."

The Halfblooded WarriorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon