Chapter 50 - St. Isidore II

75 9 0
                                    

"Hello! Guys, pakitawag na ang mga kasama niyo. We will start the event in ten minutes! Attendance will be checked by your advisers. Thank you!"

Nagpaalam muna kami panandalian kay Defense dahil hahanapin pa namin si Ate Krystal. Ibabalik pa namin ang susi, baka makalimutan pa.

Nahanap naman namin siya sa backstage at kausap niya ang mga handlers ng event. Halatang stressed na siya at parang may pino-problema.

"Bakit ngayon niyo lang sinabi? Alam na ba ni Ma'am Sheri ito?" Galit na tanong niya.

"Hindi pa. Hindi pa namin siya nakikita," sabi nung isang estudyante.

Mas lalong nagalit si Ate Krystal dahil kitang-kita ang pagsalubong ng kilay niya.

"Itanong niyo na kina Alex ang kakantahin nila para masabi na sa naka-assign sound system. Ako na ang magsasabi kay Ma'am Sheri."

Paglingon niya ay nagulat pa siya nang makita kami ni Titus. Nginitian lang din niya kami at halatang pinapakalma niya ang sarili niya.

"Sorry, may pupuntahan pa kasi ako. Sila na ang bahala sa inyo," sabi niya at nagbago pa ang tono ng pananalita.

Tumango na lang ako at iniabot sa kaniya ang susi. Umalis na rin siya kaya tumingin ako sa mga handlers.

"Ano pong kakantahin niyo?" Tanong sa amin nung babae.

"Way Back Into Love po," sagot ko.

Nagpaalam na siya sa amin at mukhang sasabihin na niya sa naka-assign sa sound system ang kakantahin namin. May lumapit pa na isa pang babae sa amin, may sasabihin yata.

"Nandito pa ang sinasabi nilang 'couple bracelet' niyo. Gagamitin niyo ba?" Ipinakita niya pa sa amin iyon.

"Sige," sabi ni Titus. "Hindi dapat iyan nawawala kapag nagpe-perform kami," sabi niya.

Ibinigay na niya sa amin ang bracelets kaya isinuot na namin iyon. Agaw pansin talaga iyon dahil may ilaw-ilaw effects siya at may pangalan din namin.

Isa rin ito sa mga nagdadala tuwing performance namin. Sa mga nakakakilala sa amin ay alam nila ang tungkol sa bracelet na ito.

"Pwede ba naming iuwi ito? Hindi na rin naman kami nag-aaral dito," tanong ko habang isinusuot ang bracelet.

"Sige lang. Sa inyo naman iyan," sabi naman niya.

Inayos ko lang konti ang sarili ko para kahit papaano ay magmukhang presentable naman ako. Mahirap na. Kilala pa naman ako ng ibang estudyante rito.

"Guys, ready na ba?"

"Ma'am An--" Napatigil ako bigla nang panlakihan niya ako nang mata. "Ma'am Jean," pagtatama ko.

Narito nga pala kami sa kabilang mundo. Muntik ko nang masabi ang code name niya.

"Yes, Ma'am," sabi ni Titus.

"Opo," sabi ko naman.

"Good. You're about to be called in 2 minutes," sabi niya at iniwan na kami.

Umalis muna kami sa backstage at agad na namataan sina Cosma at Path na naglalakad-lakad rito sa gym. Baka maikot pa nila ang buong campus niyan kung magtatagal pa kami rito.

Ang boys naman ay nandoon kay Kean. Mukhang pinapakilala niya sila sa mga kaibigan niya.

"Hala, Alex!"

Nagulat na lang ako noong may yumakap sa akin mula sa likod. Amoy pa lang ay alam ko na kung sino. Hindi na talaga siya magpapalit ng pabango.

"Shai!"

The Halfblooded WarriorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon