Chapter 91 - Heavy Feeling

13 3 0
                                    

"Crank, help her."

Napamulat ako kaagad dahil narinig ko ang boses ni Mommy sa tabi ko. Ramdam ko pa na hawak niya ang kamay ko. Ramdam ko rin na malamig ang mga palad niya.

Teka, nakatulog ba ako?

"Lex?"

Nakita ko ang sina Path, Cosma at Blank sa katabing kama ko. Nakaupo sila sa kama kung nasaan si Repulse. Si Mommy ay nasa kabilang side ng kama ko. Si Mama naman ay katabi rin niya.

"Huwag niyo akong iiyakan. Buhay pa ako."

Nagulat din ako noong sinabi ko iyon. Akala ko sa isip ko lang. Lumabas na pala sa bibig ko.

"Quit messing around," sita sa akin ni Mama tsaka ako sinamaan ng tingin.

Umiwas naman ako kaagad at hindi nakapagpigil na ngumiti. Pinapagaan ko lang naman ang atmosphere. Ang pangit na nga ng nangyari sa 'kin tapos ganito pa ang mararamdaman ko rito.

Tiningnan ko ang sarili ko at puro tahi na ang katawan ko. May mga bandages rin na nagtatago ng ilan sa mga sugat ko.

"No. Huwag ka munang gumalaw," sita naman ni Mommy at hinawakan ako para pigilan.

Gusto ko muna kasing umupo. Hindi ako komportableng nakahiga. Ang dami pang nakatingin sa 'kin. Nakakahiya.

"Dinala ka sa lab?" Biglang tanong ni Mommy.

Nagdadalawang-isip pa akong sumagot. Natatakot lang ako, baka kung anong magawa niya. "Y-yes," mahinang sabi ko.

Nagulat na lang ako nang biglang tumayo si Mommy. Natumba pa 'yong upuan dahil ang harsh ng movement niya.

Agad naman siyang hinarang ni Mama, pinipigilan siya sa kung ano mang gagawin niya. Nakakatakot si Mommy ngayon.

"Get out of my way, Crank," sabi ni Mommy kay Mama. Nakakaramdam na ako ng tension sa ward na ito dahil lang sa kanilang dalawa.

"I don't have time for this, Defense. Go back to your seat," sabi lang sa kaniya ni Mama at hindi gumalaw sa kinatatayuan niya.

Napatingin agad ako kay Repulse para sana makahingi ng tulong. Ni hindi ko nga alam kung kaya kong tumayo para lang pigilan si Mommy sa kung ano mang magagawa niya.

Lahat kaming narito sa ward ay nakatingin lang sa kanila. Halos lahat din kasi ng narito ay mga younger batches sa Titans. 'Yong mga higher batches naman na narito ngayon ay mukhang wala pang balak pumagitna kina Mommy at Mama.

"Move," sabi ulit ni Mommy pero hindi talaga nakinig si Mama. "I'm serious."

Nakita ko naman ang pagtayo ni Repulse at pumunta na rin dito kina Mommy. Kinakabahan na nga rin siya sa mangyayari.

"Mommy, tama na po," pagpipigil ni Repulse at hinawakan siya sa braso. Mahina niya na ring hinihila si Mommy pero ayaw niya talagang magpa-awat.

"Xyne, bitiwan mo muna ako," sabi ni Mommy. Halatang pilit niyang pinapakalma ang sarili niya para lang hindi niya masaktan si Repulse.

"Mommy, please?" Pakikiusap na ni Repulse.

Pinilit ko na ring tumayo para tulungan si Repulse. Hindi na kinakaya ng powers niya, eh. Hindi rin naman tumutulong itong mga nandito.

"Lex, huwag ka munang tatayo!" Sita Mama pero hindi ko siya pinakinggan.

"Stay there, Lex," sabi naman ni Mommy.

Umupo lang ako sa kama at mabuti nalang ay abot ko si Mommy. Hahawakan ko na dapat siya pero nagulat na lang ako dahil nakuryente ako.

Hindi ko na napigilang mapasigaw. Muntik na nga rin akong mahulog sa sahig, mabuti na lang at nahawakan ako nina Mommy at Repulse.

The Halfblooded WarriorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon