Chapter 14 : Greatest Wish Granted

220 7 0
                                    

BETH'S POV

TWO weeks na rin ang nakalipas matapos ang confrontation namin

Medyo naka-move on naman na ako, pero still, may mga naiwan pa rin sa king matinding sama ng loob sa kanya noh.

Dahil nga sa nangyari, hindi na talaga ako nagbubukas ng TV, o ng computer dahil for sure ay may matatanggap at may matatanggap pa rin akong update tungkol sa status nung halimaw na yun.

Ngayon, nagpapaka-busy na lang ako sa mga college applications ko.

Nakapasa na ko sa La Salle. Pero unfortunately, waitlisted pa ko sa Ateneo gawa ng maraming nauna sa kin sa napili kong course.

"Haay..."

"Sayang, sa Ateneo ko pa naman mas gusto." I thought, habang paulit-ulit binabasa ang status letter na natanggap ko kahapon.

"Pero 'di bale na. Maganda din naman sa La Salle, eh." sabi ko sa sarili ko. Star Scholar kasi ako roon.

Libre ang tuition, allowance at miscellaneous fees. Yun nga lang, hindi pumayag ang mommy na mag-dorm ako doon.

Hindi ko talaga maintindihan kay mommy kung bakit ganoon ang desisyon nya. Ang gulo ba.

Hindi rin excited si mommy noong binalitaan niya yun.

I can feel that there's something wrong with my mom. Lately kasi, she's been acting differently.

Parang meron syang gustong sabihin sa kin pero noong tinanong ko sya kung ano ang problema noong isang araw lang, ang isinasagot lang nya sa kin ay:

"Don't worry, anak. I'm fine. May mga inaasikaso lang akong mahalaga."

"Pero ma, iba ka eh. Ano po ba kasi yang inaasikaso niyong mahalaga? Dati-rati ini-inform niyo ko lagi."

"Basta anak. Trust me on this. I know what I'm doing. And I'm doing this for you. Sa takdang panahon, malalaman mo rin ang lahat."

"Hala? Big brother? Kayo po ba 'yan?" pagbibiro niya rito

"Basta... Pag naayos ko na'ng lahat, I promise you... I will give you the best birthday gift ever!" sabi nya with a mysterious smile.

At saka umalis na sya kaagad para pumasok.

"Birthday gift? What could it possibly be? Ipaghahanda ba niya ako ng engrande sa 17th birthday ko? Di ko pa naman debut ah."

~

FROM: Mommy

"NAK, uwi ka n ASAP. Importnte lng."

Text sa kin ng mommy ko. Nasa biyahe ako ngayon. Galing ako sa Ateneo. Nagbabaka-sakaling may nagbago sa status ko. Sayang kasi eh. Yun kasi ang mas malapit samin.

"Ano kaya yun? Bakit ASAP pa?"

Ang weird ni mommy.

"K po." I replied.

Hay nako, si mommy talaga. Baka problema na naman iyan.

Pagka-uwi ko,

"Mommy ano po ba yung importanteng--" sabi ko pero hindi na natuloy dahil may nakita akong bisitang nakatalikod.

May hawak itong tasa ng kape at tumitingin ito sa mga picture frames. Noong nagsalita ako, humarap na sya sa kin...

Dahilan kaya nabitawan ko lahat ng dala-dala ko.

"Daddy?!"

-----------------------------------

AUTHOR'S POV

The Revenge of the Former FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon