Part 2.5: The Reason

187 7 0
                                    

LANCE'S POV

-Flashback 6 years ago-

"OKAY, CUT!" Sigaw ni direk after nung eksena namin.

"Good take, everyone. Sige, packup na tayo."

Andito ako ngayon sa Tagaytay.

May shooting kami para sa bago bago kong music video.

Gumagawa ako ng revival/own slow version ko ng...

Ang title ng kanta?

"PAPARAZZI" lang naman...

Yup... Yan mismo yung kay Lady Gaga.

Gagawan ko lang ng sarili kong version.

Haay.... Of all the songs, bakit kasi kailangang eto pa..

It just reminds me of... HER.

I mean, it just reminds me of that girl...That crazy fan girl na alam nyo na...

Alam nyo ba kasi kung ano talaga yung reason kung bakit ako nagalit sa kanya?

Dahil nakita ko lang naman yung laman ng digicam nya.

Lahat puro pictures ko.

Nung concert ko.

Nung mga posters kong nakapaskil sa kwarto nya.

Meron pa syang unan na may picture ko.

What the hell diba?

Akala ko iba sya.

Akala ko for once, nakakilala na ako ng isang babaeng pakikisamahan ako without basing at my popularity.

She actually passed all the tests that I set to know her.

I loved her company so well.

Pero niloko lang pala nya ko...

And I was sooo stupid not to think that she got there, inside my dressing room because she was that persuasive ugly fan na nagpipilit matuloy meet and greet ko nung gabi ng concert ko.

Argh. I can't believe she made me believe na iba sya. She was such a great actress para tarayan ako at tumangging makipag holding hands sakin sa Star City.

If I know, gusto nya lahat yon, nagpakipot lang sya.

And what was I? Kapag iniisip ko ngayong ginawa ko yung pagiging sweet sa kanya noon, nandidiri lang ako.

What the heck was wrong with me? I told myself I would never settle for less!

AND THAT GIRL, was far beyond less. She was LEAST.

Hindi naman sya maganda., mukha pa syang nerd. Siguro nga, masyado lang ako nahumaling sa idea na first time kong magkaroon ng kaibigang wala sa showbiz at nakilala ako bilang ang totoong ako.

Pero after this incident, I don't think I would be able yo trust someone anymore... especially if that someone is going to be someone like her...

-End of flashback-

-PRESENT TIME-

Ano bang meron dito sa contract signing ng bano na bandang to? Bakit ba nagkakagulo mga tao.

Yeah. Pumunta ako dito sa contract signing ng Second Haven na to.

Ang corny naman. Mas mukha pa ata kong american sa mga to eh. Yung isa, siguro yun ang lead guitarist, madami pang tattoo. Di naman mukhang foreigner. Mukha namang pinoy.

"Uhm, good afternoon everyone." bati ni ms. Liza sa lahat.

"I was just hoping that may we all keep the news regarding this contract signing private until next week. The band is currently planning to take their summer break here in the Philippines for a while before starting their endorsement projects and the concert. Thank you."

Ayan. Mukhang patapos na. Nagtayuan na lahat. Tapos nadin mag picture taking.

I am now walking along the hallway when suddenly.

"Ano ba pre. Di ka ba natingin sa dinadaanan mo?"

Pagtingin ko kung sino, tss.

Yung bandang bano na yon.

Magkakasama silang naglalakad. Tapos ang nakabangga ko pa, yung babaeng kasama nila kanina kung saan panay ang lingon at senyas nung Tyler ba yon na bokalista ata. Mukhang Pinay yung bababe dahil medyo morena.

Nakatulala lang sya. Mukhang gulat yung mukha.

"Are you okay B-"

"I'm fine, Tij." sabi nung babae sa lalaki.

"Well. Are you just gonna talk? Do you mind not getting into my way?" I told them

Then the girl turned to me. Tumaas yung kilay nya then she smirked.

Anong problema nya?

"Huh. Di ka parin nagbabago Lance. Hambog ka parin talaga."

What the f.

Anong sinasabi nya?

"What? Who the heck are you? I don't know you. So why are you talking to me like that?"

"Hey-" akmang magsasalita ying Tyler para komprontahin ako. Pero pinigilan sya nung babae

"Tij." sabi nung babae tapos nagsalita ulit. She even crossed her arms in front of me

"Ang bilis mo naman makalimot Lance... Well.. sabagay, gasino lang naman yung 3 days na pagkikita natin noon diba para maalala mo ko?"

"What the hell, miss. Sino ka ba? Ano bang sinasabi mo?"

Nakatulala lang yung banda samin. Yung Tyler masama ang tingin samin parehas nung kasama nyang babae.

"Well.. alright. Sorry if I am being rude, so let's start over."

She offered her hand with a smirk on her lips.

"Hi Lance Mercado, it's nice to see you again. I'm Bethany Velasco."

I refused to take her hand. Bethany Velasco? Familiar. Pati yung mukha nya medyo familiar pero di ko maalala kung saan ko sya-

"I'm sorry miss but I don't-"

"Ay sorry, hindi pa nga pala yon ang pangalan kong alam mo nung nagkakilala tayo." sabi nya sabay binawi yung kamay nya para ilagay sa dibdib nya.

Then nilahad uli nya ying kamay nya

"Okay, ulit nalang... Hi LANCE..

Ako to, si Beth.. Or if you still don't remember, 'Ugly Beth-y' sounds more familiar, eh?"

WTF.

"B-Beth?"

"Yeah. Your crazy weird fan 6 years ago. Don't you remember me?"

I was stucked to where I was standing.

"Well. Mukhang kailangan mo munang alalahanin." sabi nya saka binawi yung kamay nya.

"We'll get going. Nice to see you again, LANCE."

Sabi nya saka nya hinatak yung Tyler. Sumunod nadin yung ibang kabanda nila.

Pakiramdam ko nililingon pa ko nung mga lalaki pero di ko sila nilingon.

Naiisip ko padin...

"Beth? Her? Same person? You've gotta be kidding me..."

The Revenge of the Former FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon