Part 2.33 : Day of the Wedding

152 7 0
                                    

Part 2.33 : Day of the Wedding

BETHANY'S POV

Nung isang araw, nareceive ko na yung package ng gown ko mula kay Jessie.

Grabe. Ang ganda ng gown ko. Haha. Color violet na off-shoulder gown with white and black sequence. Tapos binraid ni Louie ung buhok ko na parang paikot. French braid ba? Ah basta. Di ko alam tawag dito eh.

Tinawagan ko si Louie para ayusan ako dito sa condo.

Usapan namin ni Lance, susunduin nya ko ng 10am. Alas dos kasi yung wedding.

"Hello?!" I said annoyedly as I answered my phone.

("Ugh. Matagal pa ba?")

"Ano ba yan. Ang aga pa naman eh. Saglit nalang to." Sabi ko

"Oo nga fafa Lance. Wag ka mag-alala dahil worth the wait naman to. Promise! Haha!" Singit naman ni Louie

("Talaga lang ha. Bababa na ko.")

"Sige. Is-spraynet nalang naman. Baba ka na. 5 mins tapos na to."

("Sige.") He said as he ended the call.

"O ayan na madam. Super fabulous ka na. Haha!" Sabi ni Louie habang pinasadahan ng konting loose powder ang face ko with a brush.

*dingdong*

"Ay sakto. Ayan na si prince charming!" kinikilig na sabi ni Louie.

"Ako na magbubukas."

"Welcome prince charming." Sabi ni Louie sa kakarating palang na si Lance. Nakikita ko sa salamin.

Oh.my...

Napa-tulala ako. Ang gwapo nya. Naka-brush up pa yung brown nyang buhok tapos naka-tux sya na black.

Sobrang kinis ng balat nya. Para syang ken doll na kumikinang sa may pinto. Nakakunot nga lang ang noo nya. Haha! Naku, patay. galit na nga.

"Hey. What's taking you so long?" sabi nya in his usual Lance Mercado annoyed tone

I just rolled my eyes as stood up and faced him.

"Presenting princess Bethany. Haha!" Sabi ni Louie

Kita kong napanganga sya nang bahagya and he felt uneasy.

"Sooo... what can you say?" Sabi ni Louie

"Ah... uhm... maganda."  sabi nya na parang naiilang.

Tinignan naman ako ni Louie at tinaasan ng kilay.

"Ah.. thank you." Sabi ko nalang.

Nakatingin lang kami ni Lance sa isa't isa nang,

"Oh? Ano pang tinitingin-tingin nyo dyan sa isa't isa? Akala ko ba nagmamadali kayo? O dali na. Humayo na kayo." Sabi ni Louie habang pinag-abre siete nya yung kamay ko sa braso ni Lance at tinulak palabas sa pinto.

"Pano ba yan, Au revoir! Enjoy!" Sabi nya saka kami sinaraduhan ng pinto

"Oy! Louie ano ba-" I tried to knock but Lance just told me to let him be kaya sumunod ako sa kanya.

~

Habang nasa kotse, tahimik lang kaming dalawa. Diretso lang ang tingin nya.

After 1 hour,

"Uy. Okay ka lang ba?" I asked him.

"Huh? Bakit?" casual nyang sabi

"Wala naman. Para kasing ang tahimik mo ata." Sabi ko

The Revenge of the Former FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon