Chapter 8 : Hold My Hand

266 8 0
                                    

AUTHOR'S POV

BETH

"ANO ba 'yan, ang bagal mo naman! Dali! Mamaya n'yan mahaba na'ng pila." pagmamadali niya kay Lance habang hila-hila niya ang braso nito.

Hindi naman kumikibo si Lance at napipilitan na lang sumunod sa kanya.

"O, may isa pa pong bakante." sabi ng clerk sa operator ng Ferris Wheel. Saktong kakarating lang nila at wala nang iba pang nakapila.

"Kami na po!" sabi niya rito.

"O, sige." sabi ng clerk sa kanya. "Kuya, kumpleto na po." sabi nito sa operator. "Meron po ditong sasakay na mag-boyfriend."

"Boyfriend?!" sigaw nilang dalawa nang sabay. "Hindi po!" sabay uli nilang sabi.

"Ay sus, kunwari pa. Ang mga kabataan talaga ngayon, oo!" sabi nito. "Sumakay na kayo."

"Pero hindi naman po talaga-" sabi niya uli sa clerk akmang dedepensa uli, pero hindi na niya natuloy ang sasabihin.

"Hayaan mo na... Let's just get in." pagpigil sa kanya ni Lance.

At saka hinila na siya sa braso para sumakay na.

"Ang ganda talaga ng view dito sa taas." sab ni Lance habang nakasakay na sila at nasa may bandang tuktok na ng ferris wheel.

"Pero... Mas maganda sana ito kung walang pollution." sabi uli ni Lance.

Habang siya, seryosong nakatingin lang sa view at hindi kumikibo.

"Oh, bakit na naman? Kanina lang hyper ka na uli ah." sabi nito nang mapansin ang itsura niya.

"Wala, nakaka-badtrip lang kasing ang ma-malisyoso ng mga tao ngayon." sabi niya.

"Haha! Bakit ang OA mo namang mag-react dyan? Parang yun lang eh." sagot sa kanya ni Lance.

"E bakit?! Talaga naman e. Tsaka bakit ba hindi ka man lang nag-react dun? Akala tuloy nung mama totoo."

"Hay,." sabi nito. "Wala naman akong dapat sabihin. Di rin yun maniniwala if I did."

"Kahit na!" nag-aalala nyang sabi. "Nahihiya lang ako." mahina naman niyang sabi.

"Hay, tama na nga yan Beth." sabi nito. "Ang arte mo naman, bakit ba? I don't mind being mistaken as your boyfriend."

"Anong maarte?! Di ako maarte ah..

O////////////O

... T-teka... ano'ng sabi mo? Paki-ulit nga."

"I said, I don't mind being mistaken as your boyfriend... If you don't mind being mistaken as my girlfriend.." sabi nito looking at her straight in the eyes.

"Don't tell me, ikaw pa'ng tatanggi sa 'kin?" he said as he sat beside her and is smiling very sweetly.

"Ah... Ah-eh... D-dun ka nga sa kabila, t-tumatabingi yung sinasakyan natin. Baka masira 'to."

sabi nya habang tinutulak ito palayo.

Ramdam niya kasi ang pamumula ng pisngi niya.

"Uy! Dun ka na para balanced."

"Ayaw mo nun? Di ba, they think na mag-boyfriend nga tayo?" nang-aasar na sabi nito.

At saka inakbayan pa siya.

Hindi niya na ito kaya.

Pang ilang beses na nilang naging malapit sa isa't isa ng ULTIMATE CRUSH niya, for this day.

"Lance naman eh, dali na kasi. Sige ka sisigaw ako rito para pag baba mo, pagkaguluhan ka na ng tao." sabi niya. Hindi na kasi siya kumportable sa nangyayari.

The Revenge of the Former FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon