Chapter 4 : First DAY-T :)

393 9 0
                                    

BETH' S POV

"LANCE?!" sigaw ko kaya agad na tinakpan nya ang bibig ko.

"Ano ba miss! Huwag ka maingay! Baka may makarinig sa 'yo!"

Lumingon sya sa likod.

"Ayan na sila!" Sabi nya sabay alis ng kamay nya sa bibig ko

"H-ha?! Sinong sila?"

"Nasaan si Lance? Hanapin niyo nga siya!" Narinig niyang sabi ng isang babaeng 10 meters ang layo sa min. Mukhang galing sya sa dressing room ni Lance.

Mukhang yun nga ang tinatakbuhan ni Lance.

"Tumakas ka?" tanong ko kay Lance. "Hala, baka—aray! Saan mo ko dadalhin?!"

Hindi ko na natuloy pa ang sasabihn niya dahil hinila na nya ko.

"Wag ka nang maraming tanong. Kesa mabuko pa nila ako sa kaingayan mo, isasama na lang kita." Seryosong sabi ni Lance.

Oh no. What is happening? :o

~


LANCE'S POV

"T-teka, ayoko nga!" sabi nya sabay bitiw mula sa mahigpit kong pagkakahawak.

"Baka mapahamak pa ako sa iyo eh." sabi niya nang naka-kunot ang noo.

Haay! Ang kulit naman ng babaeng 'to.

Ang ingay pa... Kung hindi lang kita kailangan, hindi na kita pag-aaksyahan pa ng panahon eh.

Bibitawan ko na sana sya nang bigla kong makitang palakad na si Sam papunta sa kinaroroonan ko. Kaya binalik ko uli ang kamay ko sa braso niya. Pero, nagpumiglas na naman sya

"Haay, ang kulit talaga... Bahala na nga."

"Bitawan mo nga sabi ako eh!" pagrereklamo niya. "Tulong! Tulungan niyo ako! Andito si Lance oh-" Sigaw pa niya.

Argh. Badtrip talaga. 

Agad kong tinakpan uli ang bibig niya.

"Ano ba?! Huwag ka ngang maingay! Kung hindi, isusumbong kita!" pananakot ko sa kanya.

Tumingin sya ng masama sakin.

"Bakit, ikaw, anong akala mo? Hindi ko alam na tresspassing ka rito? Ngayon lang kita nakita rito ah. Magnanakaw ka 'no?" sabi ko. Smirking.

"H-hindi ah?!" Nagulat sya sa sinabi ko

"Eh bakit andito ka?"

"Kinuha ko lang itong camera ko sa dressing room mo—" sabi nya at biglang natigilan.

"Ah... So, galing ka pa pala sa dressing room ko.." sabi ko.

"And I am certain na hindi ka pwede doon, tama ba 'ko?" sabi ko sa kanya eye-to-eye.

Hindi sya nakasagot.

"So, that makes you a tresspasser. Alam mo ba kung anong pwedeng magyari pag nahuli ka nila rito?... Tamang-tama, wala ka pang ID na maipapakita pag nahuli ka nila."

Kinakabahan na sya. Umiwas sya ng tingin sakin.

"Pareho lang naman tayong may ginawang masama 'di ba?" sabi ko sa kanya

"Kaya kapag sinumbong mo ako, damay ka rin dito... PERO, kung ayaw mong madamay, tutulungan mo ako."

"P-pero..." nangangamba niyang sabi.

"Hep, isang tawag ko lang sa mga body guard ko, huli ka na.. So, ano na ngayon? Tutulungan mo 'ko, o tutulungan mo 'ko?" 

"Oo na! Sige na nga, tutulungan nakita. May magagawa pa ba ako?!" galit nyang sagot sa kin

The Revenge of the Former FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon