Chapter 12 : One Liter of Tears

199 5 1
                                    


BETH'S POV

Pagdating ng mommy, mukhang pagod na pagod na sya kaya hindi ko na binrought-up ang tungkol kay Lance.

Diretso na sa kwarto ang mommy at natulog na lang maghapon.

Noong mga sumunod namang mga araw, super busy sya sa mga hinahabol na trabaho sa ospital.

Kaya naman, hindi ko na talaga nagawa pang ikwento ang kahit isa sa mga naganap noong weekend.

Isa pa, napapansin kong mas busy ngayon ang mommy ko compared noon at wala syang imik masyado. Mukhang may mahalaga syang inaasikaso.

1 week na ang nakalipas mula nang magkakilala kami ni Lance.

Monday ngayon at busy ako sa pagpa-process ng mga college admission requirements ko.

Sadly, hindi ako nakapasa sa quota ng Ateneo na pinangarap ko. Sobrang depressed ako ngayon, to be honest. Pauwi na ako nang mayroon akong maalala.

Ang bag kong dala ngayon ay ang mismong bag na dala ko rin noong concert ni Lance, more than 7days ago. Naalala ko tuloy ang weekend kong kasama si Lance.

"Ay oo nga pala."

Naalala kong nandito nga pala sa bag na ito ang camera ko.

Ilang araw ko na rin iyong hinahanap sa bahay pero hindi ko talaga makita.

Omg.

Nakalimutan kong ito nga pala ang dala kong bag dahil hanggang ngayon ay narito pa rin yung mga album ni Lance na dala ko nung concert.

"Shocks!' I scowled

Napatingin tuloy sa kin ang mga kasakay ko sa jeep.

"Ay, sorry po." sabi ko na lang.

"Putik, asan na yun?" hanap pa rin ako nang hanap.

Then, naalala ko nung araw na nagpicture kami ni Lance sa park.

"Oh no..."

-------------------------------

PUMUNTA ako sa recording studio para puntahan si Lance.

Itatanong ko kasi kung nasa kanya ang camera ko.

Nagdala rin ako ng pasalubong na kwek-kwek at fishballs para sa kanya.

Matagal na rin kasi kaming hindi nagkita at besides, sabi nya,

"Hope we can meet again" daw hindi ba? Kay I decided to surprise him as well.

Pero pagdating ko roon, ako pala ang masu-surprise...

"Gosh, when will you ever drop that stupid dating show?!" galit na galit na sigaw ni Lance sa manager niya.

"I am telling you all, I'm not doing it! Why don't you just think of something else?! Something na hindi ganyan. I'm sure you can come up with another idea." sabi nya.

"Lance, why don't you just accept the project na lang. It's good for your career. And aside from that, malaki ang talent feeng pinangako nila. The biggest amount of TF anyone could offer you." sagot naman ng manager nya.

Hawak-hawak ni Lance ang ulo nya at mukhang inis pa rin. Kakawayan ko sana sya kung sakaling tumingin sya sa direksyon ko. Pero hindi sya lumingon.

"Please, Ms. Dina...You know how much I hate them. You know I'm not really doing well along with my fans. I hate them. They're all so annoying." sabi nya.

Natigilan ako.

Ano raw?

'he hates them'?

"And by the way, it's so nice of you rin, huh?!" he said sarcastically.

The Revenge of the Former FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon