Part 2.7 : In Denial

155 6 0
                                    


LANCE'S POV

"Uy boss! Nakikinig ka ba?"

"A-ano?!" I gnarled at Fred.

"Whoah. Chill lang boss. Aga-aga init ng ulo mo."

"Ano ba kasi yang ang aga-aga inii-stress mo ko sa schedule ko. Gusto ko magpahinga!"

"Oh. Yun naman pala boss eh. Edi sumama na po kayo sa beach party ni Ms. Scarlet Levida sa sabado."

"Ano na naman yan. Ayoko."

"Boss. Sabi ni Ms. Dina kailangan nyo daw dahil magkakaroon daw kayo ng bagong pelikula kasama si Ms. Scarlet sa September. Mabuti daw  yun para ma-plug nyo narin na may chemistry kayo bago pa magsimula i-shoot yung movie."

"Tss. Di ko kailangan gawin yon. Marami na kong iniisip."

"Tulad nung magandang model ng secret vanity? Hahaha."

I glared at him.

"Anong sabi mo? Sinong model ng Secret Vanity?"

"Edi yung babaeng nakabangga mo kanina sa hallway. Tss. Nasa likod mo kaya ako."

"Tss. Yon? Wala yon."

"Boss. Halos sabay na tayong nagbinata gawa ng body guard mo yung tatay ko noon. Kaya kahit boss kita, alam mong kilala kita. Haha. Nakita kita nung event ng Second Haven eh. Kausap mo si Ms. Beautiful. Grabe boss. Ang ganda nya!"

"Tss. Maganda ba yon. Ugly bethy parin naman."

"Ha?! Anong ugly Bethy? Teka. Don't tell me... Whoah! Yun ba yung babaeng umiyak na dinalhan ka ng fishball non?"

"Oo. Panget noh."

"Seryoso ka boss? Eh ang ganda kaya non! Model yun ng Secret Vanity tapos ang chismis girlfriend pa ni Tyler Evany."

"Yon? Model? Niloloko mo ba ko?"

"Boss. Nabalita kaya yon sa TV. Another pinoy pride daw."

"Tss. Pero... teka... Girlfriend sya ni-"

"Yieee boss. Selos ka? Haha."

"Lul. Wala kong sinasabi."

"Haha. Oo na. Sabi mo eh."

Takte. Pano naman naging sila nung mayabang na Evany na yon.

"Pero Fred. Oy. Sagutin mo yung tanong ko."

"Sus. Curious ka boss noh. Haha. Ewan ko din eh. Ayon sa research ko hindi daw. Dinedeny nila. Mag bestfriends daw sila at super close lang talaga."

Tss. Arte naman. Kala mo kung sinong maganda.

"Boss. Uy... Papagalitan na ko ni Ms. Dina. Sumama ka na daw sa party ni Ms. Scarlet."

"Argh. Sige na nga. Pero aalis din ako agad. Wag mo sabihin. San ba yan?"

"Sa bora daw eh."

"Psh. Ang layo. Sige na. Lumayas ka na. Magpapahinga na ako."

"Sige boss. Bye!"

At umalis na nga siya.

Sa wakas. Makakatulog nadin ako ng mahimbing.

The Revenge of the Former FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon